•10•

5.7K 137 16
                                    

MARIA

"Sinong binantaan?" Pagtatanong ulit nito sa amin ng makalapit na talaga siya sa aming dalawa.

Nagsikuan kaming dalawa na palihim ni Nicole.

Hindi kami makapagsalita dahil sa tanong niya kaya nakatingin lamang kami sa kanya na nakatayo na ngayon sa harapan naming dalawa.

"Girls? Sinong binantaan?"

"H-huh? B-binantaan? Ang sabi ni Nicole ginataang gulay, Calum. Hehe. Sana may Ginataang gulay sa canteen ng company mamaya. Kasi nag-ke-crave siya, e. Diba, Nicole?" Siko ko rito at pinandilatan ng mga mata.

Tumawa ito pero halatang plastic iyong tawa niya, "Oo, Sir Calum. Ginataang gulay iyon. Sige na, doon na ako sa table ko baka may masabi pa akong iba rito at mabuking tayong parehong dalawa." Ngiti nito habang may sinasabi sa akin.

Tumayo ito at yumuko kay Calum, "Sir, balik na ako sa table ko. Baka marami na akong gagawin, e." Baling niya kay Calum at saka umalis.

Bwisit ka! Ba't iniwan mo ko.

"She's weird," ani ni Calum ng makaalis si Nicole.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Nandito ko para sabihing my Mom and Dad wants to meet you this evening. We have a dinner in our house. And, for this also." Sabay lapag niya ng paper na galing sa office niya.

Bakit siya nagdala nito? Anong ginagawa ng secretary niya?

Kinuha ko ito at nilagay sa box kong nasa ilalim ng table.

"Bakit ikaw nagdala? P'wede namang secretary mo ang maghatid nito sa akin." Aniya ko sa kanya.

"Dinala ko na rin iyan, baby. Sayang naman kung 'di ko dadalhin niyan, pumunta na ako rito. Sinabihan ko na rin ang secretary ko na every paperworks done, ihatid na rito."

Okay. Sana nga lang talaga gawin ng secretary niya. Minsan pasok sa tenga labas sa kabilang tenga ang isang iyon.

"Hihintayin kita later, okay? Tell tito and tita about that para hindi sila mag-alala." Tumango ako sa kanyang sinabi at saka umakyat na sa office niya.

"Kinakabahan ako mamaya, Nicole. Anong gagawin ko? Ganito lang susuotin ko?" Pagtatanong ko kay Nicole.

Nandito kami sa canteen. Lunch break na ngayon at iyon pa rin ang iniisip ko. Ang dinner mamaya kasama ang family niya.

Bakit kasi 'di na lang niya sinabi ng maaga? Para naman nakapaghanda ako at nakabili ako ng p'wedeng iregalo sa family niya.

"Be yourself, Maria. Mababait naman family ni Sir Calum. So, chill ka lang." Aniya at kumain na ulit.

Madaling sabihing 'Be Yourself' pero kapag nandoon ka na panigurado manliliit ka sa paligid nila.

Nakita ko na isang beses ang mommy niya. Si Ma'am Cynthia at sobrang ganda nu'n. Pagpinaglapit mo kaming dalawa, siya tao at ako pa-evolve palang na tao. Gano'n siya kaganda.

"Paano maging chill, Nicole? Kinakabahan na ako ngayon palang. Paano pa mamaya?" Nilalamig at namamasa na iyong palad ko.

Paano magiging tugon ko roon? Matanggap kaya nila ako?

"Just chill. Huwag mong intindihin na kaharap mo ang family ni Sir Calum, isipin mo na matagal mo na silang kakilala. Kapag lalo kang kinabahan, lalo kang magkakamali roon, Maria. Hingang malalim, okay?"

Ginawa ko ang sinabi niya at humingang malalim. Kailangan mong kumalma, Maria. Kailangan mo.

"Maria, fighting, okay?" Inangil ko nga siya.

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now