KABANATA III

14 6 0
                                    


Nanlaki ang mata ko nang biglang may sumilip sa kabilang side nitong bookshelf at tinitigan ako nito diretsyo sa aking mga mata. Agad akong lumayo dun sa bookshelf dahil sa gulat. Nakita ko naman na umatras iyong nakatingin sa akin mula sa kabila kaya tanging balikat na lang niya ang nakikita ko mula sa puwesto ko.

Nilagay ko ang palad ko sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko, tangina akala ko may multo na! Buwisit talaga, medyo dim pa man din yung ilaw dito dahil sira yung isang ilaw.

Huminga ako ng malalim at hindi na pinansin yung kung sino mang nasa kabila na malakas ang trip. Muli akong nag patuloy sa pag hahanap ng libro, pero nag taka ako nang mag simula akong mag lakad ay sumunod iyong nilalang na nasa kabila.

Okay? Anong trip niya?

Huminto ako nang may makitang makapal na libro sa bandang ibaba, tinignan ko rin yung nasa kabila at nakitang huminto din siya sa paglalakad.

Weird.

Nag kibit-balikat ako at yumuko para kunin yung makapal na libro, napangiti naman ako nang makitang English-Filipino and Filipino-English Dictionary ito. Sakto.

Umayos ako ng tayo at binuklat ang libro. Agad akong nag tungo sa pahina kung nasaan ang mga words na nag sisimula sa letter 'L'. Kumunot ang noo ko dahil wala akong makitang gano'ng salita.

Eh? Ano yun?

"Laparza."

"Shit!" mura ko nang biglang may nag salita sa gilid ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Kaasar, di naman ako nag kape kanina para maging ganito kakabado, tangina kasi nitong kabuteng gago na bigla-bigla na lang susulpot eh!

Oh, speaking of gago, yung bagong kaklase ko lang pala na si Agos. "Sinusundan mo ba ako?" tanong ko pero hindi siya nag salita. "Bingi? Hello? Kinakausap kita." sabi ko pero nakatingin lang siya diretsyo sa mga mata ko habang nakahawak sa kuwintas niya. Napairap ako sa kawalan, mukhang wala naman siyang balak mag salita at mukhang nag aaksaya lang ako ng panahon dito. Iiwas na sana ako ng tingin nang maalala ko yung sinabi niya kaya muli ko siyang hinarap.

"W-Wait, anong sabi mo kanina?" tanong ko ulit pero nanatili parin siyang nakatingin sa akin, "You s-said Laparza r-right? Did y-you know w-what d-does it mean?" nauutal na tanong ko dahil hindi ako mapakali sa mga tingin niya.

Yung tingin niya kasi, parang alam na alam niya kung anong deepest secret ko. Pero ang deepest secret ko lang naman ay yung kumupit ako ng dalawang stick-o sa canteen. I know, that is a crime pero yun lang naman eh, di naman ako pumapatay ng tao.

"Tu es aquila." sabi niya.

"Huh? Tequila?" takang tanong ko. Lasing ba siya?

"Sed tu in terra." dagdag pa niya. Tae, mukhang dinadasalan ako nento ah.

Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko at umiwas ng tingin. Naging malikot ang mga mata ko na parang sinusuri ang paligid. "Ah, okay..." sabi ko habang iniiwasan paring tumingin sa kanya, "I think... I gotta go hehe." Awkward akong tumawa at tinuturo ang likod ko gamit ang hinlalaki ko.

Hahakbang na sana ako paalis nang muli siyang mag salita na ikinatigil ko, "Flaire, kailangan mong sumama sa akin."

Hinarap ko siya nang nakakunot ang noo, "P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko dahil wala akong matandaan na binanggit ko ang pangalan ko sa kanya.

"Bundok at dagat ang tinahak upang matunton ka." aniya nang hindi pinapansin ang tanong ko at humakbang palapit sa akin. Argh, ang creepy niya! Tangina!

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon