Chapter Eighteen || Nathan

500 13 2
                                    

"Anong ibig niyong sabihin na wala na sa Cavite si Jerome?"

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Patrick. Curious ako, actually. Saan naman kaya mapapadpad si Jerome? Maganda naman 'yung bahay nila dito sa Cavite ah.

"Ang ibig lang naming sabihin... wala nang nakakakita kay Jerome sa amin," paliwanag ni Bea. "Oo, nakakausap namin siya sa chat, pero wala na talagang nakakakita kay Jerome sa personal."

"Noong una, akala rin namin nag-stay si Jerome sa dati nating school," dagdag ni Angel. "Pero nung bumisita ako doon, wala na raw balita 'yung mga kaklase natin sa kanya."

"Baka naman lumipat lang siya ng school," hula ko. "Anlaki-laki ng Cavite eh. Tsaka isa pa, hindi niyo ba siya yinayaya sa mga gala niyo, Patrick?"

"Antagal na rin nung huling beses na gumala kaming kasama si Jerome eh," kwento ni Patrick. "Nung April pa ata 'yung huli naming lakad na sumama siya... pagkatapos nung graduation namin. Pero wala naman siyang binanggit nun na lilipat pala siya."

"Pero nakaka-chat niyo pa rin?"

"Madalang na lang kasi kami mag-usap, Nathan. Hindi na kami magkakaklase ngayon kaya wala naman kaming rason para mag-usap, maliban na lang kung may mag-aayang gumala."

"Di naman normal sa mga lalaki na magkamustahan out of nowhere, Nathan..." biro ni Bea. "Mag-aayaan muna silang pumunta sa kung saan-saan, saka sila magkakausap."

"At isa pa, nakiki-chismis lang kami gayon kung nasaan si Jerome," dagdag ni Angel. "Kahit anong gusto naming malaman kung nasaan si Jerome, hindi naman pwedeng tanungin na lang namin siya bigla sa chat."

"Kung gusto mo, ikaw mag-chat sa kanya," asar ni Patrick.

"Mag-isa ka."

Tatanungin ko pa sana sila tungkol kay Jerome nang may lumapit na waiter sa table namin dala-dala ang isang malaking tray na punung-puno ng pagkain. Isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan ng mga pagkain habang nilalapag niya ito sa harapan naming apat.

"Apat po na Spicy Specialty Ramen... Spicy tuna... california maki... spicy tempura... and veggie roll. To follow na lang po 'yung dessert."

"Thank you, kuya!" pasasalamat ni Bea habang kumukuha siya ng chopsticks sa lalagyanan ng table namin. Nauna nang lumamon si Bea kaysa sa aming tatlo na para bang hindi pa siya nakakakain simula kaninang tanghali.

"Mmm..." halos mapa-ungol ako pagkatapos kong maglagay ng isang buong sushi sa aking bunganga. "Sarap."

"Whoo, ang anghang netong ramen..." banggit ni Angel. "Sana pala nag-order tayo ng softdrinks."

Sobrang busy naming tatlo sa pagkain at di na namin napansin na hindi pa pala nakain si Patrick dahil hindi niya mahawakan nang maayos ang kanyang chopsticks. Ilang beses niyang sinusubukang iangat ang sushi sa harapan niya, pero nawasak na ang sushi bago pa niya ito makain.

"Patrick, 'di ka ba marunong gumamit ng chopsticks?" tanong ko sa kanya. 

Halos matawa na ako sa pagka-frustrate ni Patrick.

"Teka, kaya ko 'to."

Huminga siya nang malalim bago niya sinubukang kumuha ng isa pang sushi mula sa plato. Pero kahit anong gawin niya'y nasisira lang ang bawat sushi na mahawakan ng chopsticks niya.

"Mag-tinidor ka na nga lang!" Kumuha si Bea ng tinidor para iabot ito kay Patrick, pero hindi pa rin niya hinihintuan ang paggamit sa kanyang chopsticks.

"Ang kulit naman kase."

Inayos ko ang pagkakahawak ni Patrick sa kanyang chopsticks at saka ginamit ang kanyang sariling kamay para kumuha ng sushi. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko mamalayan na hinahawakan ko na pala ang mga kamay niya.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon