KABANATA XI

7 5 0
                                    


AGOS'

"Wala naman silang kinalaman dito diba? Bakit kailangang madamay sila?!" sigaw ni Flaire sa aking harapan at bakas sa kanyang kilos ang galit na kanyang nararamdaman.

Lumunok ako ng laway at iniiwas ang aking paningin sa kanya. Hindi ko kayang makita ang lungkot sa kanyang mga mata. "Paumanhin, hindi ko magagawang masagot ang iyong tanong." halos pabulong kong sambit dahil iyon naman ang totoo. Walang kinalaman ang mga tao sa gera na magaganap sa aming mundo kaya't kahit ako ay naaawa para sa mga inosenteng nilalang na nadadamay sa gulo.

Wala ng dapat pang masayang na oras.

"Agos." lumingon ako sa pinagmulan ng tinig na siyang tumawag sa aking pangalan at nakita ko si Kino na seryosong nakatayo at nakatingin sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ano yun?"

"Kailan ba tayo babalik?" tanong niya.

"Hindi pa siya handa." kalmadong sagot ko.

"Aba tangina, kailan ba siya magiging handa?" inis niyang tanong.

Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung kailan magiging handa si Flaire na harapin ang buhay na nakalaan sa kanya. Ngunit kailangan pa naming mag hintay ng ilan pang sandali. Maaaring masira ang plano kung pupuwersahin namin si Flaire na bumalik.

Nag angat ako ng tingin kay Kino. "Yung babae, bakit mo siya tinulungan? Isa siyang tao." pag iiba ko ng usapan.

Nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo dahil sa naging tanong ko. "Ano naman? Hindi ba't tao din ang mama mo?" Mag sasalita na sana ako nang bumaling ang paningin niya sa likod ko at agad na nag bago ang ekspresyon ng mukha. Dahil doon ay tumingin ako kay Flaire.

"Flaire?" banggit ko nang makitang wala siya sa kinatatayuan niya kanina. Nag katinginan kami ni Kino bago kami dali-daling nag lakad patungo sa labas.

"Flaire!" tawag ko sa kanyang pangalan nang makita ko siyang pasakay sa sasakyang dinala niya kanina. Nang tangkain kong habulin siya ay huli na ang lahat sapagkat pinaandar na niya ang kotse at umalis. "Flaire!"

"Bakit hindi mo ginamit ang kapangyarihan mo!? Bobo mo naman!" inis na sigaw ni Kino sa akin.

Sinubukan kong kapain ang kuwintas ko ngunit wala iyon sa akin dahil kinailangan ko iyong itago kanina dahil sa palatuntunin ng Unibersidad nila na bawal mag dala ng kahit ano. Hindi iyon puwedeng makuha ng mga Romdono dahil maaaring malalaman nila na isa akong Seyaika.

"Punyeta, saan ba pupunta yung babaeng yun?!" iritableng sabi ni Kino sa gilid ko.

"Kunin mo ang sasakyan mo." sabi ko sa kanya.

Kinunutan niya ako ng noo, "Ano, utusan mo ako?"

"Kino ano ba? Nos oportet eam sequi."  Pinanatili kong kalmado ang aking sarili kahit na nag aalala ako para kay Flaire lalo na sa mga posibilidad na mangyari kapag natagpuan siya ng mga kalaban.

Inis na ginulo ni Kino ang buhok niya at kumilos na. "Tangina naman kasi." Aniya. Ako naman ay bumalik sa loob ng bahay upang kunin ang kuwintas ko.



~*~


"Bakit ka huminto?" sabi ko habang nakaupo sa tabi niya.

"Can't you see? It's fucking red light men!" aniya habang nakatingin sa kung saan. Kinunutan ko siya ng noo dahil talagang nagawa pa niyang sundin ang batas ng mga tao ngunit hindi niya kayang sumunod sa batas ng sarili niyang mundo. Napailing ako at sinubukang pigilan ang sarili na saktan siya. Hindi rin naman nag tagal ay muling umandar ang sasakyan.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon