CHAPTER 25

162 13 0
                                    

DAVID'S POV

JACKSON Ethan Blake, ano ang koneksyon mo kay Sam?

"..Class dismiss" agaran akong tumayo mula sa pagkakaupo sa seat ko at mabilis na lumabas sa classroom at habang naglalakad pauwi ay may nahagip ang mata ko na nakatayo sa gilid lang ng hallway

Napatigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang presensya ng taong yun.

nakatitig siya sa'kin.

Binalewala ko lang iyon at nagpatuloy muli sa paglalakad

Naramdaman ko naman na sinusundan ako nito kaya naisipan kung dumaan sa matataong lugar, hanggang sa nakaabot na ako sa Cafeteria.

hinihingal akong napasandal sa bato sa labas ng Cafeteria at inilibot ang paningin sa paligid

wala na siya..

tumayo ako at nagsimula nang maglagad papunta sa gate

Napatigil naman ako sa paglalakad nang biglang may boses na nagsalita sa isip ko
"Shit" napapikit ako at pinitik ang sarili kong noo

'David'

'David?'

'David..'

'Gising'

Agaran kong iminulat ang mga mata ko at naghahabol ng hininga

ano yun?

Napahawak ako sa ulo ko at bumangon mula sa pagkakahiga, inilibot ko ang paningin ko sa paligid at nangunot ang noo nang marealize na nasa kwarto ko na ako.

papaano? Nasa eskwelahan lang ako kanina ah

umiling iling ako at pinikit nang paulit ulit ang aking mata

nalilito ako

Sino yung humahabol sa'kin?

Kaninong boses yun?

bakit niya ako tinatawag?

Sinong gigising?

"fuck" napahawak ako sa sentido ko nang biglang sumakit ang ulo ko

"David?" Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng makarinig ng baritonong boses

"Dad?" Tumayo ako ng dahan dahan binuksan iyon pero bigla ding napatigil nang nakita ang mukha niya

"David" iisang tao pero dalawa ang boses, ang mukha niya ay natutunaw at kitang kita na ang ugat sa leeg niya

isinarado ko agad ang pintuan pero itinulak niya ito agad

Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa pintuan

agad ako nitong sinakal na siyang ikinakaba ko

Anong nangyayari?

"David" paulit ulit na binabanggit nito

"David!" Napamulat ako bigla habang naghahabol ng hininga

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Jeno

"Anong nangyare?" Tanong ko at umupo

"Bigla ka na lang natumba diyan, kanina pa kita ginigising" bumuntong hininga ito "anong nangyayari sa'yo?okay ka lang?" Tanong nito

Napahawak ako sa leeg ko

Panaghinip

Masamang panaghinip..

"Okay lang ako" sagot ko, tumayo na ako agar at ganoon din siya

"Si Angelo?" Tanong ko at nagsimula nang maglakad

"Hindi ko alam, kanina pa nga siya nawawala, baka pinuntahan si Dayanna" sagot niya

"Una na ako ay-" napatigil ito sa paglalakad at biglang ngumiti sa'kin

"Gising na siya"

A/N: sa tingin niyo anong koneksyon ng panaghinip ni David sa nangyayari?

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now