KABANATA V

9 6 0
                                    


Nanatili akong nakanganga habang nakatingin kay Agos matapos niyang patayin ang apoy sa drumstick na hawak ko. Ang dami kong gustong itanong pero walang lumabas sa bibig ko. Nasa gitna na kasi ako ng excitement tapos biglang ganito?

"Hindi mo alam ang ginagawa mo Flaire!" Aniya at bakas ang pagkairita sa mukha niya.

"Huh?!" Nasabi ko na lang dahil 'di parin nag proprocess sa utak ko kung anong meron.

Literal na walang gumagalaw bukod sa amin! Sinong hindi mawiwindang dun?

"Malalaman nila kung anong meron sayo!" may halong pagbabanta na sabi niya.

"Bakit, ano bang meron sa akin?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa pagkairita.

"Na isa kang ignis!" Sigaw din niya sa akin na ikinatigil ko.

Ignis? Tanginga ano yun?!

Nag salubong ang kilay ko at tinignan siya sa mata. "Anong ignis?! Putangina Agos puwede bang mamaya na yang kahibangan mo?! Puwede mo bang sabihin kung anong nangyayari?!"

"Makinig ka sa akin Flaire, hindi mo puwedeng gawin 'to." Sabi niya na parang hindi pinansin ang sinabi ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa drumstick ko dahil sa inis. "Sabihin mo muna kung anong nangyayari?!" Malakas kong sigaw sa kanya. Bigla namang nag liyab ang drumstick na hawak ko na ikinabigla ko. Napatitig ako sa apoy na nasa harapan ko dahil tila ba'y bigla akong kumalma kahit na nafrufrustrate ako sa mga pinagsasabi ni Agos.

"Ready na Flaire!" Tumingin ako dun sa nag sabi nun at nakita si Gab.

Muli akong tumingin sa paligid, hindi ko napansin na normal at umingay na ulit ang paligid.

"Flaire?" Muli akong tumingin kay Gab at tumango nang may pag aalinlangan.

Okay... what did just happen? Nag daday dream ba ako?

Mariin kong iniling ang ulo ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nang dumating na ang oras ay agad kong pinalo ang drumstick ko na nag aapoy parin. Habang gumagawa ng beat ay biglang may nag eecho sa utak ko. Hindi ko na alam kung anong mas malakas, kung yung mga tilian ba o yung gumugulo sa utak ko.

Pinanggigilan ko ang pag drudrums, nag babakasakali na baka umokay ang lahat pero maya-maya ay mas lalong lumakas ang tilian ng mga tao.

Doon ko lang napansin na nag liliyab na rin pala ang drums na pinapatugtog ko pero imbes na sumigaw sa takot at gulat ay napangiti ako dahil tila ba ay gumaan ang pakiramdam ko. Nag angat ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makitang umaapoy na rin ang iba't ibang parte ng stage.


~*~


Para akong lantang gulay na bumaba ng stage habang ang mga kaibigan ko ay sobrang saya sa nangyari kanina.

"Grabe Flaire! Akala ko drumstick lang paapuyin mo!" Sabi ni Nicole.

"Hindi ka talaga nag bibiro nung sinabi mong paliliyabin mo ang stage, no?" Nakangising sabi ni Charise sa tabi ko.

"Pero Flaire, kinabahan ako dun ah. Paano mo nagawa yun?" Tanong ni Gab.

Tumingin ako sa kanya at umiling, "H-Hindi ko alam." Sagot ko dahil totoo naman na hindi ko alam kung paano ko nagawa yun... o ako nga ba ang gumawa nun?

Wala naman sa plano ko na paapuyin ko ang buong drum set at ang ibang parte ng stage. Drumstick pa nga lang ay mahirap at delikado na, yun pa kaya?

Nagulat ako nang biglang hampasin ni Nicole ang balikat ko, "Asus, mga pasabog mo eh no!"

LAPARZAWhere stories live. Discover now