KABANATA VIII

9 5 0
                                    


Huminto ang kotse ni Agos sa harap ng bahay namin, pero hindi ako kumibo at nanatili paring nakatingin sa harapan.

Nakakatakot ng umuwi dahil alam kong hindi na tulad noon ang bahay namin, dahil meron na'ng kulang. Hanggang ngayon ay umaasa parin ako na hindi totoo ang mga sinasabi nila. Ayokong maniwala, ayaw tanggapin ng isip ko.

Kanina ko pa gustong umiyak dahil sa mga nalaman ko pero hindi ko alam kung bakit kahit isang luha ay walang lumabas sa mata ko. Siguro ganito pag sobra sobrang sakit na yung nararamdaman mo, namamanhid.

"Alam kong marami pang tanong sa isip mo." si Agos, "Pero hindi ko pa magagawang sagutin lahat dahil alam kong mabigat pa ang nararamdaman mo." pagpapatuloy niya pero nanatili lang akong nakatingin sa malayo.

"Sabihin mo lang sa akin kung handa ka na, at sasabihin ko sayo lahat." sambit niya pero hindi parin ako nag salita.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto ng kotse, "Salamat sa pag tulong sa akin kagabi." mahinang sambit ko at tuluyan ng lumabas ng kotse.

Diretso lang akong pumasok sa loob dahil bukas naman ang gate at ang pinto ng bahay. Pero natigilan ako nang nakitang nasa salas sila mom at dad kasama si Raven.

"Flaire!" pare-pareho nilang sambit sa pangalan ko. Naunang lumapit si Mom sa akin at agad akong niyakap. "Jusko! Saan ka ba pumunta? Nag alala kami sayo!" nag aalalang sambit nito sa akin.

"Sorry po." mahinang sambit ko at kumalas sa yakap niya.

Tiningnan ko sila Dad at Raven na bakas ang pag aalala sa mukha pero hindi sila nag salita. "Mag papahinga na lang po ako sa taas." sabi ko bago pa nila ako batuhin ng mga tanong.

Nag lakad na ako paakyat at papasok na sana sa kuwarto ko nang mapansin ko ang kuwarto ni Francis na nakabukas. Nag lakad ako papunta dun at sumilip sa loob, umaasa na sana mali lang si Agos, na sana nandito siya sa loob at yayakapin akong muli.

"Francis." banggit ko sa pangalan niya at tuluyang pumasok sa blanko niyang kuwarto. Wala na yung kama niya na may design na Avengers, wala na rin yung mga nakadisplay niyang laruan sa ibabaw ng kabinet. Lahat wala na.

"D-Di ka nawala." bulong ko. "Kasi, nandito ka oh." sabi ko at tinuro ng puso ko. "Hindi kita kakalimutan." matapos kong sabihin yun ay doon na muling lumabas ang mga luha sa aking mga mata.

Ang hirap tanggapin. Ang sakit.

"Flaire?" nilingon ko iyong tumawag sa akin at nakita si Raven sa may pinto. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas na ng kuwarto para makaharap siya.

Mag sasalita na sana ako nang bigla niya akong hinigit papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. "Ilabas mo lahat." aniya.

Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang pagiyak ko, niyakap ko rin siya pabalik at humagulgol sa balikat niya.

"I k-Know, I know he exists! Naalala ko siya, naalala ko yung boses niya, how he calls me 'ate', and how he smiles. I-I remember him, I-I know when he was born, k-kasama nga niya akong lumaki eh. I know he exists." Sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

"He wanted a bicycle for his birthday this year and I want to give it to him... But how am I supposed to do that now he's gone?" napakapit ako ng mahigpit sa likod ni Raven dahil parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Tangina, di ko man lang nasabi na mahal na mahal ko siya.


~*~


Kinabukasan ay muli akong gumising ng maaga para pumasok kahit na ayaw ko pang bumangon dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng isang paa para tumayo. Ramdam ko rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa kaiiyak kagabi. Wala pa akong ganang pumasok pero malapit na kasi ang graduation at hindi ako puwedeng umabsent. Hindi rin naman ako puwedeng mag bigay ng excuse na nawalan ako ng kapatid dahil wala naman talaga akong kapatid sa isip nila. Isa pa, ayokong ipilit nila na pumunta ako sa Psychiatrist, hindi ako baliw.

LAPARZAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt