First Move

2.7K 80 0
                                    

Kevin POV

Nandito kami ngayon ni Amethis sa canteen kasama niya yung friends niya at kasama ko naman si Mark

"order na tayo?" tanong ni Mark

"cge."

tatayo na sana sila Amethis pero pinigilan sila ni Mark.

"kami na lang ang o order." sabi ni Mark sa kanila

"sure ka?" tanong ni Daphnie

"oo" sagot ni Mark tsaka kinuha na yung order ng apat

"ikaw Amethis, anong gusto mo?" tanong ko sa kanya

"Would you drop that Amethis thingy?! I told you don't call me Amethis?!"

Nabigla ako sa pag taas niya ng boses.

"sorry. I just don't like being called in that name. I have to go."

Dali-dali siya tumakbo palabas ng canteen.

"oh? Anong nangyari dun?" tanong ni Mark

I just shrug my shoulders dahil hindi ko naman talaga alam yung sagot. Nabigla ako ng hilain ako ni Daphnie pa upo.

"Kevin, don't call her Amethis. Call her whatever you want, except for that."

"eh? bakit? ang ganda kasi pakingan ng Amethis eh?"

Na cu-curious na talaga ako. Bakit ayaw niya sa sarili niyang pangalan?

"the person who used to call her that name gave her so many painful memories." sagot ni Airie

"What? Who?" tanong ko sa kanila

"her ex-boyfriend. He used to loved that guy so much, and she still does" sagot ni Daphnie

Parang kinurot yung puso ko sa narinig ko. She still does...

"Could you tell me the story?" tanong ko kay Daphnie

Napa fist ako after i heard the whole story. F**k that guy! Dali- dali akong tumakbo palabas ng canteen at hinanap ko siya. Halos maikot ko na yung buong school kakahanap sa kanya pero di ko siya makita.

Nang mapagod na ako kakahanap sa kanya, pumunta ako sa botany garden para mag pahinga. Nang malapit na ako, i hear sobs.. And there i saw the woman i love crying.

Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.

"sorry..sorry.. hindi ko alam. sorry dahil kahit nagagalit ka ini insist ko parin na yun yung itawag sayo. sorry..sorry talaga. hindi ko alam.."

Nabigla ako ng yakapin niya ako pabalik.

"h-hin-di..mo *sob* ka..kasalanan.. a-ang.. a-ang t-tanga k-ko. *sob* k-kas-kasalanan k-ko dahil m-mahal *sob* ko p-parin s-siya *sob*"

Hinagod ko yung likod niya para tumahan na siya.

"ssshhh. hindi mo kasalan. siya ang tanga dahil pinakawalan ka niya."

"hindi ko na alam *sob* so-sobrang sakit p-parin *sob*"

"Venice.. allow me to help you. tutulongan kitang kalimutan siya"

"b-bakit?"

"dahil.....mahal kita"

Napahiwalay siya akin ng maranig niya yun.

"Kevin naman eh! wag mo nga akong isali sa collection mo! hindi ako nakikipag biruan dito!" para siyang batang nag ta-tantrums. Natawa nalang ako sa itsura niya pero naging seryoso ulit ako.

"alam ko mahirap paniwalaan dahil nakilala mo ako bilang isang babaero. Mahal kita! maniwala ka. matagal na, mula nung muntik mo na akong mabanga. Ewan hindi ko magamit yung mga moves ko sayo dahil iba ka eh!"

Tiningnan ko siya pero hindi parin siya nag sasalita kaya pinagpatuloy ko na

"na to-torpe ako pagdating sayo. Matagal na kitang mahal, hindi ko lang masabi sayo. Ngayon lang ako nagka lakas ng loob, kaya sana" hinawakan ko yung dalawa niyang kamay

"sana bigyan mo ako ng pagkakataong mapatunayan sayo na mahal kita"

Umiyak na naman siya ulit kaya niyakap ko nalang siya.

"ayaw kitang paasahin dahil alam ko, hindi ko pa kayang ibalik sayo kung ano man yang nararamdaman mo. At isa pa, hindi mo pa alam yung pagkatao ko"

"handa akong mag hintay. Just let me prove that i love you. At Ame-- este Venice, alam ko na yung pagkatao mo. Alam ko na yung pagiging gangster mo, yung mga flaws mo at isa yun sa minahal ko sayo."

Niyakap niya ako at umiyak. Pagkalipas ng ilang minuto kumalma na siya.

"Tara?" aya ko sa kanya

"saan?"

"basta."

Tumayo na kami at umalis ng school. Dadalhin ko siya sa paborito kung lugar.

Play Boy falls for Ms.GangsterOnde histórias criam vida. Descubra agora