Vengeance 11

831 46 1
                                    

"Thank you." Nakangiting sabi ni Haven nang e serve ang order naming kape at tinapay. Salamantalang ako tipid lang na nginitian ang waiter.


"I like this place." Saad ko habang inililibot ang aking mata sa lugar. "Everything is aesthetics. Cozy and warm." Dagdag ko pa.


"Mabuti at nagustohan mo." Tinignan ko siya nang may pagtataka. How can she act so innocent and harmless in front of me?


"So what do you want to talk about?" Sumimsim ako ng kape bago ko ipinagkross ang mga braso at sumandal sa malambot na upoan.



"Una, gusto kong malaman mo na masaya akong makita ka ulit at malaman na ayus ka lang." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Miss na miss kita, Athena. After all these years I really thought you were dead." Madamdamin niyang sabi.


Tumaas ang pareho kong kilay. What is this? Paano niya nasasabi ang mga bagay nayan sa harap ko mismo? May problema ba siya sa pag iisip? Kung mag salita siya ay parang hindi siya ang may gawa saakin nito. Ipinatong ko sa lap ko ang kamay ko saka ko ito mariin na ikinuyom.


"Salamat. Namiss din kita." Halos walang emosyon kong sabi. "Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?"


"N-Now that you're back, are going to take back what's yours?" Yumuko siya at kinagat ang labi. Ganitong-ganito siya kapag kinakabahan o natatakot.


The question is, what is she afraid of?


"It depends, Haven. Ano ba ang tinutukoy mo?" Nawawalan na ko ng pasensya. Di siya umimik at nanatiling nakayuko kaya naman bahagya kong hinampas ang lamesa. "Quit acting like that. You look stupid." Inis ko na talagang sabi, mabuti na lang at kami lang ang costumer dito.


Huminga muna siya ng malalim bago ako deretsong tinignan. Wala parin siyang salita, parang pinag-iisipan niya pa kung sasabihin niya ba talaga ang nilalaman ng kukuti niya.


"Si Vraxx. Alam mo naman na fiance niya ako diba?" Sa ikalawang pagkakataon muli niyang akong napataas ang mga kilay ko. "Sana wag mo na siyang agawin saakin, Satana. Masaya na kami pareho."


Natigilan ako. Sa mga sandaling ito parang biglang nawala ang kainosentehan niya. At this exact moment she seems like ready to be violent.


"Aagawin? Si Vraxx aagawin ko? Sayo?" Natatawang singhal ko. "Dinala mo ako dito para kausapin na wag agawin sayo si Vraxx?"


"Oo." Agad niyang sagot kaya naman natawa na talaga ako.


"Oh dear Haven, hindi ko siya aagawin sayo." I smirked, mukha namang lumiwanag ang mukha niya. "Hindi ko siya kailangang agawin sayo because he's not yours after all."


Kitang-kita ko kung paanong nangdilim ang mga mata niya. Alam ko na, alam ko na kung paano maiilabas ang itim niyang bughi. I need to trigger her and Vraxx will be my ultimate bullet. Ipakita mo saamin kung gaano ka kadesperada Haven.


"So sinasabi mong babawiin mo siya saakin?" Inis pero nakangiti niyang tanong, I just shrugged in response. "You can't do that, he already promised a wedding with me."


"Ginawa niya lang naman yun kasi ikaw yung nandiyan noong mga panahon na wala ako. Open your goddamn eyes Haven, Vraxx will never love you the way he love me. Ginamit ka lang naman niya." Nakangisi kong saad.


Vengeance From HellWhere stories live. Discover now