•12•

5.6K 135 17
                                    

MARIA

"Girl, ano ng ganap mo? Ano na tsismis sa inyo ni Sir Calum, ha? Huwag kang magsisinungaling kilala kita." Pagbabanta nito sa akin.

Naglalakad kasi kami rito sa may mall, dito namin piniling kumain. Sweldo ngayon, e, kaya need naming i-treat ang aming sarili kahit isang araw man lang.

Buti na nga lang pinayagan ako ni Calum na hindi sumabay ngayon sa kanyang mag-lunch.

"Kami na," maikling sabi ko sa kanya.

"Alam namin 'teh. Kaya nga pinalipat ka diba? Para bantay sarado ka na niya at wala ng makakalapit sayo. Paano magmahal ang isang Carson, Maria?" Napahinto ako sa sinabi niya.

Paano magmahal ang isang Carson?

Inalala ko iyong mga araw na sobrang lambing ni Calum, maging sa opisina niya lagi niya ako inaalagaan akala ko nga ako na ang boss at siya na ang secretary ko.

Lagi rin siya nagtetext at tumatawag. Anytime and anywhere, saan man siya lupalop na naroroon, tinetext at tinatawagan niya ako para sabihing mahal niya ako.

Every morning na pagpasok ko, may food na sa table ko and may kasamang notes na 'I love you, baby. Papakasalan pa kita.'

Sino ang hindi kikiligin doon?

Hindi lang iyon, pinaparamdam pa niya lalo. Muntik na nga may mangyari sa aming dalawa sa opisina niya buti na lang napipigilan niya ang mga muntik naming pangyayari.

Napalingon ako kay Nicole ng sundutin niya ang aking pisngi, "kahit 'wag mo ng sagutin, alam ko na ang sagot. Namumula na iyang pisngi mo."

Gano'n ba ako kahalata?

"Tara na, kain na tayo. Nagugutom na ako, Maria." Sabay hila sa akin sa Bonchon. Dito kasi namin piniling kumain.

"Kilala mo ba iyong pumalit sayo, Maria?" Umiling ako sa kanya.

Ilang linggo na nga ang nakakalipas, hindi ko pa rin kilala iyong pumalit sa akin. Hindi kasi ako pinapalabas ni Calum para ibigay roon ang paperworks na tapos ko na, incase may inuutusan pa siya sa labas para i-akyat doon sa finance ang mga tapos ko.

Kaya hindi ko talaga kilala iyong pumalit sa akin.

Tumingin siya sa akin, "sasabihin ko pa ba dapat sa'yo? Baka magbago mood mo, e. Mamaya na lang after nating kumain."

Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Pero, sinintabi ko muna iyon at kumain na lang, gutom na rin kasi ako.

Kinakain na namin iyong binsu ng magsalita uli siya.

"Maria, iyong pumalit sa'yo, iyong babae na nilapitan tayo... Iyong babaeng ilang beses ng lumapit sa atin. Gia Apostol iyong pangalan niya."

Tumigil ang aking kutsara sa pagsandok sa binsu ng sabihin niya ang pangalan na iyon.

"G-gia Apostol? Tama ba ang narinig ko?" Ulit ko sa sinabi niya.

Tumango ito sa akin, "siya iyong iniiwasan mo, Maria, diba?"

"Bakit? Bakit sa dami ng company sa Metro Manila, sa company pa siya ng mga Carson nag-apply. What a small world para sa aming tatlo."

Binilisan kong kainin ang binsu at agad na tumayo, "mauuna na ako sa'yo, Nicole! Kita na lang tayo mamaya, ha?" Aniya ko rito at umalis sa fastfood.

Binilisan kong maglakad para makabalik sa office ni Calum kaya pala ayaw niya akong paakyatin sa Finance Department dahil doon.

Pinindot ko agad ang elevator button na papunta sa floor ni Calum, ba't ang tanggal naman umakyat nito.

Nang bumukas ang elevator door, lumabas ako kasabay ang ilang employee sa floor na ito. At, tinahak ang way papunta sa office niya.

"Calum?" Aniya ko rito ng buksan ko agad ang pinto.

Nandoon siya sa kanyang shivel chair at nakatutok sa kanyang laptop.

"What happened, baby?" Aniya sa akin.

"Si Gia Apostol ba ang pumalit sa akin, ha? Kaya ayaw mo kong papuntahin sa finance department, Calum?" Sabi ko agad dito.

"Yeah, I thought na magkaibigan kayo. Saka, she's not involved na ayaw kitang papuntahin doon, dahil I want to focus on your works. That's it, baby." Sabay kabig nito sa akin at pinaupo sa kanyang hita.

"Are you sure?" He nodded.

Heto na naman iyong kaliwang kamay niya na humahaplos sa aking mga hita. Naka-skirt pa naman ako.

"Calum, alam kong nagtataka ka na rin kung ba't ayoko roon, diba?" Tumingin siya sa akin at tinigil ang kanyang ginagawa mukhang hinihintay niya akong magsalita uli.

"She's my ex-bestfriend. And, i-iyong kasama niyang lalaki nu'ng sumabay sila sa pagkain natin? Ex-boyfriend ko iyon." Tinitigan ko siya kung may sasabihin ito pero wala.

"Hindi ka galit?" Umiling ito.

"She's your ex, I'm your present and your future." Yumuko ako sa kanyang leeg dahil sa sinabi niya.

"Nasira iyong friendship namin ni Gia dahil doon. Naging sila ng ex-boyfriend ko habang kami ni K-karl that time. Niloko nila ako. Wala akong alam that time." Umpisa ko.

"Nalaman ko na lang kung hindi ko pa kinalikot iyong cellphone ni Gia, na nag-uusap sila ng palihim at nagkikita ng palihim na hindi ko alam. Niloko nila ako, Calum. Bestfriend ko pa naman siya pero nagawa niya iyon sa akin."

"Kaya ba nakita ka ni Klare sa isang bus stop?" Luminga ako sa kanya.

Naalala ko iyon.

Tumango ako sa kanya, "Oo, iyong panahong iniwan din siya ni Case sa La Union. Dahil doon nakilala ko si Klare, buti na lang talaga iniwan siya ni Case nu'n."

"Nasa La Union din ako that time, magkaibang resort lang kaming dalawa. Pumunta ako roon dahil sa ginawa nila sa aking dalawa, hindi ko nga alam ba't bumalik na naman sila, kung bakit nandito na naman silang dalawa? Wala akong alam. Pero, hindi ko na lang sila pinapansin, iniiwasan ko na lang sila. Ayoko ng madamay sa kanilang dalawa."

"Sshh... I'm here, baby. Never kitang iiwan. Never."

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, Cat-ties!! 😸💛

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon