•16•

5.1K 125 12
                                    

MARIA

"Kailangan ka niya, Maria. Kailangan ka ni Karl..."

Hindi ako pumunta. Hindi ako pumunta sa hospital kung nasa'n si Karl.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung makita ko siyang nakahiga sa hospital bed at nanghihina dahil sa sakit niya.

Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya sinabi sa akin ang totoo? Bakit kailangan pa nilang itago ang sakit niya?

Bakit ngayong masaya na ako, saka naman nila ito sinabi sa akin?

Nagtatalo ang isip ko kanina kung pupuntahan ko ba siya or uuwi ako rito kay Calum. Hindi ko na alam.

Gulong-gulo na isip ko sa mga nangyayari.

Napaangat ako ng may kumatok sa pinto, "baby? Are you okay? Kanina ka pa r'yan sa bathroom? May nangyari ba kanina?"

Pinunasan ko ang aking pisngi at inayos ang aking sarili. Kanina pa pala ako rito nakababad. Hindi ko man lang napansin ang oras.

Napalunok muna ako at saka nagsalita, "a-ayos lang ako, Calum. Hindi ko namalayan iyong oras, lalabas na ako." Mariing sabi ko sa labas.

Palabas na sana ako ng bathtub ng mapahawak ako sa gilid nito. Heto na naman iyong mata ko, biglang lumabo. Pumikit muna ako saglit at saka unti-unting binuksan ang aking mga mata.

Bumabalik na naman siya. Nang maging okay na ulit ang aking paningin saka na ako lumabas ng bathroom at dumiretso sa closet.

Hindi ako umiimik hanggang tumabi ako kay Calum, ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi na lang ako kumikibo.

"Matutulog na ako," tatlong salita na siyang binigkas ko at saka akong nagtalukbong ng kumot.

Hindi ako magsisinungaling sa sarili ko, nag-aalala ako kay Karl hindi dahil mahal ko pa siya, kung hindi dahil sa matagal na pagsasama naming dalawa. Kaibigan ko pa rin naman siya.

Nang sumunod na araw, maaga akong pumasok. Hindi ko na nga muna ginising si Calum, e.

Dadaan muna ako saglit kay Karl bago pumasok sa office kaya kailangan kong agahan.

Nagsulat na lang muna ako ng note na,  "maaga akong pumasok dahil may mga naiwan pa akong paperworks sa table ko na kailangang tapusin." Sana nga lang hindi siya agad sumunod sa akin kung hindi malalaman niyang nagsisinungaling ako.

Sumakay ako ng taxi papunta sa hospital kung sa'n naka-confine si Karl. Nasabi kasi ni Gia kung sa'ng hospital siya naka-confine.

Bago ako magpababa rito sa hospital, nagpadaan muna ako sa isang palengke at bumili ng mga prutas para kahit papaano may maibigay ako.

Nagtanong ako sa information desk, "hi! Saang room po si Karl Guttierez?" Tanong ko sa isang nurse na nakapwesto rito.

May tinipa siya sa kanyang computer at tumingin sa akin, "nasa room 401 po, Ms. Kaano-ano po kayo ng pasyente?"

"Hm... K-kaibigan po ako." Ani ko sa kanya at umiwas ng tingin sa kanya.

Tumango ito sa akin at saka tinuro ang daan papunta sa room 401.

Kinakabahan man pero tinahak ko ang daan na tinuro sa akin. Humigpit ang hawak ko sa supot ng prutas na binili ko.

Napalunok ako ng makitang nasa unahan ko na ang k'wartong hinahanap ko. Ang room 401.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako? Or uuwi na lang? Kinakabahan talaga ako. Paano kung parents niya sumalubong sa akin, anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?

Sumandal muna ako sa pader at kinagat ang aking ibabang labi habang nag-iisip kung anong gagawin kong pasya.

Huminga akong malalim at saka humarap ulit sa pinto, nandito na ako, e. Wala ng urungan ito.

Lalapat palang sana ang aking kamao sa pinto ng bumukas ito at bumungad sa akin si Gia.

"M-maria..." Sumilip muna siya sa loob at saka sinarado ito.

"D-dumating ka, akala ko hindi ka na pupunta, e." Nakita kong nakabihis siya ng aming uniform.

Papasok siya?

"Gusto ko lang malaman kung ayos na ba siya? Kung bumubuti na ba ang lagay niya?" Diretsong tanong ko sa kanya.

Pilit siyang ngumiti sa akin at saka umiling, "habang tumatagal, Maria, lalong lumulubha ang kanyang karamdaman. Hindi na raw masyadong tumatalab ang mga gamot na iniinom niya."

"Operasyon? Chemotherapy?"

Umiling ulit siya sa akin, "hindi na rin niya kakayanin ang mga iyon. Mas pinili na lang nila Tita na huwag siyang operahan at idaan na lang sa gamot. Kasi sa ganitong paraan, alam namin tatagal pa siya, Maria. Kahit nakikita naming unti-unti na siyang humihina."

Umupo kami rito sa may labas, "nu'ng bumalik kami rito sa Pilipinas, nalaman na naming wala ng silbi iyong mga gamot niya. Hindi na tumatalab sa kanya. Kaya nagpasya siyang umuwi na kami rito para hingin ang tawad mo. Walang araw na hindi ka niya iniisip, walang araw na hindi ikaw iyong bukang-bibig niya. Ginagawa niya ito para lumaban sa sakit niya at mabalikan ka niya..."

Nakita kong yumuko siya at nakita ko sa kanyang palad ang isang rosaryo, "pero nu'ng nakita ka namin sa mall na kasama ang boss natin, napangiti siya at sinabi sa akin na nakahanap ka na ng lalaking hindi ka iiwan katulad ng ginawa niya. Masaya siya sa'yo, Maria. Kaya that day hindi ka na namin ginulo pero mapilit ako, e. Kaya pumasok sa company kung saan ka nagtatrabaho, gustong-gusto kong sabihin sa'yo ang kalagayan niya. Gusto kong puntahan mo siya. Alam kong nagsinungaling din ako sa'yo. Kaya, I'm sorry, Maria. I'm sorry..."

Wala akong nagawa kung hindi haplusin ang kanyang likod, "Gia, it's okay. Alam ko naman na. Alam kong lalaban pa siya. Hindi man na sa akin, kung hindi sayo. Lalaban siya dahil sayo,"

Umiling ito sa akin, "sumusuko na siya. Sumusuko na siya, Maria..."

Napatayo ako at agad na tinahak ang pinto, nakita ko roon ang gising na si Karl na nakatingin sa akin, sa pinto.

Ngumiti siya sa akin pero hindi umabot sa kanyang mga mata, "dumating ka..."

Humakbang ako sa kanya papalapit, "lalaban ka ha? Hindi na para sa akin, para na kay Gia, Karl. Lumaban ka please."

Umiwas siya ng tingin, "masaya akong masaya ka na. Sorry, sorry kung hindi ko sinabi ang totoo sa'yo. Ayokong mag-alala ka sa akin. Ayokong pati ikaw dalhin ko sa problema kong ito..."

"Karl, please, lumaban ka ha?"

"Lalaban ako kung kaya ko pa, Maria. Pero, iyong katawan ko, siya na iyong bumibigay..."

"P-paano si Gia, Karl? Kailangan ka niya! Siya iyong nandyan, siya iyong nasa tabi mo, Karl. Kaya please, lumaban ka."

Tumingin siya sa akin, "I am. Hangga't kaya ko,"

Nagstay muna ako rito. Nagkwentuhan kami na parang walang nangyari sa aming tatlo.

"Mauuna na ako, Gia. Pakisabi na lang kay Karl. Huwag ka na rin muna pumasok, ako na magsasabi sa HR ang tungkol sa kalagayan mo ngayon. Kailangan ka ngayon ni Karl, Gia. Kaya bantayan mo siya, ha?" Lumapit ako kay Karl na natutulog na ngayon.

"Please, lumaban ka ha?" Bulong ko rito.

"Text mo na lang ako Gia kung may kailangan ka ha?" Tumango ito sa akin at hinatid na ako sa may lobby.

Wala kasing kasama si Karl sa room niya kaya bawal maiwan siyang mag-isa.

Papalabas na ako ng hospital ng makilala ang isang kotse na naka-park dito. Tama nga ang hinala ko ng lumabas ang tao roon.

"C-calum..."

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, Cat-ties!! 😸💛

[ Last two chaps na lang!!
Dreame account: KenTin_12 ]

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now