•8•

5.7K 139 27
                                    

MARIA

Ilang araw din ang nakalipas ng mangyari ang unang pagpapadala niya sa akin ng bulaklak at pagkain. Hanggang umulit nang umulit ito.

Walang araw na walang tumatawag sa pangalan ko. Walang palya ang pagde-deliver ng food sa akin.

Kaya nahihiya ako sa department namin kada may tumatawag sa pangalan ko, puro tukso kasi ang naaabot ko sa kanila.

Pinatigil ko na kasi sa kanya iyong sa bulaklak, hindi naman talaga ako mahilig sa mga flowers, e. Saka ang mahal pa nu'n, hindi naman nakakain. Nalalanta lang din. Kaya sayang.

Katulad nito, kasama ko siya ngayon dito sa Mall. May bibilhin kasi akong regalo kay Nicole. Malapit na pala birthday ng isang iyon. Saka, magpapacheck-up ako sa EO, ipapatingin ko iyong mata ko. Baka need ko na mag-eyeglasses.

"That's it, baby?" Napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako sa gano'ng endearment.

Hindi pa rin ako sanay. Hindi pa naman kami, e. Sabi ko nga 'wag niya ako tawagin sa gano'ng endearment, e. Pero, makulit siya.

"Wala ka na bang bibilhin, baby?" Ulit nitong tanong sa akin.

Sa mga napupuntahan naming store kanina, halos lahat ng babae napapatingin sa kanya. Naka-long sleeve siya at may coat pa ring nakasuot sa kanya. Kaya ayon agaw pansin siya. May katangkaran pa naman din si Calum.

"Magpapatingin lang ako sa EO, kailangan ko ng salamin para sa computer." Aniya ko sa kanya at tumingin sa paligid.

Naiilang pa rin talaga ako sa kanya.

Lumuwa ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa.

Inakbayan at inilapit lang naman ako sa kanya kaya dama ko ngayon ang kanyang katawan. Parang naging tuod tuloy ako ngayon.

"I told you, baby, huwag na huwag kang magpapapagod..." Mahinang sabi niya sa akin. Sapat na ng marinig ko ito.

Lumingon ako sa kanya, "hindi naman nakakapagod ang work ko, secretary mo iyong bagsak nang bagsak ng papers sa akin. Iniipon niya muna bago ibigay sa akin kaya naiipon sa table ko iyong mga papers mo." Aniya ko sa kanya.

Kapag umaga wala akong gaanong ginagawa then after lunch break doon binabagsak nu'ng secretary niya iyong papers. Nalaman kong iniipon pala niya. Kainis.

Nagtatakang tumingin ito sa akin, "really?"

Tumango ako rito. Sumbungera na kung sumbungera pero naiinis talaga ako. Sinaway ko nga rati niyon, sinabi ko sa kanya na ibigay na iyong ibang papers na tapos na niya, tumango lang sa akin pero 'di naman sinunod.

Nakita ko siyang umiling ito, "pagsasabihan ko siya."

Dapat lang ako iyong napapagod after ng lunch break. Iyong kinain ko ng tanghali nawawala dahil sa stress kapag nakikita ko iyong sambundok na papers galing sa office ni Calum.

Kaya minsan tinutulungan na ako ng Supervisor  ko para matapos ko lang iyon. Buti na lang mabait Supervisor namin, siya kasi iyong Supervisor na kapag nakikita niyang sobrang dami mong ginagawa tutulungan ka niya.

Pumasok kami sa EO store at tumingin agad sa mga eyeglasses na nandito. Kinuha ko ang eyeglasses na may blue na kulay sa gilid.

"You want that?" I nodded to him.

Kinuha niya sa kamay ko ito at binigay sa counter na nandoon. Parang may tinanong pa yata sa kanya.

"Anong sabi?" I asked nang makabalik siya.

"Your name and age. Any minute tatawagin ka na raw, baby." He held my right hand at pinangsiklop ito.

Nakakahiya nga ginagawa niya. Hindi pa kami nito pero kung makahawak akala mo pagmamay-ari na niya ako.

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now