KABANATA I

22 6 0
                                    

Nang matanggap ko na ang message ng boyfriend ko na nandito na siya sa village namin ay agad kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng kuwarto.

Natigilan naman ako nang masalubong ko si Nana na mukhang kakatukin na naman ako sa kuwarto ko dahil hindi pa ako bumababa.

"Flaire, ano ba--"

"Good morning din Nana." singit ko bago siya halikan sa pisngi. "I love you." sabi ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil dali-dali na akong tumakbo pababa ng hagdan. Narinig ko pa ang sigaw niya dahil baka mahulog daw ako. Naku, si Nana talaga ginagawa akong bata, hays.

Dumiretsyo ako sa kusina at nakitang nandun na sila Mom, Dad at ang bunso kong kapatid na si Francis na kumakain na ng breakfast. Nag angat ng tingin si Dad sa akin at agad na kumunot ang noo niya, "Flaire, ano ba yang buhok mo?" tanong niya kaya napahawak ako sa buhok ko. "Nag suklay ka ba?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya, "Good morning din Dad." sabi ko at agad na kinuha ang sandwich sa plato ni Francis dahilan para samaan niya ako ng tingin.

"Ate ano ba, akin na yan!"

Nag-bleh ako sa kanya, "Iyak ka muna." sabi ko sabay subo ng sandwich.

"Mom oh!" sumbong niya.

"Psh, damot mo. Ang dami-daming pagkain oh." turo ko sa lamesa na nag lalaman ng iilang ulam na puro gulay. Bigla naman akong nakarinig ng busina ng kotse mula sa labas. "Nandyan na si Raven." sabi ko at lumapit kay Mom para halikan siya sa pisngi.

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong niya.

"Nah, sa school na lang." sabi ko at lumapit din kay Dad para halikan siya sa pisngi.

"Jusko, ang buhok mo Flaire." aniya pero tinawanan ko lang siya at kumagat sa sandwich na kinuha ko kay Francis bago ito ibinalik sa plato niya dahilan para tignan na naman niya ako ng masama. Paka sungit naman nito, parang may buwan ng dalaw eh. "Freya kausapin mo nga yang anak mo, parang hindi babae." Dagdag ni Dad pero hindi siya pinansin ni Mom at umiling lang habang nakangiti.

"Mana kasi ako sayo." sabi ko.

"Hindi naman mukhang lilipad si Dad, 'di tulad mo." bulong ng kapatid ko pero alam kong sinadya niya na marinig ko yun.

Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya, "Ah? Kinakausap pala kita?" pambabara ko sa kanya pero tinanggal lang niya ang kamay ko sa tuktok ng ulo niya at nag patuloy sa pagkain. Sungit, tss.

"Buti nakakayang mag tiis ni Raven sayo?" tanong ulit ni Dad.

"Wala, mahal ako eh." kibit-balikat na sabi ko. "Sige na. Gotta go!" sabi ko at nag lakad na paalis.

"Mag suklay ka!" sigaw ni Dad, humarap ako sa kanya at umakto na binaril siya gamit ang hintuturo ko sabay kindat.

Natigilan naman ako nang may masagi ako, pag tingin ko sa likod ay si Nana pala. "Hi Nana!" bati ko sa kanya.

Ngumiwi siya na para bang naiistress sa akin. Can't blame her, ang hirap ko ba naman bulabugin para magising haha! "Bye." sabi niya at dumiretsyo na rin sa kusina. Menopause na kasi kaya ganyan. Napailing ako habang nakangiti bago dumiretsyo sa pinto.

Lalabas na sana ako nang may maalala ako kaya sumilip ulit ako sa kanila. "I love you guys!" sigaw ko bago tuluyang lumabas ng pinto at nag tungo sa gate.

Nang buksan ko iyon ay nakita ko si Raven na nakasandal sa labas ng kotse niya. Nang mag angat siya ng tingin ay agad ko siyang niyakap.

"Good morning!" bati ko at kumalas sa yakap para tignan siya. "Pinag hintay ba kita?" tanong ko at inayos ang kuwelyo niya na nagulo ko ata nung lumingkis ako sa kanya.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon