KABANATA XIII

14 5 0
                                    


Iniabot ni Agos ang kamay niya sa akin para tulungan akong umahon, nang abutin ko iyon ay napadaing ako dahil para akong napaso.

"Paumanhin." sabi niya sa akin, hindi ko parin alam kung bakit ako nasasaktan kapag hinahawakan niya ako pero hindi ko na lang tinanong. "A-Ahm, tara na." aniya at sinabayan ako sa pag ahon.

"Laparza!" sigaw ni Sir William at biglang humiga sa damuhan. "I missed you so much!" dagdag pa nito habang nakadapa, mukhang hinalikan pa ang damo. Ngumiwi ako dahil dun.

Nag palinga-linga ako sa paligid, mukha itong paraiso. Madaming makukulay na bulaklak sa paligid at paro-paro. Matataas ang mga puno at may humuhuning mga ibon.

Tila ba lahat ng sakit at lungkot na naramdaman ko kanina lang ay biglang nawala at napalitan ng ginhawa, at kapayapaan dahil sa ganda ng lugar.

"Maligayang pag babalik sa Laparza..." tumingin ako kay Agos nang sabihin niya iyon. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.

Mabilis akong ngumiti ng tipid at muling ibinalik ang atensyon sa paligid. Hindi ito nakakasawang pag masdan, sobrang nakaka-satisfy sa mata.

Nag simula akong mag lakad papunta sa isang bulaklak na malapit sa akin at nang hahawakan ko ito ay nagulat ako nang bigla itong gumalaw, mga paro-paro iyon at sabay-sabay na lumipad.

"Wow." bulong ko. Hindi pa ako nakakita ng ganun. Sigurado bang totoo na 'to at hindi na panaginip lang?

"Tara na. Malayo pa ang ating lalakarin." sabi ni Agos at nag simula ng lumakad. Dahil sa sinabi ni Agos ay bumangon na si Sir William sa pag kakahiga at sumunod sa amin.

"Bakit nga ulit ako bawal sa tubig?" malamig kong tanong nang hindi siya tinitignan.

"Dahil isa kang ignis." Aniya.

"And what is that?" tanong ko.

"Apoy. Ang kapangyarihan na nasa iyo ay apoy." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"K-Kapangyarihan?" takang tanong ko at napatingin sa palad ko. Paanong meron akong kapangyarihan?

Nag simula na kaming bumaba dahil nasa tuktok pala kami ng burol. Nakasunod lang ako kay Agos dahil siya ang nakakaalam ng daan.

"Bakit parang wala namang gerang magaganap?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Sobrang payapa kasi ng paligid, parang walang gulo.

Lumiko si Agos at sumunod naman ako sa kanya. Huminto siya at may itinuro. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

Mula sa puwesto namin ay tanaw namin ang kagubatan na nasa baba. Pero sunog na ito at patay na patay ang kulay kumpara sa kung saan kami nanggaling.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"D'yan naganap iyong kaguluhan dalawang dekada na ang nakakaraan." sabi ni Sir William.

Muli kaming nag patuloy sa paglalakad ngunit nanatili lang kaming tahimik. Nang makababa kami ng burol ay pinatigil kami ni Sir William at lumingon siya sa likod.

Maya-maya ay bigla siyang may hinagis na baraha at tumama iyon sa isang puno, "Ostende te!" mariing sabi ni Sir.

Dahil doon ay may sumilip na nilalang sa likod ng puno at nang tuluyan na itong lumabas ay umawang ang bibig ko.

"A-Agnes?" sabi ni Sir William. Nakasuot si Miss ng itim na leather jacket at itim na pantalon. "A-Anong ginagawa mo dito? H-Hindi ba't sinabi ko na hindi ka puwede dito?" lumapit si Sir sa kanya. "Pinapahamak mo lang ang sarili mo."

"William, kahit na mawala ako wala naman ng ibang mag hahanap sa akin eh. Ikaw na lang ang natitira sa akin, kaya please, hayaan mo akong protektahan ka." Naluluhang sabi ni Ms. Agnes.

LAPARZAWhere stories live. Discover now