•4•

6.5K 153 5
                                    

MARIA

"Maria, anak, baunin mo itong ham sandwich na ginawa ko. Kaunin mo habang bumabyahe kayo, ha? Huwag kang magpapagutom doon." Bilin sa akin ni Mama.

Isang bagpack lang ang dala ko at isang shoulder bag. Hawak ko rin ang neck pillow ko sa kaliwang kamay ko.

"Opo, Ma. Three days lang naman kami roon. Saka po libre po ang pagkain namin doon, Mama. Kaya huwag kayong mag-aalala. Lagi naman po ako magtetext sa inyo kung ano na ginagawa ko roon." 

"Ayan kasing Mama mo, sobrang nag-aalala sa'yo. Eh, nawala ka nga ng isang lingg--- aray!" Sigaw ni Papa ng hampasin siya ni Mama sa braso.

"Bakit totoo naman? Saka kaya na niyan ni Maria. Malaki na itong panganay natin, alam na kung ano ang tama at mali, diba, anak?" Tumango ako sa sinabi ni Papa.

"Opo, naman. Saka malakas po ako. Strong 'tong anak niyo!" Sabay flex ko ng aking muscle kahit wala naman.

"Oh, sige naman, mauuna na kami ni Papa, baka maiwan pa ako ng bus, e." Ani ko kay Mama ng mailagay sa shoulder bag ko ang gawa niyang ham sandwich.

"Basta mag-iingat ka pa rin doon, Maria!" Habol na bilin ni Mama sa akin at pinaandar na ni Papa ang kanyang Motor.

Naging mabilis lang byahe namin ni Papa, konti pa lang kasi ang mga sasakyan. Alas-kwatro palang kasi ng madaling araw. Malamang iyong iba nag-aasikaso pa lang o paalis pa lang din.

Pagkarating ko sa tapat ng building ng mga Carson, nakita ko agad si Nicole kumakaway-kaway sa akin.

Nakahilera ang mga bus sa tapat ng building, halos pitong bus ang nandito.

Kada department ang bus.

"Pa, doon na ako kay Nicole ha? Salamat sa paghatid sa akin. Ingat po kayo pag-uwi." Ani ko kay Papa ng makababa sa motor.

Sinukbit ko ang aking bagpack sa braso at humalik sa kanyang pisngi bago tumungo kay Nicole.

"Girl, may nahagip ako ng aking mga mata..." Bungad nito sa akin ng makalapit sa kanya.

Tsismis na naman.

"Saan ba bus natin dito?" Pagtatanong ko rito, wala akong panahon sa tsismis ni Nicole.

Gusto kong makatulog kulang iyong tulog ko. Naka-ready na nga ako, e. Nakalagay na sa leeg ko ang aking neck pillow.

"Wala pa sinasabi ni Ma'am, Maria... Pagkarating natin sa loob ng bus, sasabihin ko sayo iyong nakita ko." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko siya mapipigilan.

Bandang alas-kwatro 'y medya ng magtawag ang mga supervisor ng kada department.

Department of finance kami, nasa bus #3 ang aming department.

Halos lahat ng department namin ay sumama. Masaya 'to!

Bandang gitna kami ni Nicole umupo, sa may side ng driver. Ganito lagi ako kapag sumasakay sa mga pampublikong sasakyan, lagi ako sa side ng driver umuupo.

Sa gitna kami umupo dahil ayoko sa pinakadulo, matadtad doon at sa harap din gano'n din matadtad pa rin.

Malapit sa bintana ako umupo para matanaw ang mga madadaanan namin.

Nilagay ko ang bagpack namin ni Nicole sa taas para walang sagabal sa harapan namin. Nilagay ko naman sa gilid ko ang aking shoulder bag.

Pagkaupo naming dalawa, sinulatan muna namin ang papel na binigay sa amin kanina bago umakyat dito. Heto iyong attendance namin sa loob ng tatlong araw.

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now