Is this really goodbye?

2.6K 72 5
                                    

Kevin POV

Limang oras na mula ng ipinasok si Amethis sa emergency room, hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas yung doctor. Madaling araw na ngunit walang nag balak na matulog kahit ni isa sa amin.

Palakad lakad lang si tito at tita, samantalang naka yakap naman si Shone kay Charles. Mag isa lang akong naka upo sa sulok. Ayaw paring tumigil sa pag tulo yung luha ko. Hindi ako pwedeng iwan ni Amethis, hindi ko kaya.

"tol, kamusta na si Amethis?" Napa angat yung ulo ko dahil sa nagsalita, nakita ko si Mark at yung iba pa naming mga kaibigan.

"Ewan ko tol, hanggang ngayon hindi pa lumalabas yung doctor."

Hinawakan ni Mark yung magkabilang balikat ko.

"Makakaya yan ni Amethis. Yun pa! Malakas yun, mas malakas pa yun kaysa sayo."

Tumango lang ako sa kanya. Bigla namang bumukas yung pintuan ng emergency at lumabas yung doctor kaya dali-dali akong lumapit.

"Doc, kamusta na yung anak namin?" tanong kaagad ni tito Rick

"Mr. and Mrs. Lim, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa---"

"Malala po yung lagay niya. May na tamaan pong organ dahil sa pagkakasak-sak sa kanya sa tagiliran. Na daplisan rin po ng bala yung spinal cord niya. Na alis na po namin yung bala pero critical parin po yung condition niya."

Humagol-gol na ng iyak si tita. Hinawakan ko sa kwelyo yung doctor. Hindi, hindi pwede!

"Doc, sabihin niyo. Mabubuhay naman po yung girlfriend ko diba? DOC! SABIHIN NIYONG MABUBUHAY SIYA!!!"

hinawakan na ako nila Mark pero nag pupumiglas parin ako. Sabihin niyo, sabihin niyong mabubuhay si Amethis. Hindi siya pwedeng mawala!

"70/30 po. 30% ang chance niyang mabuhay, samantalang 70% yung chance na pwede siya mawala"

Hindi! Hindi ako papayag na mawala siya.

"Anong kailangan doc para mabuhay siya? Dugo ba? KUNIN NIYO NA LAHAT NG DUGO KO! YUNG DAMAGE ORGAN BA NIYA? TANGGALIN NIYO YUNG ORGAN KO AT IKABIT NIYO SA KANYA!! YUNG SPINAL CORD NIYA?! TANGGALIN NIYO YUNG SPINAL CORD KO AT ILIPAT NIYO SA KANYA!!!!"

Hindi ko na napigilang humagol-gol ng iyak. Kung kailangang ibigay ko ang buhay ko para mabuhay siya gagawin ko.

"Sir, ginagawa po namin ang lahat para maligtas siya. Ipapalipat ko nalang po siya sa ICU para pwede niyo siyang makita"

Bakit ba kailangang mangyari to? Bakit ba hindi nalang kami maging masaya? Ngayon lang ako nag mahal bakit naging ganito pa?

---

Isang linggo na kaming nandito sa ospital pero wala paring malay si Amethis. Ni hindi gumagalaw kahit yung mga daliri niya. Isang linggo narin akong hindi umuuwi, dito na ako sa ospital natutulog at naliligo. Dinadalhan lang ako nila tito ng pagkain dahil ayaw kung umalis sa tabi ni Amethis. Gusto kung ako yung una niyang makita pag gising niya. Hawak-hawak ko yung kamay niya habang tinititigan ko siya. Hindi ko kayang mawala siya. Isipin ko pa lang, parang gusto ko ng mauna.

"hijo, magpahinga ka muna. Ako na muna ang bahalang mag bantay sa kanya."

Nakita ko si tito na nag aalalang naka tingin sa akin.

"Okay lang po tito. Ayaw ko po siyang iwan." Hinalikan ko yung kamay ni Amethis.

"Wala ka pang tulog. Baka magkasakit ka niyan. Ayaw ni Amethis na nagkakaganyan ka."

Tumingin lang ako kay tito na para bang nakiki usap na payagan niya akong manatili sa tabi ni Amethis. Napa buntong hininga nalang si tito Ricky.

"Mahal na mahal mo talaga yung anak ko"

Tiningnan ko si Amethis bago sumagot.

"Sobra po. Kung pwede ngang ako nalang yung nasa condition niya gagawin ko. Aako in ko lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon."

"Salamat hijo. Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko"

"Ako po yung dapat magpasalamat sa kanya dahil tinuruan niya po akong mag mahal."

Napangiti naman si tito.

"Pareho kayong blessing sa isa't-isa. Sege na mag pahinga ka muna. Dyan ka nalang sa couch matulog"

Dahil inaantok na rin talaga ako, pumayag na ko. Pero kina usap ko muna siya.

"boo, tulog muna ako ah? Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa couch sa tabi mo matutulog. Ikaw gumising kana jan, tagal mo ng natutulog eh. I love you my infinity. Hihintayin kita." at hinalikan ko siya sa noo.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naka tulog, nagising ako dahil sa ingay.

"Kevin, kevin tawagin mo yung doctor dali!"

Napabalikwas ako at biglang huminto yung mundo ko. Straight line na yung naka lagay dun sa aparato sa gilid niya. Yun pala yung kanina pa maingay.

"KEVIB ANO BA!!"  napatakbo kaagad ako sa labas.

"DOC! DOC! PUNTAHAN NIYO YUNG GIRLFRIEND KO!  PAKI USAP, ILIGTAS NIYO SIYA!!!"

Dali-dali nag sitakbuhan yung doctor tsaka yung mga  nurse sa ICU.

Diyos ko po. Iligtas niyo po yung babaeng pinakamamahal ko. Pangako po magtitino na talaga ako. Gagawin ko po lahat ng gusto niyo. Buhayin niyo lang po si Amethis. Nakiku usap po ako sayo Panginoon ko...

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now