Monthsary

2.4K 71 1
                                    

Kevin POV

Namiss niyo ba ang pinaka ka gwapong nilalalang sa buong earth? Well I'm here!!

Kanina pa ako nandito sa isa sa mga resort namin dahil nag pre- prepare ako ako para sa monthsary namin ni Amethis. Gusto ko siyang e surprise kaya pinaghahandaan ko yung date namin mamaya.

Tinulungan ako ni Mark na mag arrange ng venue, tables, flowers, fireworks at marami pang iba.

Mga bandang alas singko na rin ng hapon ng matapos kami dahil hindi rin biro yung pinagdaanan namin sa pag aayos nito. Nakakapagod pero worth it naman dahil si Amethis yung kasama ko mamaya.

Tinex ko na rin siya na susunduin ko siya mga bandang alas syete ng gabi. Umuwi muna ako para magpa gwapo pa lalo *smirk*

Papunta na ako sa bahay nila ng may tumawag sakin na unknown number. Hindi ko nalang pinansin dahil baka isa na naman ito sa mga ex or fangirls ko. Ang hirap talagang maging gwapo! Tsk.ii

Nakailang ring na siya pero hindi ko pa rin sinasagot. Grabe ang hirap talagang maging gwapo, babae na yung nag hahabol sayo. Pero sorry sila, loyal ako sa isang babaeng dragon. Papatayin ko sana yung phone ko ng biglang nag txt yung unknow number.

From: Unknown

Kung gusto mo pang makita yung girlfriend mong humihinga, pwes! Sagutin mo ang tawag ko!

Kinabahan ako bigla dahil baka isa to sa mga kalaban ni Amethis. Hindi! Hindi niya pwedeng saktan ang dragon na yun dahil magbubuga yun ng apoy! Tatawagan ko na sana yung nag txt ng mag ring bigla yung cellphone ko. Dali dali ko naman itong sinagot.

"Wag na wag mong sasaktan ang girlfriend ko dahil mapapatay talaga kitang hayop ka!" Galit kung sigaw sa kanya

"Ohhh relax Kevin baby! *aray*"

Hindi ko alam kung bakit siya umaray sa kabilang linya. Seguro binugbog na siya ni Amethis.

"Huwag mo akong susubukan! Wag mo yang sasaktan! Bumubuga yan ng apoy!"

Narinig kung may nagtatawanan sa kabilang linya. Sh*t baka pinapahirapan na nila yung mahal ko.

"Oh well! Your wish is my command. Pumunta ka dito sa GreenField park kung gusto mo pa siyang makita."

"Wag mo siyang sasaktan. Papunta na ako jan!!"

"See you baby... ouch! Namumuro kana ha!"

*toot toot toot*

sh*t lang talaga! Ano kayang ginawa nila kay Amethis. Sobrang bilis na ng pagmamaneho ko. Wala akong paki alam kahit over speeding na ako. Ang importante maligtas ko siya. Kahit papaano may alam akong pang self defense. Buti nalang talaga nag aral ako nang mix martial arts.

Pagkarating ko sa park, sobrang dilim, ni walang katao-tao.

"Nandito na ako! Ilabas niyo na si Amethis!" Sumigaw ako para marining nung mga kumuha sa kanya na nandito na ako.

"BINGI BA KAYO?!! ILABAS NYO NA SABI SIYA EH!! NANDITO NA AKO KAGAYA NG GUSTO NIYO!!!"

Medyo hiningal na ako dahil sa pag sigaw. May naramdam din akong matigas na bagay sa likod ko.

"Lakad!" Utos ng tao sa likod ko. Grabe! Puro sila babae ah!

"Wag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong pumutok tong baril sa ulo!"

"Nasan siya?!" Matigas kung tanong sa kanya.

"Magkikita rin kayo. Wag kang atat! Lakad!!"

Naglakad ako sa direksyon na tinuro nung babae sa likod ko. Maya-maya pa pinahinto niya ako at piniringan. Hindi ko magawang lumaban dahil baka saktan nila si Amethis.

Matagal-tagal din akong nakatayo dun pero wala pa rin akong naririnig. Nagpasya akong tanggalin yung piring ko dahil baka pinagloloko lang ako nga mga baliw na yun.

Pagtangal ko ng blind fold napapikit kaagad ako dahil nasilaw ako sa mga christmas lights. Te-teka? Christmas lights?? Unti-unti kung minulat ang mata ko dahil nag aadjust pa ako sa liwanag. Mag naaninag akong lamesa at babae na nakatayo sa unahan.

"Natakot ba kita? Sorry. Gusto lang kitang e surprise."

Naglakad siya palapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Alam mo bang sobrang takot ako dahil baka sinaktan ka nila? Wag mo na ulit gawin yun ha? Mamatay ako sa takot"

Tumawa naman siya ng mahina at kumalas sa yakap.

"Opo hindi na. So, surprise?"

"Sobra!" At niyakap ko ulit siya.

Lumapit kami sa isang lamesa na may naka serve na na pagkain at saka wine. Pinag hila ko siya ng upuan at umupo na rin ako.

"Ahhmm. Ako nag luto ng food. Sana magustuhan mo." Nahihiya niyang sabi sakin.

"Basta ba hindi ito nakakamatay ha?" pagbibiro ko sa kanya.

"Kung saksakin kita nitong tinidor mamatay ka talaga! Alam mo bang nag effort akong mag aral kung paano mag luto! Tapos kukutyain mo lang!"

Pikon talaga nito kahit kailan. Hahaha

"Wala akong sinabi na hindi masarap yung luto mo! Ikaw lang ang may sabi nun."

Inirapan niya lang ako at nag simula na kaming kumain. Infairnes naman, masarap yung luto niya.

"Pagkatapos natin dito, dun naman tayo sa surprise ko sayo."

"Ok!" Nakangiti niyang sagot.

Pagkatapos naming kumain umalis kaagad kami papunta sa resort. Pina upo ko siya saglit at may kina usap lang ako. Bumalik kaagad ako at niyakap ko siya mula sa likod.

"Boo, tumingin ka sa langit"

Tumingin naman siya sa langit at binalik kaagad yung   tingin niya sakin.

"Oh? Tapos na."

"Happy monthsary boo. Mahal kita sobra sobra."

"Happy monthsary din boo. Mahal din kita. Sobra sobra."

Unti unting naglapit ang mga labi namin hanggang sa maglapat ang mga ito. Kasunod naman nito ang mga fireworks.

"Wow! Ang ganda!" Amaze niyang sabi habang naka tingin sa mga fireworks.

"Mas maganda ka."

"Alam ko." Sagot niya sabay tawa.

"kapal talaga nito!"

"Mahal mo naman!" Proud niyang sabi.

"Oo. Mahal na mahal. Basta wag mo nang uulitin yung ganung klaseng surprise ha? Aatakihin ako sa puso eh!"

Tumawa lang siya at niyakap ako.

"Oo na po. At mahal na mahal din kita"

"Mas mahal kita."

At naglapat muli ang mga labi namin

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now