Corny Moments1

2.5K 78 4
                                    

Venice POV

Tatlong buwan ng naka lipas mula nang mangyari yung pagkuha nila sa kapatid ko. Simula noon wala naman nang nangyari. Tatlong buwan ng may bantay sa bahay namin ng hindi alam ng pamilya ko. Tatlong buwan ng tinatago ng kapatid ko yung secreto ko. Tatlong buwan naring nangliligaw si Kevin at aamini ko, unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Unti-unti ko ng nakakalimutan si James.

"Earth to Amethis!"

Napalingon kaagad ako kay Kevin dahil sa sigaw niya.

"Hindi ka naman nakikinig eh!" sabay pout niya

"Che! may iniisip lang ako!"

Oo, tama kayo ng basa, Amethis parin tawag niya sakin dahil gusto daw niyang palitan ng masasayang ala-ala ang pangalang yan.

"Hoy hoy! Sino yang iniisip mo?!"

"Si Kirby!" sarcastik kong sagot sa kanya.

"Ano ba yan Amethis! Ako nalang isipin mo please??"

Binato ko sa kanya yung hawak kong ballpen. Nag puppy eyes pa talaga ang loko!

"Wow ha! Ang sarap mong mag mahal!" sarkastik niyang sagot kaya nag kibit balikat nalang ako.

Ang tangal narin pala niyang nanliligaw. Tatlong buwan. At sa loob ng tatlong buwan na yun, walang palya! Halos araw-araw niya akong sinusurpresa.  Araw araw may bulaklak, chocolate,teddy bear. Nakakasawa na, pero at the same time nakakakilig. Hindi narin siya lumilingon sa ibang babae, nasa akin lang yung atensyon niya. Pati nga parents at kapatid ko nililigawan niya.

Seguro oras na para ipakita ko sa kanya yung mundo ko.

"psst. Kevin!" tawag ko sa kanya.

At ang loko! denedma ako

"Hoy!"

Wala parin. Naka talikod parin siya sakin.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Tumayo na ako para umalis ng tumayo siya bigla sa harap ko.

"Alam mo yung word na tampo? Ako yun eh! Hindi ka naman marunong sumakay!"

Shunga lang? Talagang sinasabi niyang nagtatapo siya..

"Tara!" aya ko sa kanya

"Hindi mo lang ba tatanongin kung ba't ako nag tatampo?"

"Hindi." simpleng sagot ko sa kanya

"Tanongin mo na ako, dalii!!"

Para talagang baliw to! Nagpapa awa effect pa!

"Sege na tanongin mo na ako please?"

Hayy!! Ang kulit!

"Oh bakit?!" tanong ko sa kanya para matapos na.

"Nagseselos ako." sabay sad face niya.

"tsk! Abnoy!" sabay batok ko sa kanya

"Wow ha! Ang sweet mo!"

"whatever! tara na!"

" Saan?"

"basta."

Ako yung nagmaneho ng kotse.  Pagkatapos ng ilang minuto inihinto ko yung kotse sa isang malaking bahay.

"Kaninong bahay to?" tanong na naman niya.

"Sa shota ko!" sagot ko sa kanya

"eh di ko naman bahay to eh!"

bwesit na lalaki!

"Hali kana! pasok tayo sa loob."

"Hala! Maawa ka! Wag mo akong gahasain! "

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tinikom niya na yung bibig niya bago ko pa tahiin yun.

Pagkapasok namin sa loob, para siyang bata na panay ang tingin sa paligid. Umakyat kami sa pinakataas. Binuksan ko yung isang silid.

"Welcome sa mundo ko." sabi ko sa kanya.

Literal siyang napanganga ng makita niya ang samot saring mga armas na naka palibot sa silid.

"bakit may mga ganito dito?"

"hindi na lingid sa kaalaman mo na kasali ako sa badburn. Kaya ito..." sabay libot ko sa silid. "ito ang mundo ko"

Naglibot din siya sa silid at hinawakan niya yung isang katana. Dali dali kong inagaw yun sa kanya.

"Wag mo yang hawakan! May lason to! baka masugatan ka!"

Agad kung binalik yung katana. Ngumiti naman siya bigla na parang baliw.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya

"oyyy! concern siya sakin!!"

"Hindi noh! baka mamatay ka bigla sa lason, kasalanan ko pa!"

Tumalikod ako sa kanya at inayos yung pagkakalagay ng katana. Naramdaman kung may yumakap sa likud ko.

"Bitawan mo ako! Chansing ka!" asik ko sa kanya.

"Hindi kita bibitawan. Kahit anong mangyari. Alam kung hindi kita mapapa alis sa mundo mo kaya handa akong pasukin ito kung yun lang ang paraan para mahalin mo ako."

Humarap ako sa kanya at hinawakan yung magkabilang pisngi niya.

"Hindi mo kailangang pasokin ang mundong gusto ko nang talikuran. Sa mga ginagawa mo, unti-unti mo ng napapasok ang mundo ko."

Niyakap niya ako bigla sabay bulong ng mga katagang nagpangiti sa akin.

"Kung ganon mas pag bubutihan ko pa, para tuloyan ko ng mapasok yung mundo mo, pati narin puso mo. Mahal kita at pro-protektahan kita"


---

Sorry sa super late update. Naging super busy lang po. Salamat sa mga naghihintay sa update ko at bumabasa. Sobrang maraming thank you!

GinalynBalana: Thank you sa flood votes :)

-AinCed

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now