•7•

6.1K 125 12
                                    

MARIA

After ng tagpong iyon, nagpaalam agad ako kay Nicole. May pasok pa rin kasi kami bukas.

Pagbaba ko sa traysikel, agad ko siyang nakita. Anong ginagawa niya rito?

Nakahilig siya sa nguso ng kanyang kotse at nakatingin sa ibaba niya.

Kanina pa ba siya rito? Bakit hindi siya pumasok?  Baka hindi siya pinapasok?

Huminga akong malalim bago ako dumaan sa harapan niya, hindi ko alam pero agad akong kinabahan.

Kinakabahan talaga ako kapag nandyan siya. Kapag malapit siya sa akin, kapag nakikita ko siya.

Tumingala siya at nagtagpo ang aming mga mata, "Maria..."

"S-sir Calum... A-ano pong ginagawa niyo rito?" Nauutal na tanong ko rito.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking binili. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Sorry kung hindi na tayo nakapag-usap. May emergency lang kasi sa bahay..." Panimula nito sa akin.

"O-okay lang po, Sir. Naiintindihan ko naman po. Pero, gabi na po dapat nagpapahinga na kayo."

Ano ba naman, Maria. Ayusin mo nga iyong boses mo? Halatang kinakabahan ka, e.

"Gusto lang talaga kita makita,"

Napapikit ako dahil sa sinabi niya.

Gusto niya akong makita?

"Bakit naman po, Sir?" Kinurot ko ng palihim ang aking sarili.

Shunga ka, Maria? Bakit mo tinanong niyon?

"Totoo iyong mga sinabi ko sa'yo, Maria. Totoo iyong mga sinabi ko sa'yo nu'ng nakaraang araw. Totoo ang lahat ng iyon."

Napamaang ako sa sinabi niya.

"S-sir..."

Inilang hakba niya ang pagitan naming dalawa, nagulat na lamang ako na nasa harapan ko na siya.

"Hihintayin ko... Hihintayin kita, Maria." Napaawang ang aking bibig ng halikan niya ako sa aking noo.

Nananaginip ba ako?

Totoo ba 'to?

Totoo bang nangyayari 'to sa akin?

"Good night, Maria."

##

"Uy, girl, lutang ka? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?"

Napapitlag ako dahil sa boses ni Nicole at saka tinuktok ang aking ulo.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Sir Calum.

Ginulo niyo ang mundo ko kagabi.

Ano ba naman 'to? Bumabalik tuloy ulit niyong nararamdaman ko sa kanya.

"Uy, Maria? Hindi ka nakatulog kagabi, ano? Tignan mo iyong eyebags mo, ang laki-laki, oh?" Ulit nitong sabi sa akin.

Umiling ako rito, "sabi na nga ba, e! Sino naman ang nagpapagulo ng mundo mo ngayon, aber?" Usisa nito sa akin.

"Ah! Bakit ko pa nga ba tinatanong? Alam ko naman na sino. Ikaw ha? Anong status niyo ng dala--"

"Delivery for Ms. Maria Isshi Santos..."

Napatigil kaming lahat ng may delivery boy na bumanggit sa pangalan ko. May dala siyang isang dosenang bouquet na rose and Bonchon food.

Anong mayro'n?

Hindi ko pa naman birthday, ha?

"Ang haba ng hair ng frienny ko, guys! Oh my gosh! Kuya? Heto siya, oh! Heto si Maria Isshi Santos!" Sabay turo nito sa akin.

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now