Chapter Thirty || Nathan

345 12 4
                                    

"Hmm... wala na pala tayong mozzarella."

Nililinis ko 'yung ref namin sa cafe habang tinutulungan na ni Joaquin 'yung boss namin sa paglilista ng lahat ng mga ingredients na naubos nung open mic night. Pero sa tingin ko parang mas madali pa atang ilista lahat ng natira. Wala na talagang kalaman-laman 'yung ref namin kundi pinapa-chill na cookie dough at limang itlog.

"Na-phase out na natin 'yung nachos noong Sabado kaya kailangan na rin natin ng tortilla chips," paliwanag ni Joaquin habang tinutulungan niya ako sa pagtanggal ng mga bowl at baking tray sa loob ng ref. "Ground beef, wala na rin..."

"Make sure na masasalang sa oven ngayon lahat ng mga nakatambak na dough sa ref," utos ng boss namin. "Wala na bang mga karne sa freezer, Nathan?"

Binuksan ko ang freezer sa taas at nakita kong halos wala na rin itong laman.

"Umm... Isang pack ng salami na lang 'yung nandito tsaka bacon." Inamoy ko 'yung bacon para i-check kung fresh pa siya. "Yak, nangangamoy na ata."

"Tapon mo na 'yan, Nathan," sabi ni Joaquin. "Hindi na siguro pwede 'yan."

"So kailangan na rin natin ng bagong stock ng bacon," sabi ng boss namin. "Tsaka lahat ng frozen meat bukod sa salami. Wala na bang iba, Joaquin?"

Lumapit si Joaquin sa boss namin para basahin 'yung sinulat niyang listahan.

"Opo. Yun na ata 'yun lahat," sagot niya.

"Sige," Sinundan namin ni Joaquin ang boss namin palabas ng cafe. Binuksan niya ang pintuan ng nakaparada niyang sasakyan sa harapan ng cafe. "Magg-grocery lang ako saglit sa Town Center. Walang kalokohan, maliwanag?"

"Yes, boss...!" sabi ni Joaquin.

Pinaandar na ng boss namin ang makina ng kanyang sasakyan at pinanood namin siyang umatras papunta sa kalye at mag-drive palabas ng Maginhawa. Humikab si Joaquin. Pasimple niya akong inakbayan pagkatapos niyang i-stretch ang kanyang braso.

"Inaantok ako, Nathan..." sabi niya sa akin. "Magbantay ka muna sa counter at matutulog muna ako sandali sa break room."

"Tumigil ka nga. Ako muna."

"Onti pa lang naman ginawa mo mula pa kanina eh!"

"Parang ikaw hindi ah...!"

Bumalik na kami ni Joaquin sa loob ng cafe at dumiretso kaagd siya sa break room para magpahinga muna. Wala rin namang customer noong oras na 'yun kaya pinabayaan ko muna siyang maidlip kahit saglit lang.

After thirty or so minutes, may dumating na bagong customer sa loob ng cafe namin. Pakiramdam ko may lahi siya; 'di ko lang kayang i-distinguish kung aling half siya. Basta singkit ang mata niya't sobrang puti ng kanyang balat, halos 'yung tipo ng tao na taong bahay mula pa pagkabata. Kulay brown ang straight niyang buhok. Mula din siya sa UP, 'yan ang 100% sure ako, dahil sa lanyard na suot niya. 

"Hello, good evening!" May energy pa naman ako kaya effortless lang ang ngiti ko sa kanya. "Welcome to the Caffeine Corner! What can I get you?"

"D-Diane...?"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong nakatayo si Joaquin sa doorway ng break room namin. Natigil siya sa kinatatayuan at napabuka ang bibig sa gulat. Parang kilala niya kung sino man itong si Diane.

"J-Joaquin...?"

Sa tono ng boses ni Diane ay mukhang hindi niya inasahan na makita si Joaquin dito. Umiwas pa siya ng tingin sa aming dalawa, pero pagpasok pa lang niya kanina'y halata nang napupuno ng lungkot ang kanyang mga mata. Mukhang maluluha na siya at any given time.

Maginhawa Nights #TheWattys2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon