Vengeance 8

893 45 0
                                    

It's saturday already. Time seems to be moving too fast. I am currently sitting here in veranda, having a nice time while watchimg the bright stars and moon with a cup of warm milk. Malakas at malamig ang simoy ng hangin, masarap pakinggan ang mga dahon ng punong sumasayaw sa hangin. Bata pa lang ako gustong-gusto ko na ang ganitong klase ng katahimikan. Paborito ko talagang pagmasdan ang langit kapag gabi. Lalo na kapag bilog at maliwanag ang buwan. Malungkot akong napangiti nang may bigla akong naalala..



"Sabi na nga ba at dito lang kita makikita." Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Vraxx. Nakangiti itong lumapit saakin.


"Were you looking for me?" Tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko.


Kasalukoyan kaming nandito sa gilid ng dagat. Nakaupo sa malamig na buhangin. Sem break ngayon kaya nandito kami sa probinsiya.


"Hindi naman." Saad niya.


Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. The sound of waves is really peaceful. And the fact that he's here with me, makes everything more serene.


"You know love, someday, when we get married, gagawin natin ito palagi bago tayo matulog." Malambing niyang sabi na ikingiti ko. "Pag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral magtatrabaho ako ng mabuti para makapatayo tayo ng bahay malapit dito."


"It's too early for that, love." Tumatawang sabi ko para maitago ang kilig na nararamdaman ko. "But I would really love that, a moment where sabay natin titignan ang pagsikat at paglubog ng araw."


Hinawakan niya ako kamay ko at marahang hinalikan ang likod nito, umayos ako nang upo at maigi siyang tinignan.


"What would I do without you, Vraxx." Halos pabulong kong sabi. Mapupungay ang mata niya nang tignan niya ako.


"You always have me, Athena."


And just like that, the moon and stars, and ocean witnessed our solemn kisses.




Nabalik ako sa reyalidad nang may marinig akong katok mula sa glass door, tinignan ko iyon at senenyasan siyang lumabas.


"Ano po iyon, manang?"


"Hindi kapa ba kakain? Kumakain na yung dalawa doon." Malumanay niyang sabi. Napabuntong-hininga ako at tumayo.


"Tara na po." Sabi ko na lang at naunang umalis sa veranda.


Naabotan kong tahimik na kumakain ang dalawa. Ni hindi man lang nila ako tinaponan ng tingin. Di na lang din ako umimik at umupo na lang, kumuha ako ng pagkain kahit wala ako gaanong ganang kumain. Simula noong napag-sabihan ko si Tyrine hindi kami masyadong nag-uusap. Nag-kakausap ko lang siya kapag inaabotan niya ako ng dapat kong trabaohin, napaka pormal. Wala naman kaso iyon saakin, pero tatlong araw na ang nakakalipas. Affected ba siya masyado at di niya ako pinapansin? Tss. Parang tanga eh.


"You both are so quiet these fast few days." Kaswal na saad ni Lucifer. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. "Hindi ka niya tatradoyrin, Satana. Buhay niya ang kapalit kapag nagkataon." Bored ko siyang tinignan.


Vengeance From HellWhere stories live. Discover now