KABANATA IV

14 6 0
                                    


"Excited na ako sa Friday!" sigaw ni Nicole tapos kinuha yung juice niya sa lamesa. Pero natigilan siya nang kunin iyon ni Charise.

"Kakanta ka kaya bawal ka sa malamig." sabi ni Charise at ininom yung juice na inagaw niya kay Nicole. Gagong 'to, eh siya yung mag sesecond voice eh.

"Ah oo nga pala, sorry sorry." aniya at tumingin sa akin, "Sure ka dun sa pasabog mo? Di ba mukhang delikado?" tanong niya

"Kaya nga nag prapractice para maging maayos eh." sabi ko habang ngumunguya ng pagkain.

"Oh, ayan na pala ang iyong labidabs." sabi niya dahilan para lumingon ako.

"Hey." sabi ko nang makita ang nobyo ko. Lumapit siya sa akin.

"Sorry ngayon lang ako, ang daming pinaligpit sa akin sa faculty." aniya.

"Halata nga." sabi ko at inayos ang kuwelyo niya na hindi niya ata napansin na nagulo. "Nakaya naman ba?"

"Oo, may tumulong naman kasi sa akin."

Tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya, "Siguraduhin mong hindi babae yan." sabi ko.

Natawa siya at umiling, "Hindi."

"Napaka selosa mo naman Flaire, para namang magpapaagaw si Raven." sabi ni Nicole kaya tumingin ako sa kanya na nakataas ang kilay.

"Kung ikaw kaya malaman mo na may umaaligid sa jowa mo, anong mafefeel mo?" tanong ko.

Bigla naman naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya tapos yumuko pa ng kaunti. "Sana tinanong mo muna kung may boyfriend ako." aniya na ikinatawa ni Gab sa gilid niya. Boset talaga 'tong babaeng 'to.

"Ang ibig kong sabihin, sa tingin mo lang, isipin mo kung anong anong mafefeel mo kung ikaw yung nasa sitwasyon."

Muli siyang ngumuso, "Malungkot." aniya.

"Kasi?"

"Malungkot kasi wala akong boyfriend." sabi niya dahilan para muling matawa si Gab at Raven, samantalang ako ay napapailing habang pinipigilang ngumiti. "Bakit? Totoo naman ah."

"Ayos lang yan Nic." Si Raven na nakatayo parin sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at papaupuin ko na sana nang magsalita siya, "Sandali, ayun pala si Agos." sabi niya na ikinatigil ko.

"A-Agos?" tanong ko.

"Oo." nakangiting sabi niya, "Agos!" pag tawag niya sa atensyon ng nilalang na yun. Ako naman ay nanatili paring nakatulala.

Halos dalawang linggo ko ng hindi pinapansin yang Agos na yan at hindi na rin naman niya ako kinausap matapos nung nangyari sa library, pero minsan nakikita ko parin siyang nakatingin sa akin. Nakakairita pero ginawa ko na lang ang lahat para iwasan siya at akala ko ayos na, pero ngayon ito na naman siya.

"Agos? Weird name, no?" tanong ni Gab.

Tumango naman ako, "Oo, kasing weird niya." halos pabulong kong sabi.

"Oemji!" rinig kong sigaw ni Nicole. "Hello pogi!" aniya.

Natawa naman si Raven sa gilid ko, alam kong nasa gilid na rin niya si Agos pero hindi ko parin magawang tumingin sa kanya at uminom na lang ako ng tubig.

"Guys, si Agos pala, siya yung tumulong sa akin kanina sa faculty." sabi ni Raven.

"Oh Flaire, lalaki naman pala yung tumulong kay pareng Raven eh." sabi sa akin ni Charise pero napairap na lang ako sa kawalan, "Hi! Nicole Alonzo is the name, 19, single and ready to be your girlfriend." tuloy-tuloy na sabi ni Nicole.

LAPARZAWhere stories live. Discover now