The Last

2.8K 67 9
                                    

Kevin POV

"Makakaya mo yan. Kayanin mo. Nasa heaven na siya ngayon. Masaya na siya dun. Dapat maging masaya ka na rin para sa kanya."

"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi siya mayakap, o kahit makita man lang."

"Sa tingin mo ba gusto ka niyang makitang nag kakaganyan? Malulukot siya sa langit pag nakita ka niyang umiiyak."

"Paano ako magiging masaya kung wala siya?"

"Humanap ka ng iba!"

"Hindi ganun kadali yun! Mahal ko siya eh!"

Lumapit ako sa kanilang dalawa, kanina pa tong mga to eh! Inakbayan ko silang dalawa.

"Shobe, sumama ka sakin. May ibibigay ako sayo"

"Ayaw ko. Dito lang ako. Hindi ko siya iiwan."

"Aila, tama ang Ahia mo. Sege na. Hindi naman siya mawawala sayo eh. Kahit nasa heaven na siya, alam kung mananatili parin siya sa puso mo. Kaya pwede mo parin siyang kausapin. Makikinig parin siya sayo."

"Talaga achie Venice?"

"Oo."

"Sege. Mag papaalam lang ako sa kanya.-- Luieskie, aalis na ako ha? Pero dadalawin parin kita. Promise!"

Umalis na kami dun. Ewan ko sa kapatid ko. Ang O.A mag react. Namatay kasi yung aso na neregalo sa kanya ni Daddy. Kanina pa siya pina pakalma ni Amethis.

Pagkarating namin sa bahay, hindi sa condo ko, kundi sa bahay talaga namin. Pina akyat ko kaagad siya sa kwarto niya dahil nandoon yung regalo ko sa kanya. Binilhan ko siya ng bagong aso.

Nandito ako ngayon sa sala, si Venice naman nandoon sa kusina, tinutulungan niya si mommy na maghanda ng tanghalian. Nakakatuwa lang dahil sobrang close na sila ng pamilya ko. Magkasundo rin sila ng kapatid ko.

"boo, kakain na!" narinig kung sigaw ni Amethis mula sa kusina.

Pumunta narin ako para kumain.

"Oh anak, nasaan na si Aila?" tanong ni mommy.

"hindi pa po bumababa mom."

"AHIIIAAAAA!!!!!" rinig namin na sigaw ni Aila. Nag uunahan kaming tatlo ni mom at ni Amethis tumakbo papunta sa sala.

"What happened???"

Nag aalalang tanong ni Amethis.

"Kaninong aso to?" Nakangiting tanong ng kapatid ko.

" Sira ka talaga shobe! Akala ko kung anong nangyari sayo! tsk! sayo yan, regalo ko yan sayo!"

"Talaga? *-* Salamat ahia!!!"

Natawa nalang kaming tatlo dahil sa inasal niya. Akalain niyo, 18 years old ganyan pa mag react? tsk

"Oh siya, ilapag mo muna yang aso para makakain na tayo."

Nilapag niya yung aso at pumunta na kaming tatlo sa kusina.

"nga pala tita, where's tito?"

tanong ni Amethis habang kumakain kami.

"Nako hija, late na yun makaka uwi dahil marami pang trabaho sa office"

Tumango- tango naman si Amethis.

Nagpaalam na kami kila mommy pagkatapos naming kumain, hinatid ko na si Amethis sa bahay nila at sinimula ko na naman ang dapat kung gawin.

---

Venice POV

Pagkahatid sakin ni Kevin sa bahay, dumiretso kaagad ako sa  kama ko para mahiga. Napagod ako sa pag patahan kay Aila no!

Bigla namang nag ring yung phone ko. Kinuha ko ito sa bed side table ko at tiningnan kung sino yung tumatawag.

Calling Daphnie...

"Hello couz!" bati ko sa kanya

" Couz! Where are you?"

"Sa bahay, bakit?"

"Mall tayo!!!"

"I'm tired."

"Sege ganyan ka! Pag si Kevin nagyaya sayo go agad! Pag kami pagod! Sege lng, ganyan kana ngayon!"

At nagtampo pa talaga!

"Fine! I'll go with you!"

"Yay! Ok baba kana jan! Nandito na kami!"

Wow! So it means, wala talaga akong choice kundi ang sumama sa kanila.

Pagkababa ko, nakita ko kaagad yung apat.

"Wow! Sana man lang sinabi niyo sakin na papunta na kayo dito no?"

Bungad ko sa kanila.

"Pss. Dami mong alam! Tara na!"

Sabi ni Sabrina sabay hila sa akin.

"Atat??"

Pero inirapan lang ako ng loka!

"Mommy, mall lang po kami."

paalam ko kay mom.

"Sure! Take care honey!"

"I will mom!"

Habang papunta kami sa mall, i texted Kevin.

To: Boo

Boo, mall kami ngayon. Kasama ko ang apat.

Nag reply naman siya kaagad.

From: Boo

Sure! Basta wag masyadong magpa gabi, ok? Take care! I love you :*

Kinilig naman ako sa reply niya. Kayo kaya e txt niya ng i love you? On the second thought, wag nalang pala, baka mang hiram pa kayo ng mukha sa aso!

I immediately reply on his message.

To: Boo

Yes Boss. You too, take care ok? I love you too :*

Pagkarating namin sa mall, tamang shopping lang yung ginawa naming apat, nag laro kami sa time zone at kumain, Naglibot ng konti.

Mga alas singko ng hapon at nandito kami ngayon sa starbucks, nagkakape. Wala lang, trip naming mag kape eh! Nag kwe-kwentuhan lang kami ng mga random stuff ng may biglang tumawag kay Daphnie. Nag excuse siya sandali kaya nag patuloy lang kaming apat sa pag kwe-kwentuhan. Ilang sandali pa bumalik si Daphnie sa table ng may bothered na mukha.

"Couz, ok ka lang?"

I ask her

"Venice, lets go home!"

She said in an almost panicking expression.

"Why? What's the matter?"

Na confuse naman ako.

"Something happened! Tara!"

At hinila na niya ako papuntang parking lot. Sumunod naman samin yung tatlo.

I suddenly stop walking kaya napahinto rin si Daphnie.

"Could you tell me what happen?"

Naguguluhan kung tanong sa kanya.

"You will know later."

At hinila niya na ulit ako.

Could somebody tell me what happen? Nag sisimula na akong kabahan eh!

A/N

Haaayyy! Malapit na po itong matapos :( Last Chapter na po ito. Epilouge na po yung susunod. Salamat sa lahat ng bumabasa, vote, and comment :)

-AinCed

Play Boy falls for Ms.GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang