KABANATA XVI

7 5 0
                                    

"Ina Lira." Rinig kong sabi ni Agos at nag bow pa, tumingin ako kay Ilus na ngayon ay nakaluhod na.

Nag panic ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kaya yumuko na lang ako.

"Agos, maligayang pag babalik. Mukhang marami kang ibabahagi sa akin patungkol sa mundo ng mga tao." sabi nito. "At ang Kerolas?" bumaling ang ulo niya sa gawi ko pero hindi nag tama ang mata namin. "Flaire, tama ba?" tanong niya na ikinagulat ko.

"K-Kilala mo po ako?" nauutal kong tanong. I mean, it is an honor na kilala ako ng ganito kagandang nilalang.

Natawa siya ng mahina pero hindi sinagot ang tanong ko. Well, obvious naman na kilala niya ako dahil tinawag niya ang pangalan ko pero paano?

"Malayo ang nilakbay niyo, kayo ba ay kumain na?" tanong niya at lumapit kay Ilus sa gilid ko para patayuin siya. Pero may napansin ako.

Kumikilos siya pero ang paningin niya ay nakatulala lang o nakatingin sa malayo. Para bang... bulag.

"I-Ina Lira," tawag ko sa kanya kahit na hindi siya mukhang Ina. "May mga kasama pa kami sa labas." sabi ko.

Ngumiti siya ng maliit pero hindi parin tumatama ang mata niya sa akin. Hindi nga ata talaga siya nakakakita. "Si Kino." sabi niya. Mukhang iyon ang pangalan ni Sir William dito.

"Opo." sagot ko. "Hindi po siya makapasok dahil sa ginawa niyong harang para sa mga Romdono. Baka meron po kayong ibang paraan?" tanong ko.

Nawala ang ngiti sa labi niya. "Ipagpaumanhin mo ngunit iisa lang ang paraan para makapasok siya. Iyon ang tanggalin ang harang. Ngunit kapag ginawa ko iyon, maaaring mapahamak ang mga Seyaika na nasa ilalim ng pangangalaga ko." malungkot niyang sabi.

Hindi na ako nakapag salita. Nalungkot lang ako para kay Sir, alam kong pagod na rin siya at kailangan din niya ng pahinga.

Kinausap ni Agos si Ina Lira pero hindi na ako nakapag focus dun at nanatiling naka yuko. Naramdaman ko na hinawakan ni Ilus ang balikat ko kaya tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya at ngumiti na lang din ako.

Ilang saglit pa ay inaya na kaming kumain ni Ina Lira. Nag kukuwentuhan sila ni Agos tungkol sa mga Romdono at kung ano yung mga nangyari sa mundo ng mga tao. Habang si Ilus ay nag tatanong sa akin kapag may nababanggit na bago si Agos na hindi niya alam. Halatang interesado din siya sa mga tao.

Natigil lang iyon nang makarinig kami ng mga nag tatawanang bata kaya sabay-sabay kaming tumingin doon. Nakita namin si Ms. Agnes na pinalilibutan ng mga bata at mukhang nag kakamabutihan sila. Napatingin si Ms. Agnes sa amin kaya agad siyang lumapit.

"Ah sorry, sinubukan ko lang silang bigyan ng candy." sabi niya.

"Meron kang dala?" tanong ko.

Tumango naman siya, "Nandito." aniya at pinakita ang back pack niya. "Stress reliever. Gusto niyo?" tanong niya at tumango naman ako.

Inabutan niya kami nila Ilus at Agos, at nang aabutan na niya si Ina Lira hindi ito kumibo at nanatiling nakangiti. Pero maya-maya ay lumapit na mga paru-paro sa kamay ni Ms. Agnes at kinuha ang candy.

"Salamat." nakangiting sabi ni Ina Lira. Yun kaya ang nag sisilbing mga mata niya? Cool. "Samahan mo kami." sabi ni Ina Lira sa kanya.

"Ah, si William kasi..." hindi na niya natuloy ang sasabihin pero mukhang kukumbinsihin din niya si Ina Lira.

"Miss, maupo ka na. Patapos na rin naman ako. Hahatiran ko na lang ng pagkain si sir sa labas." sabi ko.

Mukhang nag aalangan pa siya pero inaya na rin siya ni Agos na kumain muna. Tumingin ako kay Ilus na nanatiling nakakain sa candy na binigay sa kanya.

LAPARZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon