Don't ever go

2.7K 74 7
                                    

Kevin POV

Pauwi na ako ng bahay, kagagaling ko lang sa bar. Uminom ako kasama ng mga chicka babes. Habang nag mamaneho ako bigla nalang kumalabog ng mabilis yung puso ko, parang kinakabahan ako na hindi ko alam.

Pagkarating ko sa bahay, nag timpla kaagad ako ng kape, baka dahil sa alak kaya ako ninerbyos. Umakyat na ako ng kwarto dala-dala ang kape ko ng bigla kung nabitawan yung tasa ng kape. Aish! Lintek! Ano bang nangyayari sakin!

Niligpit ko yung nabasag na baso, at kung minamalas ka nga naman, na sugatan pa ako. Humiga nalang ako sa kama ko pero hindi rin ako makatulog. Magka pag dota na nga lang!

Pag bukas ko ng PC ko, may nag appear kaagad sa screen na play this vedio. At dahil dakilang curious ako, tiningnan ko yung vedio.

Halos atakihin ako sa puso ng lumabas yung mukha ni Amethis. Papatayin ko na sana yung computer nang mag salita siya.

"Boo! I miss you so much"

Lalo akong nainis sa narinig ko. Ang kapal naman ng mukha niya!

"Alam kung galit ka sakin ngayon"

Hindi lang galit, galit na galit!

"Pero alam mo, may dahilan ako kung ba't ko ginawa yun. Pakingan mo ako ha?"

Nakita ko siyang nag pupunas ng luha.

"Mahal kita, mahal na mahal kita. Kaya kita nagawang iwan dahil ayaw kung madamay ka. Naalala mo ba nung may itim na kotseng laging sumusunod sayo? Isa lang yun sa mga kalaban naming grupo. Sila rin yung nag paputok ng baril sa bahay niyo. Nakipaghiwalay ako sayo para hindi ka madamay, para hindi ka nila saktan. Mahal kita e, ayaw kung madamay ka"

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Nung may gustong bumanga sayo sa park, sila rin yun. Buti nalang natulak kita at hindi ka nasaktan. Alam ko na we-weirdohan kana dahil palagi mong nakikitang sinusundan kita, gusto ko kasing bantayan ka. Gusto ko masiguradong okay ka lang. Gusto kung makita ka kahit sa malayo lang"

Huminto siya sa pagsasalita at umiyak ng umiyak. Umiiyak din ako dahil ngayon alam ko na ang dahilan kung ba't niya ako iniwan, gusto niya lang akong protektahan. Ang bobo ko! Ba't di ko yun na isip. Siya rin pala yung nag tulak sakin nung muntik na akong mabanga.

"Boo, ngayong araw yung laban namin, huling laban ko na to. Seguro pag nakita mo na tong vedio, maaaring wala na ako. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita. Sana pwede pang maging tayo. Sana kaya kung mabuhay pagkatapos ng laban naming ito. Tandaan mo lagi ha? na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw ang forever ko. Handa kong gawin lahat para sayo. Mahal kita, ikaw lang kahit sa kabilang buhay. I love you to infinity"

Halos hindi na ako maka hinga dahil sa sobrang pag iyak, mahal niya ako. Siya yung nag ligtas sakin. Paano ko siya nasabihan ng mga walang kwentang bagay? Napaka walang kwenta ko talaga.

Napatayo ako bigla ng maalala ko yung sinabi niya na ngayon yung laban nila at maaaring wala na siya pag nakita ko na yung vedio. Hindi! Hindi niya ako pwedeng iwan.

Nagmadali akong sumakay ng kotse at tinawagan ko kaagad si Amethis pero hindi siya sumasagot, tinawagan ko narin yung pinsan at kaibigan niya pero hindi rin sila sumasagot. Sinundan ko nalang yung GPS nung cellphone nila, nanginginig yung kamay ko habang nag mamaneho. Sana hindi pa ako huli.

Mabilis lang akong nakarating dahil wala namang traffic. May nakita kaagad akong pulis at ambulansya, dali-dali akong tumakbo papunta dun at hinanap ko siya. Nakita ko si Airie na naka upo sa may gilid at ginagamot. Lumapit kaagad ako sa kanga.

"Airie, nasan si Amethis?"

Nagulat siya ng makita ako pero dali-dali siyang tumayo.

"Nasaan si Venice?"

sigaw niya sa iba. Ngunit walang sumagot. Tumakbo ako at hinahap si Amethis.

Ang daming tao, halos lahat puros duguan. May nakita akong nilabas nila na naka strecher kay tumakbo ako papunta dun. Nakita kung si Daphnie ang karga nila. Puno siya ng dugo pero nilapitan ko parin siya.

"Daphnie, nasan si Amethis?" humahangos kung tanong sakanya. Lalo akong kinabahang hindi siya sumagot ay umiyak lang siya. Tumakbo ako sa gitna.

"NASAN BA SI AMETHIS???!!" pero walang sumagot sakin. Lahat sila naka tingin lang.

"BOO!! NASAN KA BA???!!" wala na kong pake alam kung mag mukha man akong baliw kakasigaw, ang importante makita ko siya.

May lumabas na naman na mga nurse na may dalang strecher, lumapit ako at halos huminto sa pag tibok yung puso ko. Si Amethis, ang babaeng pinakamamahal ko naliligo sa sarili niyang dugo. Lumapit kaagad ako at hinawakan ko yung kamay niya.

"boo, boo lumaban ka. Hindi mo ako pwedeng iwan. Boo!!" Niyuyugyog ko na yung kamay niya pero wala parin siyang malay.

"boo, naman! Please gumising ka. Hindi mo ako pwedeng iwan. Ako ang inifinity mo diba? Hindi ka pwedeng mawala!!" Halos gumulong na ako sa lupa pero wala parin. Hinawakan ako ng isang nurse sa balikat.

"Sir, kailangan na po namin siyang dalhin sa ospital, kung hindi baka maubusan po siya ng dugo."

" Sasama ako."

Sumakay narin ako sa ambulansya. Sobrang sakit na makita siyang ganito. Puno ng dugo at maraming naka kabit na aparato. Sana nalaman ko to agad sana napigilan ko siya. Buong byahe papunta sa ospital hindi ko binitawan yung kamay niya. Hindi rin ako tumigil sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Pagdating namin sa ospital tinakbo kaagad siya sa operating room.

"Sir, hindi po kayo pwedeng sumama sa loob."

"ANONG HINDI PWEDE? GIRLFRIEND KO SIYA KAYA SASAMA AKO SA LOOB!!" galit kung sigaw sa nurse. May biglang humawak sa braso ko. Paglingon ko nakita ko si tito Rick.

"Doc, please do everything to save my daughter." Mahinahon niyang sabi pero umiiyak na siya.

Tumango lang yung doctor sabay pasok sa operating room. Napa luhod nalang ako. Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko. Pag angat ng ulo ko nakita ko yung mommy ni Amethis. Makapal na yung mukha pero yumakap din ako sa kanya at umiyak.

"Shhhh. Hush down now Kevin. Venice is a tough girl. She can do it. My daughter can do it." Umiiyak rin na sabi ni Tita. Lumapit din sakin ang kuya ni Amethis.

"Kevin, ano bang nagyari?" tanong niya na umiiyak rin. Lalo akong napahagolgol ng iyak.

"Ka-kasalanan ko. Kung sa-sana napigilan ko siya."

"What do you mean?" takang tanong ni Charles. Kinuwento ko sa kanila lahat-lahat.

"I didn't know she and Daphnie is a member of a gang. What kind of father i am?" Napayuko yung daddy ni Amethis sabay hagul-gol. Kinomfort naman siya ni tita. Lumapit sakin yung bunsong kapatid ni Amethis at tumabi sakin.

"Achi loves you so much" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"I know. I know. I love her so much too"

"She's willing to sacrifice her own life just for you and every one she love." Hindi ako sumagot dahil tama siya. Kayang isakripisyo ni Amethis yung buhay niya.

"She save me to, before. Hindi siya na takot na pwede siyang mamatay nung niligtas niya ako."

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam na niligtas narin pala siya ni Amethis.

Ngumiti lang sakin si Shone.

"Don't worry Ahia. Achi is strong. She is a super hero. Toughest than Darna, Superwoman, Iornman and even strongest than incredable hulk. She can get trough this. I know she can."

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tama siya, malakas si Amethis, amazona yun eh. Kaya niya to. Alam kong kaya niya, mabubuhay siya

Play Boy falls for Ms.GangsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin