•9•

5.5K 140 26
                                    

MARIA

"Umagang-umaga wala ka na agad energy d'yan, Maria? Inubos ba ni Papa Calum?" Sinamaan ko nga agad ng tingin itong si Nicole.

Iniisip ko pa rin iyong nangyari kagabi. Nakita ko na naman kasi silang dalawa. Bakit hindi na lang ulit sila bumalik sa US at doon manirahan. Hindi iyong bwinibwisit nila ako rito.

Ang lakas nila akong kausapin na parang walang nangyari sa aming tatlo. Na parang magkakaibigan pa rin kami pero alam nilang wala na. Siniraan nila iyong friendship na binuo naming tatlo lalo na si Gia. Sinira niya. Hindi lang relationship namin ni Karl pati pagkakaibigan namin, siya ang sumira.

Tapos makikipag-usap sa akin kagabi na parang walang nangyari? Nakisama pa sa upuan namin, buti na lang talaga kasama ko si Calum, kung si Nicole kasama ko kagabi iiwasan ko talaga sila.

"Iyong papel mo sira na kakadiin mo ng ballpen d'yan. Ano bang nangyayari sayo? Lumabas lang kayo ni Mr. Calum kahapon."

Kumuha siya ng monoblock chair at tumabi sa akin.

"Nakita ko na naman sila kagabi..." Ani ko sa kanyan

Nakita kong kumunot ang kanyang noo, "sinong sila?" Pagtatakang tanong nito sa akin.

"Naalala mo ba iyong iniwasan natin sa isang fastfood? Iyong lumapit sa atin."

Mapagkakatiwalaan naman si Nicole. Gusto ko na rin sabihin sa kanya para kapag once na nakita ulit namin silang dalawa, maiiwasan ko na sila.

Napaisip siya sa sinabi ko, "iyong isang babae at isang lalaki?"

Tumango ako sa sinabi nito, "Oh? Anong mayro'n doon? Takang-taka nga ako sa'yo ba't ang bilis mong maglakad nu'ng makita natin sila."

Huminga muna ako nang malalim, "ex-boyfriend and ex-bestfriend ko," mahinang sabi ko sa kanya. Sapat na para marinig niya ito.

"D-don't tell me..." Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin tumango na ako sa kanya.

"Weh? Oh gosh! Dapat sinabi mo sa akin, Maria. Para naman makatikim sa akin ng sabunot iyong babaeng iyon." Nanggigil na sabi nito sa akin at ang kanang kamay niya ay nakatiklop habang ginagalaw ito ng paikot.

Napailing na lang ako sa kanya.

"Naku, Maria kapag talaga nakita ulit natin sila sa Mall, sasabunutan ko talaga iyong babae. Anong pangalan nu'ng babae? Iyong ex-bestfriend mo?"

"Gia. Actually, nakita namin sila kahapon, diba? Tapos, nakitabi pa sa amin ng upuan kahapon. Gustong-gusto ko ng umalis at iwan sila roon pero kasama ko si Calum baka magtaka iyon."

"You have a point, Maria. Buti na lang nakapagtimpi ka, ano? Kung ako iyong ex-girlfriend nu'n at ex-bestfriend nu'ng babae baka hindi na ako makapagtimpi. Baka masampal ko sila kahit maraming tao sa paligid ko, Maria. Naku, nangangati iyong palad ko parang ang sarap manampal." Sabay kamot nito sa kanyang kanang palad.

"Heto gusto kong malaman, Maria. Paano mo nalamang niloloko ka na nilang dalawa?"

Napabuka ang aking bibig pero binalik ko rin sa dati. Ito na naman. Bumalik na naman iyong pakiramdam ko that time. Iyong pakiramdam na iniwan, niloko at pinaglaruan.

Masakit. Sobrang sakit nu'n. Iyong wala kang alam sa nangyayari sa lahat. Kapag magkasama kayong tatlo, ang saya-saya niyo pero sa likod pala nu'n pinagloloko ka na pala ng dalawang mahal mo. Boyfriend at bestfriend mo.

Hindi ko pa malalaman na matagal na pala nila akong niloloko, kung hindi ko pa palihim na kinalikot iyong phone ni Gia.

Matagal na akong may naririnig tungkol sa kanilang dalawa pero hindi ko pinansin kasi kaibigan ko si Gia, may tiwala rin ako sa boyfriend ko.

Kaya hindi ko maisip na magagawa nila iyong dalawa. Magagawa nila akong lokohin parehas.

Ngumiti ako kay Nicole, "nahuli ko... Nabasa ko lahat ng conversation nilang dalawa sa phone ng bestfriend. Sobrang sakit, Nicole. Sobrang sakit na matagal na pala silang dalawa at heto akong tanga walang kaalam-alam sa aming tatlo. Hindi ko alam na may namamagitan na pala sa kanila. Ang tanga-tanga ko that time."

Pinilit kong maging matatag. Pinilit kong huwag maiyak kahit gusto ng tumulo ang aking mga luha.

Matagal na iyon pero sobrang sakit pa rin para sa akin.

"Girl, seryoso ka? Anong ginawa mo nu'ng nalaman mo ang tungkol sa kanila?"

Napayuko ako sa tanong niya at saka umiling, "wala... Umalis na lang ako bigla. Naglaho ako, inalis silang dalawa sa buhay ko. Wala na ring naman saysay kung sasaktan ko sila physical. Kung sasampalin ko iyong ex ko, wala ng magagawa niyon. Ako lang din masasaktan. Ako lang mismo. Siguro sapat na iyong hindi ko sila pinatawad, at kahit kailan never ko silang patatawarin, Nicole. Ako iyong nasaktan, e. Ako iyong niloko at pinaglaruan nila. Hindi lang physical ko ang nasaktan maging iyong emotional ko that time to the point na ayoko ng maniwala kahit kaninong lalaki... Durog na durog ako nu'ng panahon na iyon."

Hindi ko na kinaya. Hindi ko na napatigil ang aking mga luha. Basta ang alam ko lang lumuluha na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kanilang dalawa.

Bumalik na naman.

Nakayuko ako sa table ko habang patuloy pa ring umiiyak. Sobrang hina ko talaga pagdating sa ganitong bagay.

"Sorry, Maria kung pinakwento ko pa sa'yo. Sobrang strong mo, kasi kung ibang tao iyon baka kalat na iyong ex-bestfriend and ex-boyfriend niya sa social media. Hindi mo sila deserve, be." Inabutan niya ako ng tissue.

Pinunasan ko ang aking tumulong luha at maging ang sipon.

"May mas deserve pa rin sayong nakalaan at si Sir Calum iyon." Napaangat ako sa kanya ng tingin.

"Kita naman sa mata ni Sir Calum na sincere siya sayo. Maging kaming mga nandito sa finance department kitang-kita iyon. Maging mga lalaking workmate natin, sinasabing sincere siya sayo, gano'n daw ang mga lalaki kapag nanliligaw." Sabay ngiti nito sa akin.

"P-paano kapag dumating ulit si Kesha?"

"Girl, ilusyunada lang ang isang iyon. Fiancee siya ni Sir Calum? Hindi nga siya kilala ng mga kapatid ni Sir bilang fiancee niya. Ilusyunada lang ang isang iyon. Huwag mong pansinin ang bruhang niyon na sobrang kapal ang make-up. Lalo na iyong foundation niya para nilublob sa harina."

Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Ito talagang si Nicole.

"Oo nga pala, hindi mo sinabi kay Sir na binantaan ka ng gagang iyo---"

"Binantaan?" We froze ng marinig ang boses na iyon.

Kanina pa ba siya? Narinig ba niya lahat.

Nagkatinginan kami ni Nicole sa isa't-isa at napalunok parehas. Sabay kaming lumingon sa harap namin kung sa'n namin narinig ang boses niya.

Nakita namin siyang papalapit sa aming dalawa. Sobrang gwapo niya talaga.

"Sinong binantaan?" Pagtatanong ulit nito sa amin ng makalapit na talaga siya sa aming dalawa.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, Cat-ties!! 😸💛

[ 32 followers na tayo sa Dreame!🤘 Please, Follow me sa Dreame. Ilalapag ko mamaya ang POV ni Thunder sa Dreame account ko and baka roon ko na rin ituloy si Calixto ]

Carson's Series #3: Calum Carson ✓Where stories live. Discover now