•2•

7.8K 163 12
                                    

MARIA

"Bumalik na raw si Mr. Calum!"

"Bumalik na rin si Mr. Case!"

"Bumalik na ang mga Carson!"

Pagtuntong ko palang sa floor namin, iyan na agad ang naririnig ko.

Bumalik na sila? Kasama kaya ni Mr. Case si Klare?

Namimiss ko na ang isang iyon. Ayos lang kaya ang pagbubuntis niya? Sana kunin niya akong ninang. Magtatampo talaga ako kapag hindi niya ako kinuha.

Paglapag ko palang ng gamit ko sa table, nilapitan agad ako ni Nicole.

"Dumating na raw ang apple of my love mo, Maria. Ayie, sisipagin na ulit siya magtrabaho." Tinignan ko siya nang masama at hindi pinansin.

Umagang-umaga nang-aasar na naman ang isang 'to. Ano naman pake ko kung nandito na rin si Ms. Calum? Kung nandito man siya, madadagdagan na naman ang trabaho ko.

"Uy, ang sungit mo naman ngayon, Maria. Hindi na naman maganda tulog mo, saang side ka na naman natulog?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Anong side? Ano pinagsasabi mo?" Bagot na tanong ko rito.

May tamang side ba kapag natutulog?

Napakamot ito sa kanyang buhok, "nababasa ko lang tungkol doon. Hehe. Iyon kasi madalas sabihin sa binabasa ko kapag mainit ulo nu'ng bida, hehe. Maling side daw p'westo niya sa pagtulog." Napailing na lang ako sa kanya at saka binuksan ang computer na nandito sa table.

"Sabay ba tayo magla-lunch mamaya, Maria?"

Tumango ako rito habang may binabasa sa screen.

"Hindi ka sasabay kay Mr. Calum?"

Kunot-noong lumingon ako sa kanya, "bakit naman ako sasabay sa kanya?"

"Malay ko. Baka trip mo ulit? At, baka mapaaway ulit ta--" tinakpan ko ang bibig niya saka siya sinamaan ng tingin.

Two weeks na ang nakakalipas. Iyon 'yong naglayas daw si Klare at hinanap namin si Mr. Calum.

Iyon 'yong masayang sandali ng araw ko. Alam mo iyon kaming dalawa lang ni Mr. Calum sa loob ng kotse at hinahanap ang kaibigan kong si Klare.

Habang hinahanap namin siya, ako naman pasulyap-sulyap sa kanya. Ang gwapo talaga ni Mr. Calum, malayo man o malapit mo siya tignan. Hindi nakakasawa ang mukha niya.

Tapos... Iyong body built pa niya. Ay! Ang sarap yakapin. Iyong alam mong safe ka kapag yakap ka niya. Hay.

Pero, naglaho agad iyon sa isipan ko.

Nang hindi namin mahanap si Klare, nagdecide kaming umuwi na lang muna at bukas na ituloy ang paghahanap sa kanya.

Nang kinaumagahan, may sumulpot sa harap ng bahay namin. Magandang babae, matangkad - mas matangkad siya sa akin, maputi - akala ko nga multo, siguro kung makakasalubong mo siya sa daan kapag gabi, tatakbo ka agad at higit sa lahat umaalingasaw sa kanya na makapangyarihan siyang tao.

Tinanong ko siya baka naliligaw, e. Wala naman kaming kamag-anak na kasingganda niya.

"Sino po kayo?" Pagtatanong ko rito at luminga-linga sa paligid.

Wala pang gaanong dumadaan na traysikel.

"You're Maria, right?" Malambing ang kanyang boses.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya, "b-bakit po?"

Wala naman siguro akong utang sa kanya, diba? Kay Klare may utang ako sa kanya, fifty pesos yata utang ko roon.

"Calum is mine. So, layuan mo siya." Slang na sabi nito sa akin.

"H-huh? B-boss ko po si Mr. Calum, kung sino man po kayo." Kinakabahan na ako.

"Okay, I'm Kesha Benitez, future CEO of Benitez Cosmetics and I'm future wife of Calum." Sabay taas nito ng kanyang ring finger, "see that? So, get lost!"

Napalunok ako sa sinabi niya.

Yumuko ako sa kanya bilang paggalang, "excuse me po, aalis na ako. Mala-late na ako sa trabaho ko." Magalang na sabi ko rito at pinara ang papalapit na traysikel.

Bahala siya mag-eskandalo roon para mga kapit-bahay namin ang sisigaw sa kanya. Pakealam ko sa kanya kung Future CEO at wife siya. Future pa naman iyon. Malay mo hindi na mangyari.

Iyon 'yong unang pag-uusap namin ni Kesha Benitez at iyong pangalawa ay dito mismo sa company ng mga Carson.

Buti na lang walang nakakita. Buti na lang din lunch break ng mangyari iyon.

Kaya ayoko na magkita ang landas naming dalawa. Kung makalait akala mo kumikita siya nang walang tumutulong ng mga katulad namin. Siya kaya gumawa nitong mga pinapagawa sa amin pati iyong mga nasa factory na gumagawa ng supply.

Nilaan ko na lang ang oras ko sa mga bagong paperworks na nasa table ko. Kailan ba kayo matatapos, ha? Baka mauna pa akong matapos sa inyo!

Sumandal muna ako at tumingin sa malayo, sumasakit na iyong mata ko. Bibili na nga ako ng salamin sa mata na may protection sa radiation.

Nang maging okay ulit ang paningin ko, sinimulan ko na agad ang pagtitingin at pagtatype sa computer, kailangan ko ipasa ito sa secretary ni Mr. Calum.

Baka pumunta na naman dito iyong secretary niya at sabihing dali-dalian ko. Siya kaya gumawa nito, akala niya ang dali ng work ko. Tuktukan ko siya.

Makahanap lang talaga ako ng madaling trabaho aalis talaga ako pero sayang din kasi ang benefits ng company.

Magtatiyaga na lang muna ako.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now