Ghost 14

484 45 11
                                    

SAMANTHA'S POV

binalingan ko ulit ng tingin ang pwesto nila David kanina pero wala na sila don.

napabuntong hininga ako at napagdesisyunan ng umalis ng amusement park.


"san ako pupunta?"


tanong ko sa sarili at mahinang natawa bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa medyo makalayo na ako sa amusement park


nilibot ko ang paningin sa paligid at medyo dumidilim na





"Antagal naman pala talaga namin sa amusement park"





umiling-iling ako at nagsimula na ulit na maglakad


hindi ko alam kung saan ako pupunta-

"Yes Mr. Santos I will be there"napahinto ako sa paglalakad at lumapit sa isang medyo may katandaan na lalake na nakatayo sa labas ng isang magarang kotse


"Yes Mr.Santos I brought the papers"

Santos, Santos OMG

apelyido ko yun!


medyo nabuhayan ako ng loob at mabilis na pumasok sa kotse nung lalake nang bigla nyang buksan yung pintuan sa backseat.

komportable akong umupo sa tabi niya habang siya ay busy sa pagpipirma sa mga papeles na hawak niya














"SIR we're here" napa-mulat ako ng mata at tintingnan kung ano ang nasa labas


napanganga ako ng makita ang isang napakalaking bahay- hindi mansiyon na yan


biglang lumabas yung lalake kaya lumabas na din ako.


napasimangot ako ng biglang sumarado ang pinto pero bigla akong tumagos- ay oo multo nga pala ako


Nakatayo lang ako at manghang-mangha parin sa mansiyon na nasa harapan ko

mabilis akong umayos ng tayo ng makitang bumukas yung napakalaking kulay Puting Gate




tumakbo ako papasok at sumabay sa paglalakad nung lalake hanggang sa umabot kami sa isang napakalaking kulay kayumanggi'ng double door





bumukas iyon at kitang-kita talaga ang ganda ng nasa loob, may mga nakahilirang maid and butlers sa gilid at nakayuko ng kunti na sign sa paggalang nila sa bisita


Nice.

pumasok ako sa loob pero bigla ding napahinto ng bigla akong may nalala

--




"masyadong malaki mommy!"

wait- ako yan?!

"no Samantha sakto lang to, isn't this your dream house?"

napalingon ako sa isang babae na kamukhang - kamukha ko


s-she's so gorgeous.

"But mommy masyadong malaki- nevermind..THIS IS PARADISEEEE!!!!!YEPEYY!"



napangiti ako ng kunti ng makita ang batang nakasuot ng kulay asul na dress habang nakahiga sa sahig


she looks like me-p


"Samantha! stop that madudumihan ang dress mo, tayo bilis!"
bigla akong napalingon doon sa babae at napagtanto kong ako nga yung bata





--



"Mr.Santos it is nice to see you again"nabalik ako sa reylidad ng Marinig ang boses nung lalakeng kasama ko

"Domenic.."napaatras ako ng kunti at dahan-dahang hinarap ang lalakeng may malaking katawan at matsong-matso tingnan



napaka-seryoso niya kung makatingin at napakalamig ng boses niya
"M-Mr Santos"

"Let's talk in my office" malamig na saad nito at tinalikuran kami

I'm sure, he's my Dad.

umalis na silang dalawa at ako na lang ang naiwan sa sala

nilibot ko ang paningin sa paligid at napangiti ng mapait ng makita ang isang litratong naka-swimsuit ako habang prenteng nakapameywang sa gilid ng swimming pool.


I think mga 8 ako ng makuha namin ang litratong yun.


napabaling ako sa itaas ng marinig ang pagbukas ng pintuan at ang pagsallrado nun.


mabilis akong umakyat sa itaas at ididikit na sana ang tenga ko sa pintuan ng office ni Dad nang bigla akong tumagos

"ay!" Biglang sigaw ko pero sigurado akong hindi nila iyon narinig, kasi syempre multo ako eh


"She's still on the hospital-"

"any other news?" pagputol ni Dad dun sa lalake.


"she's not responding yet"napayuko si Dad habang ako ay nakakunot noo lang


"the doctor said mas nakakabuti kung palaging may kakausap sa kaniya para maramdaman niyang may naghihintay sa kaniyang paggising- "biglang naputol ang pagsasalita nung lalake ng biglang mag ring yung cellphone ni Dad




"hello this is- WHAT?!" napatalon ako ng kunti nang sumigaw si Dad


"Yes.. No I'm not.. I'll be there.. I'm coming.. please take good care of her" binaba niya ang cellphone niya at may ibinigay na lapel dun sa lalake.



"I need to go"saad ni Dad at tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at mabilis na naglakad papuntang pintuan

bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay nagsalita na si yung lalake na nagngangalang DOMINIC


"I'm coming with you Sir"tumango lang si Dad at lumabas na sila habang ako ay naiwang mag-isa sa loob ng office na naka-tulala



anong meron?

I think I really need to follow them.


mabilis akong tumalikod at hindi na nag-abalang buksan yung pintuan kasi nakaka-tagos naman ako




tumakbo ako pababa ng hagdan at mabilis na sinabayan ang paglalakad ni Dad na parang hinahabol sa sobrang bilis maglakad ganun na din yung lalake

















''''

A/N:  this chapter is edited.

SALAMAT SA PAGBABASA KAHIT NA MINSAN LANG AKO MAG-UD

mwa <3


That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now