KABANATA X

10 5 0
                                    


"M-Mahal na mahal kita... Flaire."

Hindi ako makahinga. Ang sakit na ng puso ko, parang unti-unting pinupunit ang loob ko. Pero kahit na gano'n ay walang kahit isang luha ang tumulo sa mata ko.

Ang tanging nagawa ko lang ay ang sumigaw habang yakap-yakap ang katawan ni Raven na wala ng buhay. Nanghihina ako pero ayokong bumitaw sa pagkakayakap sa bangkay niya. 'Hindi 'to puwedeng mangyari, panaginip lang 'to! Please, panaginip lang 'to!'

"Flaire!" may humawak sa braso ko pero hindi ko siya pinansin.

"Hindi!" sigaw ko. "H-Hindi ko siya iiwan!" sabi ko pero sapilitan parin niya akong pinabitaw at hinila patayo. Hinawakan niya ako sa magkabilaang braso para makaharap siya.

"Wala na tayong oras Flaire. Tara na." si Agos at hinila ako papunta sa kung saan. Gusto ko mang mag pumiglas ay wala na rin akong nagawa dahil hindi na gumagana ng maayos ang utak ko dahil sa mga nangyayari. Ang sakit parin ng puso ko pero wala na akong nagawa kung hindi ang magpahatak na lang kay Agos.

Nang makarating kami sa isang pinto ay sinubukan ni Agos na buksan iyon pero naka-lock.

"Kayong dalawa." sabay kaming lumingon sa nag salita at nakita namin si Sir William na Business Economics professor namin. "Dito." sabi niya at kumaliwa.

Tumingin ako kay Agos na ngayon ay hindi parin nakabitaw sa pulsuhan ko. Hindi ko alam kung mahigpit lang ang pagkakahawak niya dun kaya masakit pero parang nasusunog ang balat ko. Sinundan niya ng tingin si Sir William bago ako tignan.

"Tara." aniya at muli akong hinila. At habang nag lalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi lumingon sa kung saan ko iniwan si Raven. Hindi parin tumitigil iyong paglitaw ng asul na ilaw sa sahig at nag kakagulo parin ang ilan.

Huminto si Agos sa paglalakad kaya tumingin ako sa harapan at nakitang may binubuksang pinto si Sir William.

"Dalian niyo." sabi ni Sir at lumabas na sa pintong binuksan niya. Sumunod naman kami ni Agos sa kanya at nakarating kami sa isang pasilyo ng University.

Tahimik ang paligid, may ilaw, pero madilim na sa labas, malamig na rin ang simoy ng hangin. "Dito tayo." sabi ni Sir na nangunguna sa paglalakad.

Pare-pareho kaming natigilan nang biglang may lumitaw na babae sa isang likuan dito sa pasilyo at muntikan ng matumba, mabuti na lang at nahawakan siya ni Sir.

"Tangina." inis na sabi ni Sir habang nakawak dun sa babae na si Ms. Agnes, yung Librarian namin na ngayon ay walang malay.

Inayos ni Sir William ang pagkakahawak sa kanya at binuhat na parang bagong kasal at muling nag simula sa paglalakad.

"P-Puwede niyo bang ipaliwanag kung anong nangyayari?!" tanong ko habang nag lalakad. Hindi parin nakabitaw sa akin si Agos, kanina ko pa gusting hilain ang kamay ko dahil sa sobrang sakit pero wala akong sapat na lakas para gawin yun.

"Ginagawa na nila ang unang rituwal para mag palakas." si Agos na ang sumagot. "Mag palakas para sa nalalapit na gera."

"Gera?"

Tumango siya, "Sa pagitan ng mga Seyaika at Romdono." aniya na ikinataka ko.

Mag tatanong pa sana ako pero bigla na lang may bola ng apoy ang dumaan sa gilid ko kaya huminto kami sa gulat at tumingin sa likod.

Nakita ko si Miss Dana na Professor namin sa Literature na ngayon ay ibang iba na ang hitsura. May dalawang mahabang galamay sa balikat niya at nag aapoy ang dalawang kamay niya habang ang mata niya ay umiilaw na kulay pula.

LAPARZAKde žijí příběhy. Začni objevovat