Friends

3.3K 93 0
                                    

Venice POV

Nandito ako ngayon sa condo ni Kevin, sa sala to be specify, makiki kain ako. hahahaha

Nanonood ako ng t.v ng tawagin ako ni Kevin.

"Amethis, kain na"

Panong? pano niya nalaman na may amethis ang pangalan ko? isa pa, ayaw na ayaw kung tinatawag akong amethis, it reminds of someone.

"Ano ba! wag mo nga akong tawaging Amethis!"

"eh bakit ba? mas gusto ko yung Amethis kesa sa Venice eh!"

"ahh! Basta! Venice ang itawag mo sakin"

"ahh! basta! Amethis tawag ko sayo!"

bago pa ako makapag react, hinila na niya ako papuntang kusina.

Nagutom ako bigla ng makita ko yung niluto niyang noodles. Habang kumakain kami, tumatagaktak naman yung pawis ko dahil sa sabaw ng kinakain namin, kaya tinalian ko yung buhok ko. Napatitig naman bigla si Kevin sa leeg ko.

"hoy!"

"...." aba't kanina pa siya titig ng titig sakin ha? Alam ko namang maganda ako pero nakakailang kaya pag may nakatitig sayo habang kumakain ka!

"hoy Kevin!"

*tok*

"araaayyy! ba't ka ba nang babato ng kutsara!" sabi niya habang hinihimas yung ulo niya na natamaan ng kutsara.

"kanina pa kita kinakausap! Hindi ka sumasagot! aba! alam kung maganda ako pero wag mo naman ako masyadong titigan, baka malusaw ako!"

"tss. tatoo ba yang nasa leeg mo?"

"ai Hindi! baka balat?" sarkastiko kung sabi sa kanya

"umayos ka nga!"

"ayos naman yung pagkaka upo ko ha?"

"aish! seryoso! sa pagkaka alam ko mga myembro ng Badburn sa school ang may ganyang tatoo, myembro ka ba?"

"ai. Hindi! baka ginaya ko lang?"

"so myembro ka nga ?"

"ai hindi!"

"isa!"

"dalawa!"

"Ewan ko sayo! bilisan mo nalang kumain jan!"

Kumain nalang din ako, gutom much si ako eh! hahaha

Pagkatapos naming kumain, pinatuyo ko muna yung damit ko. Mahirap na baka magka sakit ako, pumangit pa ako!

Kasalukuyan akong nag susuklay ng buhok ng may nag txt sakin.

FROM: Ken

kailangan ka ngayon. ang dami nila, mahihirapan kami kung wala ka.

Pagkabasa ko sa text message, lumabas kaagad ako ng bahay ni Kevin, tinawagan ko si Ken.

"hellow ken"

"san ka? kailangan ka dito"

"okay sandali lang papunta na ako. Ano bang nangyari at sino ang nan diyan?"

"dito ko nalang ipapaliwanag."

"okay"

ine end ko yung tawag tsaka nag madaling pumasok sa bahay ni Kevin.

"hey! kevs! pahiram kotse, sandali lang ako"

"Hindi pwede"

"cge na sandali lang ako!"

"san ka ba pupunta?"

"Basta! cge na pleeeaasssee????"

"hay! cge na nga! basta wag mong ga gas gasan yan ha?"

"oo na po"

inihagis niya sakin yung susi, nagmadali naman akong lumabas--- ai tungaks! naka T-shirt lang pala ako, wala akong short.

"ahhhmm, Kevin?"

"bakit?"

"pahiram naman ng varsity short mo?"

"hala! ayaw ko nga!"

"cge na please, last na to?"

napakamot naman siya sa ulo niya saka pumasok sa kwarto niya.

pagkabigay niya ng short, sinuot ko kaagad ito, tinalian ko yung buhok ko, nag suot ako ng sombrero tsaka maskara. kinuha ko na din yung balisong sa bag ko. Palagi ko tung dala kahit san ako mag punta.

Play Boy falls for Ms.GangsterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt