Goodbye for now

2.5K 66 1
                                    

Mag handa na po kayo ng panyo, tissue, towel at kung ano pang pwedeng pamahid ng luha. Mag handa narin kayo ng oxygen, inhaler at kung ano pang aparato dahil baka mahirapan kayo sa pag hinga dahil sa sobrang iyak. Hahahaha Sana po wag niyo akong ipa assasin dahil sa chapter na ito hahaha. Enjoy reading!!!

Venice POV

3months later

Kung mahal mo talaga siya, papalayain mo siya dahil yun yung nakaka buti para sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bar, kasama ko yung apat. Marami rami na rin akong naimon, naka ubos na kami ng 10 bucket ng beer. Papatayo na sana ako dahil medyo naiihi na ako ng pigilin ako ni Airie.

"San ka pupunta?"

"Mag c cr lang."

"Mamaya ka nalang mag cr"

"eh sa naiihi na ako eh!"

Bigla namang sumingit si Daphnie at hinawakan ako sa braso.

"Ah couz, ano kasi barado kasi yung cr. Sa bahay ka nalang."

" Sa sahig nalang ako iihi. I need to pee na talaga"

Umalis ako sa table namin. Problema kaya nung mga yun? Habang papalapit ako sa cr may nakita akong pamilyar na mukha. Lumapit pa ako and there i saw Kevin almost making out with a girl. Gusto kung magwala pero hindi ko kaya, hindi pwede dahil wala na akong karapatan.

Nagmamadali akong umalis dun while i'm holding back my tears. Sa pagmamadali ko nakabungo ako.

"So-sorry"

Niyakap ako bigla nung nakabungo ko, pagtingala ko nakita kung sobrang worried yung mukha nung apat.

"Ah girls, i need to go. Medyo tipsy na kasi. See you tomorrow."

Hindi ko na sila hinitay pang sumagot, i run fast at pumasok ako sa kotse ko. My tears started to fall one by one.

"Venice, ginusto mo to. Bakit ka umiiyak ngayon?"

Para na akong tanga na kinakausap yung sarili ko habang umiiyak.

"Kailangan mo tong gawin para protektahan mo siya. Tiisin mo"

Sana, sana mapatawad pa niya ako. Ngayon ko na pinagsisihan kung bakit ako sumali sa gang. Sana kami pa ngayon, sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Kung sana hindi lang siya idadamay.

*flashback*

Tumawag sakin si Kevin kanina at sabi niya sinusundan daw siya ng itim na kotse. Kaya pupuntahan ko siya sa bahay nila ngayon. Malay ko naman kung kidnappers yun.

Malapit na ako sa bahay nila ng may mapansin akong itim na kotse na nakaparada sa unahan ng bahay nila. May lumabas na lalaki doon at parang pamilyar sakin ang mukha. Inihinto ko yung kotse ko sa malayo at tiningnan kung sino yung lalaki.

Nanlaki yung mata ko at halos mahulog ako sa upuan ng makilala ko yung lalaki. Siya yung leader ng Red Dragon na gang.

Dali-dali kung tinawagan si Kevin.

"Boo, san ka?" kinakabahan kung tanong sa kanya.

"Nasa bahay boo, bakit? May problema ba?"

"Ah wala. Basta wag ka munang lalabas."

"Ha? bakit?"

"Basta. Wag muna. Tatawagan nalang kita."

"Boo, bakit? Ano bang nangyayari? Nasan ka ba?"

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now