KABANATA XXI

12 5 0
                                    

FLAIRE's

Sumalampak ang mukha ko sa sahig nang sipain ako ng kalaban ko, inapakan niya nag likod ko at handa nang isaksak sa akin ang malaki niyang palaso nang bigla na lang itong natumba matapos tamaan ng kidlat.

Napatingin ako kay Sir William na ngayon ay nakatayo na at nag lalakad na papunta sa Rubas. Nakakuyom ang kamao nito at may lumalabas na kidlat doon na sa tingin ko ay hindi na niya nagagawang kontrolin. Tumingin ako kung nasaan si Ms. Agnes at napapikit na lang ako at ikinuyom ang kamao nang makitang wala na siyang buhay.

Tumayo ako at hinabol si Sir William. I senses anger from his aura, and I need to stop him. Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal pero hindi si Ina Lira ang kalaban. Kaso hindi naging madali and paglapit ko sa kanya dahil iniiwasan ko rin ang kidlat na nag mumula sa kanya.

"Flaire!" rinig kong sigaw ni Agos kaya lumingon ako. Nagulat ako nang bigla akong sugurin ni Ms. Dana pero bago pa man niya ako masaksak ay nahawakan ko ang kamay niya.

Nakita ko ang pag ngisi niya pero sinipa ko siya na ikinatawa niya. Muli siyang lumapit sa akin at dahil sa bilis niya ay hindi kaagad ako nakakilos hanggang sa nasa likod ko na siya at nakapulupot ang braso niya sa leeg ko. Sinubukan kong mag pumiglas pero bigla niyang nilabas ang galamay niya sa balikat niya at nilapit iyon sa mukha ko.

"Sasama ka sa amin."

Pinainit ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya, pero parang walang epektp kaya kinagat ko iyon dahilan para mapabitaw siya. "Hindi mangyayari yun." sagot ko.

Muli siyang natawa habang nakatingin sa braso niya na nasusunog. Tumingin siya sa akin, "You're just like your dad."

Tila ba huminto ang pag hinga ko matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.

What does she mean my dad? She knows who's my father?

"W-What do you mean?" tanong ko.

Bigla siyang ngumisi at umayos ng tayo. Mag sasalita na sana siya nang makarinig ako ng sigawan ng mga bata mula sa Rubas.

"Kino!" sigaw ni Agos kaya tumingin ako sa puwesto ni Sir William. Nanlaki ang mata ko nang makitang sinasakal niya si Ina Lira. Tatakbo na sana ako nang bigla akong hilain ni Ms. Dana ang buhok ko.

"Just watch." sabi niya at hinarap ako kay Sir William.

Lumapit si Ilus sa kanya pero natamaan siya ng kidlat na nag mumula kay Sir. Lumiliwanag na rin ang kanyang mata at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya... He just lost Ms. Agnes.

Binitawan niya si Ina Lira na wala ng buhay ngayon. Umiling ako at umikot para hatakin ang buhok ko at patamaan ng apoy si Ms. Dana bago tumakbo papunta kay Sir.

Unang lumapit si Ilus at chineck si Ina Lira pero agad din itong tumayo at hinawakan ang kuwelyo ni Sir. "NAG IISIP KA BA?!" galit niyang sigaw.

Nang makalapit ako sa kanila ay may nakita akong palaso na tumama sa isang bata na ikinagulat ko. Hindi ako nakakurap dahil sa gulat at hindi pa man ako nakakarecover ay nakita ko naman na may isang Romdono ang lumapit sa isang babae at kinitilan ito sa leeg.

B-Bakit?

Gusto kong pumikit, ayokong tumingin, pero hindi ko magawang gumalaw. Tila ba nabibingi ako sa mga sigawan na ginagawa ng mga batang walang awang pinapaslang.

TAMA NA!

Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko at binuhat ako paalis sa aking kinatatayuan. Ngayon ay nasa himpapawid na ako kasama si Ilus. Sobrang nanghihina ako sa mga nakita ko kaya ipinatong ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at hinayaan na tumulo ang luha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LAPARZAWhere stories live. Discover now