CHAPTER 22

180 17 1
                                    

DAVID'S POV

HUMINGA ako ng malalim at agad na bumuntong hininga

"anong nangyayari sayo bud?" Hinagod ni Angelo ang likod ko

pero di ko siya pinansin

may kinuha akong notebook sa loob ng box at kinuha ko na din yung camera at agad na  ibinalik sa ilalim ng kama ang box

Tumingin ako kay Jeno na ngayon ay seryosong nakatayo "bakit?" Takang tanong niya

"may alam ka bang lugar kung saan palaging nakatambay si Sam? I mean close naman siguro kayo kasi assistant ng dad niya ang papa mo" tanong ko at tumayo habang bitbit pa din ang camera, notebook, at ang photo album

"music room? Doon ko siya laging nakikita" tumango lang ako at nauna ng lumabas ng kwarto ni Sam

may ugnayan ang pagkamatay ni Sam at ang pagkacomatose ni Dayanna.





"SA school ako bababa" mahinang saad ko kay Angelo na agad din namang tumango

"ingat ka" huling narinig ko bago ako lumabas ng sasakyan

Mabilis akong pumasok sa eskwelahan at hindi tinoan ng pansin ang mga estudyante sa paligid.

umakyat ako sa second floor at dumiretso sa music room

nang makarating ay bumuntong hininga muna ako bago dahan dahang binuksan iyon

Isang malamig na hangin ang sumalubong saakin na siyang ikinabuga ko ng hangin

pumasok ako sa loob at dahang dahang isinara ang pintuan at sinigurado kong lock iyon.

pumunta ako sa pwesto kung saan ko nakita si Sam noong nakaraan

sa bintana.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nangunot ang noo ng makita ang gubat.

inilapag ko ang mga dala ko at kinuha ang mga litrato na nakuha ni Sam at sinuri iyon isa't- isa

napatingin ulit ako sa labas at agad na tiningnan ang litrato.

sa gubat. Sa gubat nangyari lahat

bumuntong hininga ako at agad na umupo sa sahig at sumandal sa dingding

Binuksan ko ang notebook ni Sam at napagtanto na diary niya pala 'yun.

Binasa ko ang nasa una at lahat ng iyon ay tungkol sa nangyari sa buhay niya sa isang araw lang.

I flip the pages at nakaabot ako sa page 46

Her death was the most painful of all death.
Namatay ng walang kalaban laban.
why do you have to do all this?
It wasn't my moms fault kuya.
She never did anything wrong
I loved you, and trusted you.
I never knew that an Angel like you could turn into the most worst devil.


Kuya?

sinong kuya?

Kanina pa ako litong lito.

sino ang kuyang tinutukoy niya?kadugo niya ba ito oh kuya lang talaga ang tawag niya?

gulong gulo na ako sam.

napatingin ako sa kesame at napaisip kung nasaan na kaya siya.

si sam.

tumingin ulit ako sa notebook at patuloy nafinlip ang bawat pahina hanggang makaabot ako sa page 52

He's everywhere
lurking around
and you will never know that
he's the enemy.




mas lalo akong nagtaka sa nabasa ko.

everywhere?
who?

Napasabunot ako sa sarili ko at isinirado ang notebook.

Bubuksan ko na sana ang camera ng makarinig ako ng katok mula sa labas

napatingin ako sa relo ko at agad na nangunot ang noo nang makitang 2:34 pm na.

lahat ng estudyante ay nasa klase na kaya sino tong kumakatok?

niligpit ko lahat ng gamit at nilagay ko iyon sa ibaba ng drums para hindi makita.

samantalang ang camera ay sinuksok ko lang sa gilid at siniguradong hindi iyon makikita.

Napatingin ulit ako sa pintuan ng bigla itong kumalabog

ang katok ay pinalitan ng paghampas sa pintuan.

"baka sinarado ng mga staff" rinig kong saad sa labas

"pero may kailangan tayong kunin dito, baka andito yun"

"hindi pa tayo nakakasigurado, tsaka may bukas pa naman siguraduhin lang nating di pa sarado" at pagkatapos nun ay narinig ko na silang naglakad paalis.

anong kailangan nila?

anong hinahanap?

agaran akong lumapit sa bintana malapit sa pintuan at sinilip kung sino yun

nangunot ang noo ko nang makita ang dalawang lalake na naka uniporme at naglalakad palayo at may dalang baseball bat ang isa

"kasali kaya sila sa gangs? Pero paano yun eh mga estudyante sila."

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng music room





That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now