KABANATA IX

8 5 0
                                    


Isinara ni Raven ang pinto ng kotse at humarap sa akin. "Dala mo wallet mo?" tanong ko.

Kinapa niya ang bulsa niya at tumingin sa akin. "Hindi, nasa bag ko eh." sagot niya. "Ayos na yan."

"Teka, paano yang susi mo?" tanong ko ulit nang akmang hahakbang na siya paalis. "May kapkapan daw na magaganap eh." sabi ko nang maalala ang message ni Charise kanina habang papunta pa lang kami dito sa University.

"Kasama ba ang susi dun?" Tanong niya.

"Ewan, baka? Eh ballpen nga daw kinuha eh." Sabi ko.

Mahigpit na pinagbabawal sa amin ang mag dala ng kahit ano bukod sa mga sarili namin. Kahit nga cellphone ay bawal din. Sa pag kain, ang school na daw ang bahala dun kaya hindi rin kami allowed mag dala ng kahit anong kutkutin. Kaya iniwan ko na lang yung bag ko sa kotse ni Raven. Wala namang sinabi tungkol sa damit kaya naka long sleeve polo ako na checkered at ripped jeans sa baba.

Napatulala si Raven sa akin habang nakakagat sa ibabang labi niya. Di ko maitatanggi na ang cute niya pag ginagawa yun habang nag iisip siya. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at biglang yumuko para ilagay yung susi sa likod ng gulong ng kotse.

"Hoy, baka mawala yan dyan." sabi ko at tumayo naman siya matapos niyang ilagay ang susi dun.

"Di yan, wala namang makakaalam." sabi niya, kumindat siya sa akin at hinawakan na ang kamay ko para sabay kaming mag lakad papasok sa University. "Anong oras na?" tanong niya.

"Last check ko kanina, 7:30 na." sabi ko.

Nang makarating kami sa Building ay may kapkapan nga na naganap, at matapos nun ay agad kaming dumiretsyo sa Gymnasium dahil dun daw magaganap ang activity na gagawin namin ngayong gabi. Marami na'ng estudyante at lahat ay graduating na.

Wala talaga kaming alam kung anong meron ngayong gabi. Basta sabi required daw at may surprise daw sa aming mga graduating. Syempre mahilig sa surprise kaya pinatulan.

"Raven! Flaire!" sigaw ni--sino pa ba---Nicole habang kumakaway sa amin. Pinag titinginan na siya nang ibang estudyante pero hindi niya iyon pinansin at patuloy parin sa pag sigaw.

Lumapit kami sa kanya ni Raven dahil iyon lang ang paraan para matahimik siya. Kasama na niya sila Gab at Charise na parehong nakabusangot ang mukha. Well, si Charise lagi namang nakasimangot yan.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Raven.

"Kanina pa nabuburyo." sagot ni Nicole.

"Paano, walang phone." sabi ni Charise.

"Eh paano ka nakapag message kanina?" tanong ko.

"Ayun nga, kinuha nila. Psh." sabi niya at umirap.

"Bakit ka kasi nag dala ng phone?" tanong ni Raven.

Muli akong tumingin kay Charise pero iba ang nahagip ng mata ko. Nasa may bandang likod niya si Agos na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tingin niyang iyon pero dati, lagi niyang ginagawa yan dahil gusto niya akong makausap.

Ang totoo, dalawang linggo na ang nakakalipas mag mula noong nawala si Francis at pinag bawalan ako ni Raven na lumapit sa kanya. Marami pa akong gustong itanong sa kanya, tungkol sa Laparza, sa mga weird dreams, at yung Romdono, anong meron sa kanila?

"Oy Flaire." tawag ni Nicole sa akin kaya agad akong tumingin sa kanila.

"Huh?" tanong ko.

"Wala lang, tahimik mo na naman kasi." sabi niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko maitatanggi na matapos ng mga nangyari ay may nabago din sa akin. Hindi na ako madalas makipag bardahan sa kanila kaya hindi ko sila masisisi na mag alala sa tuwing tumatahimik ako.

LAPARZAWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu