Ghost 4

1K 66 3
                                    

SAMANTHA'S POV

"EH bakla" nakangiwing saad ko

Naglakad ako pabalik sa teacher's desk at doon umupo

tiningnan ko naman ang dalawang kaibigan ni David na ngayon ay pilit na ginigising siya

"pfft hahahahahaha" umalingawngaw ang tawa ko sa loob ng silid aralan ngunit ako lamang ang nakarinig noon.

namumutla si David na siya namang ikinakaba ng dalawa niyang kaibigan

nakakatawa.

kinuha ko ang notebook ni David na nahulog sa sahig, at yun nalang ang gulat ko ng makarinig ng kalabog- tumingin ako sa pwesto nina David at nanlaki ang mata ng makitang naka higa na sa sahig ang isa sa kanila

alam kong wala dapat akong maramdaman pero ngayon, natatawa ako.

eh sino ba namang hindi natatawa eh, tumba na yung Isa hahaha nahimatay ata na I guess Angelo yung pangalan at yung isang Jeno naman ay nanginginig na nakatangin sa- ???

wait-

tiningnan ko ang notebook na hawak ko at agad ko din iyong nabitawan na nagsanhi ng ingay, nakarinig ulit ako ng tunog at nakita ko si Jeno na natumba na rin.

Aish! Di pala nila ako nakikita kaya, kinabahan siguro sila dahil lumutang yung notebook

juskoo nakakahighblood! Ay wala na pala akong dugo hehe.




UMAGA na naman!

Huminga ako ng malalalim at sumandal sa dingding dito sa loob ng classroom, malapit sa bintana.

Pagkatapos nung nagyari kahapon ay hindi ko na nakita ule sina David, siguro na'sa hospital pa din sila hahaha baka di pa nagising

kawawa.

natawa ako sa sariling iniisip at agad na napailing iling

buti na lang pala may umikot na guard sa buong school kahapon kasi kung wala, siguro hanggang ngayon andito pa din yung tatlo.






ALAS dose na ng tanghali at ito ako nabobored na naman.

hay buhay, ganito na lang ba talaga lagi?

jusko po hulugan niyo naman sana ako ng anghel na tutulungan akong makalabas dito!

Sumimangot ako at napakamot sa ulo dahil sa pagkabagot

Umalis ako sa pagkakasandal sa dingding at  tiningnan kung anong nangyayari sa labas.

lumapit ako sa left window kung saan makikita mo ang garden

Tinatangay ng hangin ang buhok ko habang ako ay dinadama lamang ito

namimiss ko na si papa..

Nakarinig ko ng tunog at sigurado akong dahil yun pagbukas ng pintuan, humarap ako agad sa pintuan ng classroom at nagulat ng makita si David

ay wow magaling na pala to, bilis makarecover ah

tuloy tuloy lang itong pumasok sa classroom habang may hawak na libro, ni isang sulyap saakin ay hindi nito nagawa

inobserbahan ko lamang siya habang siya ay naglalakad papunta sa upuan niya, agad ko itong nilapitan at hinawakan sa balikat na siyang ikina tigil niya

Napangiti ako ng malihim at agad na pumunta sa harapan niya "hi!" Masiglang bati ko at kumakaway pa sa mismong harap niya

"Snober mo talaga g-ago por que nahimatay lang ganiyan na agad, malakas ba pagkabagok n g ulo mo ha?" natatawang saad ko pero hindi pa din ako nito pinansin.

diretso siyang naglakad at tumagos lang siya sa'kin

Inis akong humarap dito at hinampas ang mesa na nasa harapan niya
"p-tanginamo g-go ano ha problema mo ha? Nagbabait-baitan na nga eh tas ginaganyan mo pa ako ha? Ano bang gusto mo?!" Inis na saad ko

"lutong ah, akala ko pa naman mabait ka tapos 'shy girl' " agarang sabat nito at nagpuppy eyes nung binanggit ang salitang 'shy girl'

"Iw kadiri amp-ta" nandidiri akong lumayo dito

pero wait- hala pinansin ako haha yiee

Agad naman itong tumingin sa'kin at nagcrossed arm pa talaga

ay wow

" ang layo ng ugali mo sa mga sinasabi nila, epekto ba yan ng pags-suicide?" Nakangising saad nito na siyang ikinangunot ng noo ko

"Suicide? Ano ako tanga para magpakamtay?" Nilapitan ko ito at pinitik sa noo "alam ko namang marami akong problemang pinagdadaanan nung buhay pa pero ni minsan 'di ko inisip na magpakamatay noh tsk" 

umayos siya ng upo at ginulo ang buhok niya- sis ampogi! Ay hala jok.

"Sabi sabi dito nagpakamatay ka daw? Ano ba talaga ang totoo ha? Miss Samantha?"napatingin ako dito tsaka agad ko siyang nginitian pero peke

"hindi ko din alam" inikotan ko ito ng mata

Nangunot ang noo ko ng bigla itong napatulala na parang may malalim na iniisip

"Hoy!" pagtatapik ko sa pisnge niya, agad naman itong umiling at naging seryoso ulit ang mukha

"hindi mo alam ang dahilan ng pagkamatay mo?" tanong nito "Hindi" agad na sagot ko at tumingin sa labas ng classroom

"pero lagi kong naririnig na ang dahilan daw kuno is nagpakamatay pero alam ko sa sarili ko na hindi yun ang dahilan" bumuntong hininga ako at ibinalik sa kaniya ang tingin

"ano bang nalalaman mo?" Tanong ko

umiling ito "wala" pagkatapos niyang sabihin yun ay agad siyang tumayo at naglakad palabas pero bago pa man siya makalapit sa pintuan ay tinawag ko na siya.
"David, pwede huminga ng pabor?" Walang hiya-hiyang saad ko

"sige"simpleng saad niya pero hindi pa rin humaharap saakin.

"Kailangan ko ng tulong mo, kung pwede sana'y tulungan mo'ko" mahinang saad ko na siyang ikinaharap niya saaakin

"ayokong madamay sa kung ano man ang nangyayari sa buhay mo pero.. " tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa "..nakakaawa ka kasi kaya sige tutulungan kita" napangiwi ako at hindi alam kung matutuwa ba dahil pumayag siya o magagalit dahil mukhang iniinsulto ako.

"ano bang dapat kung gawin para tulungan ka?" Tanong nito, agad akong naglakad papalapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na siya namang nagpatigil sa kanya "ginagawa mo?!" Saad nito at agaf na binitawan ang kamay ko

Inikutan ko ito ng mata at agad na kinyha ulit ang kamay niya "Dalhin mo'ko sa labas ng classroom na ito, sa tingin ko merong kung anong nagpipigil sa'king makalabas dito pag ako lang mag-isa kaya samahan mo'kong lumabas dito, para makalaya na ako" seryosong saad ko na ikanatango niya

Himala 'di tumagos kamay ko, siguro dahil na din sa nakakaramdam siya at nakakakita ng multo.

"Tara na" nabalik dako sa reyalidad dahil sa sinabi nito

agad kaming naglakad papuntang pintuan at napangiti ako ng hindi ako naiwan sa loob, noon kasi ay nababangga ako kahit na wala namang harang, pero ngayon nakalabas ako ng maayos

nawala sa isip ko ang pagkakawala ng emosyon ko dahil sa anlaki ng saya ang nararamadaman ko ngayon.

unti-unti akong nakakaramdam ng saya at agarang humarap kay David na ngayon ay seryoso pa din ang mukha

"thank you"I mouthed, tumango lamang siya at binitawan na ang kamay ko

"Pasyal?" Napatingin ako dito at napaisip

Gusto ko na din namang makalabas dito kaya why not diba, tapos pagkatapos nito bukas na bukas uumpisahan ko na ang paghahanap ng clue kung paano ako namatay o kung ano o sino ang dahilan.

tinanguan ko lang ito at nagsimula na itong malakad kaya sinundan ko na lang.

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now