Ghost 13

430 38 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"DOON naman tayo!" sigaw ng dalagang nagngangalang Samantha

"wait- don na lang pala!" sigaw ulit ng dalaga at habang nakaturo sa ferris wheel

"stop ayoko- " biglang pagduwal ng binatang nagngangalang David.

"hala! ano bang nangyari sayo?"may pag-aalala sa boses ni Samantha habang dali-daling hinagod ang likod ni David na nagduduwal sa likod ng puno na nasa pinakamadilim na lugar








SAMANTHA'S POV

pagkatapos magduwal ay nginiwian ako ni David habang nagpupunas siya ng panyo sa gilid ng labi niya

"Nasusuka ako don kanina"mahinang usal niya




"Alin don ba?" bigla siyang napatigil at sinamaan ako ng tingin


"sa lahat ng sinakyan natin, ikaw ba naman sakyan halos lahat ng mga matataas na rides dito"masungit na saad niya at bigla na lang akong nilampasan



nakanganga akong nakatingin sa punong sinukaan niya kanina at agad din namang napangisi at nag-umpisang habulin siya


"May isa pa akong gustong sakyan!"sigaw ko habang tumatakbo

nakita ko namang natigilan sa paglalakad si David

pero sandali lang yun, naglakad ulit siya and this time mas binilisan niya pa

patuloy lang ako sa pag-takbo, hanggang sa tumakbo na din si David.



"Got'cha!" sigaw ko at tumalon sa likuran niya at pinalibot ang paa ko sa bewang niya na dahilan para madapa siya

"hahahahaha deserve"tawa ko habang naka-upo na sa likuran niya

"aray ko" daing ko ng bigla akong nahulog mula sa likuran niya

tumayo ako habang hinihimas parin ang pwet ko at sinamaan ng tingin si David pero busy lang siya sa pagpapagpag ng damit niya.

"Nakakahiya yun, pero ang pogi niya kahit nadapa"

"Nakakahiya"

"Sayang gwapo sana kaso lampa"

"baka natisod lang wag ka namang ganyan"

napayuko ako at akmang hahawakan na si David ng bigla siyang umatras at nagsimulang maglakad ng mabilis

"David!"sigaw ko

pero hindi siya tumigil

napabuntong hininga ako at napatigil sa paglalakad ng maramdaman na parang may nakatingin saken

nilibot ko ang paningin sa paligid at huminto iyon sa isang matandang babae na purong kulay itim ang suot

direkta lang siyang nakatingin saken or baka may tao sa likod ko

napalingon-lingon ako sa paligid pero parang wala naman doon ang tinitingnan niya

"halika hija" nagsitaasan ang mga balahibo ko at binalingan ulit ng tingin yung matanda

ngumiti siya saken bago tumalikod

nagbikit-balikat ako at sumunod sa kaniya

bahala na

"Halika.." mahinang saad niya ulit at huminto sa isang napakalaking tent na kulay maroon

"Verene de' Seer" napa-ngiwi ako pagkatapos kung mabasa ang malaking karatula sa ibabaw ng parang pintuan sa tent

a Seer?

"Hija?"napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ng matanda

umayos ako ng tayo at pumasok na sa loob

napatakip ako sa ilong ng bigla akong makalanghap ng mapait na amoy

"Yuck"mahinang bulong ko habang nakatakip parin ang kanan kung kamay sa ilong

"tama nga ako isa kang espireto" bulong nung matanda narinig na rinig ko naman

huh?

"halika ka hija, umupo ka"bumuga ako ng malalim na hininga at tininggal ang pagkakatakip ng kamay ko sa ilong ko


suminghot-singhot muna ako at medjo napangiti ng hindi ko na naamoy yung naamoy ko kanina

"haha wag kang mag-alala pinaamoy ko lang iyon saiyo kanina para malaman kung totoo nga ba ang hinala ko" nagtaka ako sa sinabi niya pero wala akong nagawa at umupo na lang ako sa upuan na nasa kabilang side ng table niya at nasa gitna namin ang pabilog na mesa na may mga kandila, rosaryo, at mga baraha sa ibabaw.




"Uh- paano niyo po ako nakikita?"tanong ko, bigla naman siyang ngumiti


"naamoy ko ang presensiya niyong mga ligaw na espireto"naiiling na saad neto at kumuha ng tatlong baraha


"eto ang tatlong barahang nagpapatunay na isa kang ligaw na kaluluwa"isa-isa niyang nilapag ang mga baraha bago pinatihaya yung isa na dahilan para makita ko kung ano ang nakasulat doon

" Misguided ye" hindi ko man naiintindihan pero pinilit ko paring makinig sa kaniya.

" Zeal e Espireto, Archaic ye death "ngumiti siya saaken at inilahad ang dalawang kamay niya.


naguguluhang itinaas ko ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa kamay niyang nakalahad sa ibabaw ng mesa

may mga katagan siyang binanggit bago niya hinilot-hilot ang kamay ko
ipinikit niya ang mga mata niya at patuloy par in sa pagbigkas

"Kayanin mo ang lahat Hija, makakaya mo yan"nakangiting saad niya bago binitawan ang magkabilang kamay ko



"wala akong puwedeng sabihin sa mga nangyayari sa buhay mo, pero hija eto lang ang sigurado ako" huminto siya sa pagsasalita at tinitigan ako ng seryoso


"malapit ng matapos ang oras mo" dugtong niya na ikina-kaba ko


agad akong tumayo at tumakbo palabas ng exit pero agad ding napatigil ng marinig ang boses niya



"hindi ka dapat nakakaramdam ng ibang emosyon. Pero nakakaramdam ka na ngayon, Ang mga espireto ay walang emosyon pero ikaw ay meron, may pag-"hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad akong lumabas at lumingon-lingon sa paligid


Geez kinakabahan ako

dali-dali akong tumakbo palabas doon habang patuloy parin sa paglinga-linga sa paligid

asan ka David?

napahinto ako sa pagtakbo ng makita si David na palabas na ng Amusement park

napangiti ako at tumakbo papalapit sa dereksyon niya
"DAV-"napahinto ako sa pagsasalita at ganun na din sa pagtakbo.

"David honey did you miss me?"rinig kong saad ng isang maputing babae na may mala-anghel na mukha at hanggang kili-kili ang kulay blonde nitong buhok

"Mitch?"napalingon si David sa gawi ko kaya kunwareng busy ako sa pagtingin sa isang mga naglalaro sa gilid ko kung saan may isang store na may mga palaruan

napabuntong hininga ako habang pilit na pinapakalma ang sarili.

I don't have a heart but why can I feel the pain?

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now