Danger

2.7K 77 0
                                    

Venice POV

Pagkatapos ng game dali dali kaming umalis sa school dahil nga pinatawag kami ng leader namin sa gang, hindi naman sinabi ng apat kung bakit basta pumunta nalang daw kami.

Kanya kanya kaming drive papunta sa hide out namin, isang bahay na pinag ambagan naming magkaka grupo para gawing hide out.

Sabay sabay kaming apat dumating sa hide out namin, sabay rin kaming pumasok sa loob. Pagkapasok namin, nandun na sa sala yung mga kasama namin.

"San si SoulCrusher?" tanong ko sa kanila

"Nasa loob pa." sagot naman ng isang kasama namin.

Naghintay naman kami ng ilang minuto sa sala bago lumabas si Leader sa kwarto niya. Kung titingnan mo ang hide out namin, para lang talaga siyang ordinaryong bahay na may matataas na bakod, may mga kwarto din sa loob, may kitchen,living room, game room at secret room, doon naka lagay lahat ng armas namin.

Pagkalabas ng leader namin, seryosong seryoso ang mukha nya.

"Guys, we will be having a gangfight"

panimula niya.

"sus! yun lang pala"

"Princess pain."

Matigas na saad ni Soulcrusher, hudyat yun na patapusin ko muna siyang magsalita. Kung na observe niyo, codename ang tawag namin sa isa't isa, bawal ang totoong pangalan. Hanga't maaari kasi, dapat walang maka alam sa totoong identity namin.

"go on." sagot ko nalang sa kanya.

"hindi ito ordinaryong gang fight, 8 gang ang kasali sa away na to, you will surely face DANGER sa laban nato" pagpapatuloy ng leader namin

bigla naman akong kinabahan, hindi dahil takot ako kung ano man ang kahihinatnan nito, kundi para sa mararamdaman ng mga magulang ko kung may masamang mangyari sakin.

"woah! ang dami yatang kasali ngayon?" tanong ni Daphnie

mostly kasi tatlo o apat na gang lang yung kasali pag may gangfight kami, pero ngayon ang dami.

"gusto kung mag insayo kayong mabuti, this fight is dangerous. Sumali kayo sa grupo kaya dapat handa kayo sa consequence nito. Hangat maaari gusto ko hindi kayo mabawasan."

*kring kring*

Napatingin naman sa akin lahat ng kasama ko dahil sa tunog ng cellphone. Dali dali ko namang tiningnan kung sino yung tumawag

Calling Kevin Pangit....

Anak ng! problema ng lalaking to!? Sinet ko nalang sa silent mood yung cp ko.

"sorry, go on."

"as i was saying, puro magagaling na gang yung kasali dito." pagpapatuloy ni leader

"sino sino ba ang mga kasali dito?" tanong ni Airie

"Ang Phoenix, Trese, black metal, bluewie, Zakura's, Last D, tayo...."

"Sino yung pang walo?" hindi ko mapigilang mag tanong.

"at.... ang Red Dragon"

Nagakatinginan kaming lahat sa sala. Red Dragon, ang pinakamagaling na gang sa Reheyon.. Delikado to, malaki ang tsansang maraming malagas samin.

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now