Ghost 3

879 56 2
                                    

DAVID'S POV

Napapahilamos na lang ako sa mukha dahil sa mga sinabi ni Jeno at Angelo.

masyadong maraming impormasyon

napailing iling ako at nagfocus sa paglalakad

hindi ko dapat problemahin yung mga ganoong bagay baka pati ako madamay.


kasulukuyan akong naglalakad pabalik sa Classroom namin ngayon, may meeting ang mga guro at staff sa school na 'to kaya nagsiuwian na ang ibang mag-aaral, inaamin kong natatakot ako pero kailangan kung kunin yung notebook ko nandoon din kasi ang pera ko

nakaipit.

Habang papalapit ako nang papalapit sa room ay lumalakas ang kabog ng dibdib ko at lumalamig na din

Kinakabahan ako.

Nanginginig na din ang tuhod ko

nakarating na ako at hinawakan ko muna ang doorknob, pero agad ko din iyong binitawan dahil sa lamig.

"di ako nangangain"

halos takasan ako ng kaluluwa ng marinig ang malamig na boses na yun.

Dahan dahan akong napatingin sa bintana at nanlaki ang mata ng makitang sumisilip siya doon

Si Sam..

huminga ako ng malalim at lumunok muna ako bago binuksan ng tuluyan ang pinto

"do you wanna play?"

biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita si Sam na nakaupo sa teacher's desk at nakatuon ang atensyon nito sa notebook ko at parang may binabasa, bigla niya itong isinarado at humarap saaken.

sa isang iglap lang ay bigla itong napunta sa harapan ko

"Do you wanna play?"bigla akong nahilo ng maramdaman ko ang malamig na kamay nito sa pisnge ko.

"a snowman- ay!"
sa sobrang kaba ay naramdaman ko na lang na natumba ako-

"DAVID!!"narinig ko pa ang sigaw ng mga kaibigan ko.

tiningnan ko ng nanghihina si Sam at nakangiwi ito

"eh bakla" gusto kong magalit dahil sa sinabi niya pero nilamon na ako ng kadiliman.


NAGISING ako dahil sa ingay

at base sa mga boses na 'to halatang si Jeno at Angelo na naman..

nag-aaway.

kahit kailan talaga

"wala siyang nakita"

"malay mo diba, nanlalamig e at mukhang nahimatay sa takot"

"nagutom lang siguro kaya nahimatay"

"eh-"

"wag ka na kumontra walang third eye yang si David!" Sigaw ni Jeno na siyang nagpatahimik sa kay Angelo

"kumag gumising ka na alam kong gising ka na" minulat ko ang mata ko ng biglang may sumampal saakin

sinamaan ko ng tingin si Angelo na ngumiti lang saakin at nagpeace sign.

"gago ka alam mo bang kinakabahan kami nung nakita ka naming natumba? gago ka talaga buti nga dumating kami" panenermon ni Angelo

"ah bakit ka nga pala nahimatay?" Tanong ni Jeno

"hindi ko din alam, baka siguro dahil sa init" pagsisinungaling ko

"kulang kasi ako sa tulog, kulang din sa kain tapos mainit pa kaya siguro nanghina ako at nahimatay" pagpapatuloy ko na siyang ikinatango-tango ni Jeno

"Akala ni Angelo nakita mo si Sam kaya ka nahimatay.. sa takot" nagpigil ito ng tawa at tiningnan si Angelo

"sorry ha nanlalamig kasi siya e kaya akala ko nahimatay sa takot" sarkastikong saad ni Angelo

"che bahala kayo diyan" saad nito at umalis na

Nagtinginan kami ni Jeno at sabay na natawa
"Bakla ba yun?"

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now