Chapter 5

3.6K 96 0
                                    

Pagkapark ko ng kotse ko dumeritso kaagad ako papasok ng bahay. Habang na sa may hagdan ako nakita kung naka bukas yung study room ni daddy. Pesti! gising pa pala!

dahan dahan akung umakyat para hindi niya ako mapansin.

pagkapasok ko sa kwarto ko, halos malaglag yung puso ko sa gulat! Nakita ko lang naman si kuya na naka upo sa kama ko.

"ba't ngayon ka lang? anong oras na oh?!"

hindi ko siya sinagot, yumuko ako at dumiretso sa walk in closet ko at nagpalit ng damit .

"matutulog na ako"

"san ka muna nang galing?"

"sa lugar na wala kayo!"

"Venice!"

napaangat ako ng mukha ng bigla siyang sumigaw.

"teka!"

lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko, pati braso ko.

"ba't may pasa ka?! ang dami mo pang galos! wag mong sabihi--"

"oo! oo, napa away na naman ako! may bago ba?"

"Venice! ilang beses ko na bang sinabi sayo na iwasan mung makipag away! halos kada araw na lang may nakakalaban ka! pano kung mapahamak ka?!"

galit na sigaw ni kuya.

"bakit kuya? kung mag bago ba ako, mag babago ba ang turing ni daddy sakin? hindi naman diba? What's the point!? "

sigaw ko rin sa kanya. Natigilan si kuya. Nakita kung napayuko siya.

"matutulog na ako."

walang nagawa si kuya kung hindi ay lumakad papuntang pinto, pero bago siya lumabas niyakap niya muna ako at nag salita.

"mahal na mahal ka namin ni mommy at shone, Venice. tandaan mo yan. I love you little sis!" atsaka hinalikan sa noo.

oo, mahal niyo ako, pero sa daddy, hindi.

Humiga na ako sa kama at natulog.

Nagising ako dahil sa mga malalambot na kamay na humahaplos sa mukha ko, minulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ni mommy.

napabangon ako, wrong move! ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over!

ngumiti sakin si mommy saka inayos ang buhok ko.

"anak, ano na namang nangyari sa mukha mo? may pasa ka, ang dami mo pang galos?" malambing na saad ni mommy.

"wala po." tipid kung sagot.

"gamutin natin yan Venice? kukuha lang ako ng first aid kit."

"no need mom. maliligo na po ako,  may pasok pa po ako."

"o sha, sumunod ka nalang sa baba pagkatapos mong maligo"

lumabas na si mommy ng kwarto, naligo na ako, nag bihis at nag sipilyo. Nagpaganda muna ako, dinamihan ko yung concealer sa may bandang kaliwa kung pisngi, hudas yung babaeng yun, nagka pasa tuloy ang beautipulll pizz ko!

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now