The Father's side

2.9K 85 3
                                    

Ricky's POV (daddy nila Venice)

Nakakapagod na sa office! Ang daming trabaho dahil mag bra-branch out na naman kami, sumasakit na yung ulo ko kaya ang asawa ko muna ang pina attend ko ng meeting at umuwi na ako.

Habang nasa sasakyan ako, tiningnan ko yung picture sa wallet ko, family picture namin. Nakakamiss din yung ganito, yung mga bata pa sila at kami lang mag pamilya ang importante sa kanila... Hayyy! Ang mga anak ko.

Pagkarating ko sa bahay, gusto ko munang hintayin yung asawa ko bago ako matulog, hindi kasi ako mapakali kung hindi kami kompleto sa bahay. Pupunta sana ako sa garden para magpahangin ng makita ko si Venice na naka sandal sa balikat ni Charles, napangiti ako sa nakita ko, ito na ba yung sign na babalik na sa dati ang pamilya ko? Sana ...

Habang tinitingnan ko sila, may biglang kumalabit sa likod ko.

Ano ka ba naman babe! Ba't ka ba ng gugulat? Aatakihin ako sa puso dahil sayo eh! - ako

Sorry naman babe! Ano ba kasing ginagawa mo jan? Nangboboso ka ba? - Candy (mom nila venice)

Hoy! Nangboboso ka jan! Tinitingnan ko yung mga bata noh! - ako

Tiningnan nman ni Candy yung mga bata, para na kaming timang dito na ngingiti ngiti, bigla namang dumating ang bunso namin sa eksena at niyakap ang ate niya sa likod, ang sarap makita silang nakangiti, napapangiti rin kami ng asawa ko.

Maya maya pa, nagsitakbuhan na silang tatalo, parang hinahabol nila yung bunso ko, ng mahuli nilang dalawa si Shone tumakbo sila sa pool, sumunod naman kami ng asawa ko.

Tinapon nila si Shone sa pool, tutulungan na sana ni Venice si Shone ng itulak naman siya ni Charles, tatakbo na sana siya kaya lang nadulas siya at nahulog din sa pool, maya-maya pa, naglalaro na silang tatalo sa pool.

Ang sarap nilang panoorin no? - Candy

Oo nga - ako

Sana unti unti ng maayos ang pamilya natin. - Candy

Sana nga. - ako

Nang maka tulog na silang lahat, pinuntahan ko sila sa kanyang kanyang kwarto ang mga anak ko, una akong pumunta sa kwarto ng binata ko at hinalikan siya sa noo, parang kaylan lang, ng kinakarga ko pa to, ngayon, ang dami ng girlfriend! Sumunod na pinuntahan ko e yung bunso ko, gaya ng ginawa ko sa kuya niya, hinalikan ko din siya sa noo, haayy! Ang bunso ko, dalaga na! Ang huling pinuntahan ko ay ang kwarto ni Venice, mahimbing na siyang natutulog, umupo ako sa gilid ng kama niya at hinaplos yung buhok niya.

Alam mo anak, na mi-miss ko na yung ngiti sa labi mo. Sana maging masaya ka na ulit.

Tinititigan ko yung mukha ng anak ko, para siyang anghel, napaka amo ng mukha niya.

Miss na miss kana ng daddy Venice! Sorry ha? Sorry kung ganun yung pakikitungo ko sayo, kung alam mo lang kung gano kasakit para sakin ang sabihan ka ng mga ganung bagay,pero kailangan kung tiisin eh! Para bumalik yung dating ikaw, yung masayahin, mapagmahal at malambing kung anak.

Nakaka bading mang tingnan pero sa totoo lang naiiyak na ako, ang sakit kasi sa isang magulang ang pakiramdam na nasasaktan mo yung anak mo.

Naalala mo pa ba noon? Nung umuupo ka sa lap ko at hinahalikan mo ako sa checks pag naglalambing ka? Tapos bibilhin ko kaagad yung hinihingi mo dahil hindi kita matiis?

Para na akong tanga dito na umiiyak habang tumatawa dahil sa pag re reminise ko.

Ba't ka biglang nag bago anak? Alam mo ba kung gano ka sakit sakin yung pagbabago na yun? Sana kung may problema ka, sinabi mo samin, hindi yung magbabago ka nalang bigla... ang sakit eh. Miss na miss ka na ng daddy. Sorry sa mga nasabi kong masasakit sayo, hindi lang ako sanay na ganyan ka, sana anak wag mo akong kamuhian ah? Sorry talaga. Mahal na mahal kita anak, kayo ng mga kapatid mo. Kayo ng mommy nyo, hindi ko kaya kung wala kayo, kayo ang buhay ko.

Hinalikan ko siya sa noo

GoodNight anak. Sleep tight my princess.

And with that, lamabas na ako sa kwarto niya.

Play Boy falls for Ms.GangsterWhere stories live. Discover now