Chapter Fifty || Nathan

167 10 0
                                    

"Hindi ko ba nasabi sa inyo na may student assembly ngayong umaga?"

Nagmadali kaagad kaming pumunta sa school kaninang pagkagising ko. Naligo kaagad ni Jerome sa CR na katabi ng kusina pagkatapos niyang ligpitin 'yung hinigaan namin kagabi. Natagalan pa si Bea sa paggamit ng CR nila Patrick sa taas kaya kinailangan pa niyang hintayin na matapos si Jerome para makaligo.

May plano nga rin sana ako maligo pero antagal talaga ni Bea sa kabilang CR. Hindi na lang ako nakiligo total pwede naman akong magshower sa gym bago 'yung practice namin mamaya ng badminton team. Dinamihan ko na lang 'yung lagay ko ng deodorant at body spray para walang makahalata na hindi ako naligo.

Buti na lang pala si Jerome ang katabi ko sa classroom para hindi na siya magtaka kung bakit amoy na amoy 'yung body spray na ginagamit ko.

Hindi na rin kami nakapag-agahan dahil sabi ni Jerome kinain ko na raw lahat ng natirang pizza kagabi. Di ko ba alam kung bakit wala ni isa sa amin ang nag-set ng alarm ng 5 am para may oras pa kami para kumain ng agahan at maligo.

Palibhasa kasi si Mama 'yung gumigising sa akin kaya hindi ko na kailangan ng alarm eh.

Nakarating kami sa school mga bandang alas otso y medya. Nangalahati 'yung oras ng biyahe namin dahil sa matulin na pagpapatakbo ni Patrick ng kanyang kotse sa highway. Akala ko nga mahuhuli kami ng pulis eh, 'di ko alam kung sinuwerte lang si Patrick o ano kaya walang nanita sa amin.

Pero pagkapasok namin sa classroom, nakapatay lahat ng ilaw sa loob. May mga bag at gamit sa bawat upuan, pero wala 'yung mga kaklase namin. Kakatapos lang ng PE class namin kahapon kaya imposibleng nasa court silang lahat.

Mukhang napansin ng nagpapatrol na guard 'yung suot naming uniform ng senior high kaya pinagsabihan niya kaagad kami na bumalik sa auditorium at kung hindi ay kukunin niya 'yung mga ID namin. Akala siguro ng guard na tumakas lang kami sa event. Hindi man namin alam kung anong meron doon, sumunod na lang kami sa kanya at pumunta sa auditorium ng campus sa second floor.

Hindi naman namin alam na kanina pa pala kami hinahanap ni Angel. Napilitan raw siyang humiwalay sa section namin at umupo sa pinakalikod na row dahil antagal raw bago kami dumating.

"Ano bang meron?" bulong ni Bea kay Angel habang pinapanood namin ang professor na nagsasalita sa unahan.

"Sasabihin na nila 'yung desisyon ng admin regarding sa mga appeal ng estudyante sa school policies," paliwanag ni Angel. "Tsaka simula na rin ng pagrecruitment month next week kaya magpapakilala rin mamaya sa stage 'yung mga major clubs at varsity teams."

"Seryoso ba?" tanong ko.

"Oo. Kaya nga hindi ko kasama si Kate ngayon dahil kasama 'yung women's basketball team sa magpapakita sa unahan mamaya."

"Oh, edi dapat kasama rin ngayon ni Nathan 'yung badminton team?" banggit ni Patrick. "Imposible namang hindi siya kasama sa magpapakita mamaya sa unahan sa dami ng larong naipanalo niya."

"Wala naman akong natanggap na text mula sa team captain namin." Tumayo na ako at nagsimulang hanapin kung saan nakapwesto 'yung mga varsity players ng senior high. "Asan ba si Kate?"

"Nasa backstage," sagot ni Angel. Nagpalakpakan na ang mga estudyante sa paligid namin nang matapos nang magsalita ang professor na nasa stage. "Bilisan mo, loko. Malamang at sa malamang, varsity teams ang uunahin nila."

Umalis na ako sa kinauupuan naming lima para lumabas ng auditorium. Wala namang nakabantay na guard sa harapan ng pintuan na papunta sa backstage kaya pinapasok ko na lang ang sarili ko habang walang nakatingin.

Dumiresto kaagad ako kung saan nagmumula ang ingay sa loob at nakita kong nagsisiksikan ang lahat ng mga clubs sa isang mainit na kwarto, samantalang nakahiwalay naman ang mga varsity players sa naka-aircon na lounge.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Donde viven las historias. Descúbrelo ahora