•5•

6.3K 150 18
                                    

MARIA

"Uy, kanina ka pa walang gana, Maria. Anong nangyayari sayo?" Sinulyapan ko si Nicole at tumingin din agad sa harapan.

May sack race kasi ngayon. Nanonood kami.

Finance versus Accounting na ang naglalaban.

"H-huh? Wala naman, bakit mo natanong?" Ani ko rito at tumingin ulit sa harapan.

Hapon na ng mag-umpisa ang team building namin. Puro physical game ang pinaglalabanan ng iba't ibang department.

"Kanina ka pa kasi nakatulala d'yan, e. Wala ka ring ganang kumain kanina. Masama ba pakiramdam mo?" Pagtatanong nito sa akin at dinampi ang kanyang likod na palad sa aking leeg.

"Hindi ka naman mainit," dugtong nito sa akin.

"Pagod lang siguro ako. Kailangan pa bang nandito pa rin tayo? Wala naman tayong ginagawa, e. Bukas pa marahil iyong team building ng kada department?" Pagtatanong ko rito.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagod dahil sa nakita ko kanina.

Bigla na lang akong nawalan ng ganang maglaro, manood at makihalubilo sa iba.

Hindi pa naman ako naglalaro, pakiramdam ko nawalan agad ako lakas.

"Gusto mo samahan kita?" Umiling ako sa sinabi ni Nicole.

"Hindi na, kaya ko naman na. Pakisabi na lang kay Ma'am na masama pakiramdam ko, ha?" Tumango ito sa sinabi ko sa kanya.

"Nasa'yo naman iyong duplicate key diba?" Tumango ako rito at yumukong umalis sa p'westo ko.

Kahit nasa malayo na ako, rinig ko pa rin ang mga sigawan at pag-cheer ng kada department.

Sobrang tahimik sa gawing ito, hindi ko alam pero imbis sa hotel ako gumawi, dito ako napadpad sa tabing dagat.

Ang kalmado ng dagat ngayon, isama mo pa ang malamig na hangin na humihihip sa buong resort.

Tinanggal ko ang aking tsinelas, umupo ako sa buhangin na walang kahit anong sapin at tinabi ang aking tsinelas sa gilid ko.

For the second time ba sawi na naman ba ako?

"I was looking at you. Kanina pa kita gustong kausapin, Maria..." Napahinto ako ng may magsalita sa aking gilid.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

Iniiwasan ko ba siya?

"Simula nu'ng umalis kami, napapansin ko na ang pag-iwas mo sa akin. May nagawa ba ako?" Tanong ulit nito sa akin.

Hindi ko siya kayang titigan. Umiling ako rito.

"Marami lang po akong ginagawa, Mr. Calum." Sagot ko rito habang nakatingin sa kalmadong dagat.

"Ramdam ko, Maria."

Napalaki ang aking mata ng makita ko siya sa harapan ko. Napakurap ako dahil sa ginawa niya.

"Matitigan nga lang hindi mo na magawa. Tell me, anong ginawa ko?"

Napakagat ako ng aking ibabang labi, "Mr. Calum, baka po magalit iyong fiancee niyo po..." Sabay baba ng aking tingin sa buhangin.

"Fiancee? Who?" Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Sobrang naiilang na ako.

"S-si Ms. Kesha po, Mr. Calum... B-baka po kasi pagalitan ulit ako." Hindi ko pa rin siya tinitigan.

"Kesha?" He chuckled at ramdam ko iyon dahil nasa harap ko lang siya.

"I never had a fiancee, Maria. Last time, I know wala akong fiancee. And, Kesha is our family friend, Maria." Paliwanag nito sa akin.

Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko.

"Iyon ho 'yong sinabi niya sa akin, Mr. Calum. Ayoko pong makagulo ng relasyon dahil naranasan ko na po iyon. Ayoko pong makasakit ng damdamin ng iba dahil lamang po sa pag-ibig." Ani ko rito.

Narinig kong bumuntong hininga siya, "I never lied to you, Maria. Lahat ng pinaramdam ko sa'yo ay totoo. I really liked you. Kaya nga kanina pa kita hinahanap kay Nicole kasi may gusto akong sabihin sayo..."

I cut him off, "nakita ko po kayo kanina kasama si Ms. Kesha, Mr. Calum. Ang saya niyo nga po..."

Hinintay ko siyang sumagot sa sinabi ko.

He sighed, "she approached me. May sinabi siya sa akin about sa proposal ng isang client, that's it. And, umalis din agad ako para hanapin ka."

I was stunned dahil sinabi niya.

Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya.

I sighed, "k-kamusta si Klare?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko ng ganitong atmosphere.

"Maria... Can we talk?"

"Nag-uusap naman na tayo, Mr. Calum..." 

"I mean, tungkol sa atin. Totoo iyong mga pinakita ko sa'yo, Maria."

Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Lumalabo ang aking paningin.

"Okay naman po tayo, Mr. Calum. Sige po, mauna na po ako sa inyo." Tatayo na sana ako pero nahawakan niya ang aking kaliwang balikat.

"Ihahatid na kita, "

Humarap ako sa kanya at ngumiti, "hindi na po, okay lang po talaga. Bukas na lang po tayo mag-usap, hindi ho talaga maganda pakiramdam ko." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

Agad na umiling ako sa kanyang alok, "no need na po. Baka po sa byahe lang po ito kanina. Magpapahinga na lang po ako agad. Good night po, Mr. Calum." Yuko ko rito at umalis na.

Habang tumatagal lalong lumalabo ang aking mga mata. Kailangan ko na yatang magpacheck-up. Kailangan ko na rin yatang magpasalamin.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

[ Hi sa mga naghihintay pa rin ng mga uds ko!! Plano ko rin pumunta sa dreame, paano ba? 😹 ] 

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now