•6•

6.1K 141 13
                                    

MARIA

Sa three days namin sa Laguna, hindi ko na ulit nakita si Mr. Calum. Sabi ng mga kasama ko nagkaroon daw ng emergency sa family ng mga Carson dahil muntik na raw magpakamatay ang bunso nilang kapatid.

We're shocked dahil sa balitang iyon. Maging si Mr. Case ay wala rin.

Until now bulong-bulongan pa rin dito kung bakit ginawa ng bunsong kapatid nila ang ganoon.

"Alam mo, Maria, gwapo raw iyong bunsong kapatid nila. Mas kamukha raw niyon ni Mrs. Carson." Tsismis nito sa akin.

Hindi ko pa kasi lahat nakikita ang kapatid ni Sir Calum. Sina Mr. Case and Mr. Connor lang kasi lang naman ang pumupunta rito sa company. Iyong dalawang kapatid pa niya, hindi ko pa nakikita.

Tumingin ako kay Nicole, "nakita mo na?" Pagtatanong ko rito.

Tumango ito sa akin habang nakangiti, "Oo naman. Ang gwapo niya, girl. Kaya hindi ko maisip ba't ginawa niya iyon. Sayang gwapo pa man din." Bakas sa boses niya ang paghihinayang.

"Hoy, Fatima? Ano? May nasagap ka na bang balita?" I rolled my eyes to Nicole.

Pagdating talaga sa tsimis kailangan hindi siya mahuli.

Lumapit sa amin si Fatima, isa ring magaling sa tsismis. Ka-department lang din namin.

"Inday! Heto na nga iyong nasagap kong kwento sa baba..." Bungad nito kay Nicole.

Grabe! Sa gilid ko pa talaga sila magtsi-tsismisan. Pero, okay na rin para marinig ko usapan nilang dalawa.

"About ito sa keber ni Papa Cassian. Iyon ang balita..."

Napakunot ang aking noo.

"For what the girl?" Seryoso ang kanilang mga boses.

Kung sa malayo ko silang titignan, masasabi kong seryosong usapan ang pinag-uusapan ng dalawa. Paano ba naman kasi iyong mukha nila seryoso rin.

"Sa girlalu, 'day. Ang haba ng hair nu'ng girlalu na iyon. Dahil sa kanya muntik pa magpakamatay si Papa Cassian. Oh, diba?"

Dahil sa babae lang?

Dahil sa babae ginawa niya iyon?

Sobrang mahal niya siguro iyong babaeng iyon.

"Swerte naman niya, girl... Siya yata ang papalit kay Rapunzel sa pahabaan ng buhok." Sabay tawa nang dalawa.

Napailing na lang ako.

Pareho silang mga baliw.

"Kaya itong frienny natin, sinabihan ko na 'tong 'wag pag-aalalahanin si Mr. Calum, e. Baka mabaliw rin si Sir kakahanap sa frienny ko."  Sabay hagikhik nilang dalawa.

Sinamaan ko nga sila ng tingin.

"Kayong dalawa bumalik na nga kayo sa mga table niyo! Huwag niyo kong guluhin ang dami ko pang papers kailangang tapusin dito!" Bulyaw ko sa mga ito at nagpokus ulit sa trabaho.

"Sungit mo, girl. Mayroon ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Nicole, "heto na nga, girl, babalik na kami ni Fatima sa table namin. Tara na nga, mayro'n yata si Maria ngayon." Sabay hila niya kay Fatima.

Maloloka talaga ako dahil kay Nicole.

"Hay! Alas-singko na rin!" Tumayo ako at nag-unat-unat. Nangalay iyong braso ko at likod ko.

"Maria? Sasama ka ba?"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Nicole na papalapit sa akin.

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now