CHAPTER 26

145 16 0
                                    

DAVID'S POV

MABILIS akong tumatakbo papunta sa kwarto ni Sam, sa hospital

Siya kaya ang tinutukoy ni Jeno?

Hindi ko nasabi kay Jeno ang tungkol sa kay Sam, pero alam niyang curious ako patungkol kay Sam kaya siguro niya sinabi sa'kin na nagising na siya.

Bumuntong hininga ako at tumayo sa labas ng kwarto ni Sam

Kumatok ako ng tatlong beses at may bumukas noon..

Si Jeno

Ngumiti siya sa akin at nilakihan ang pagbukas ng pintuan at nagbigay daan para sa'kin

Nakangiti akong pumasok sa loob "Tuason" napatingin ako sa papa ni Sam at ngumiti

"Goodevening Sir" ngumiti lang ito sa akin

Napatingin naman ako kay Sam na ngayon ay nakaupo na sa kama niya at blankong nakatingin sa akin

Walang bahid na emosyon sa mukha niya, para itong nalilito

"Who are you?" Three words that made my heart shrink.

"kilala ba kita?" Nangungunot ang noo nito

Hinawakan naman ni Mr.Santos ang kamay niya at ngumiti "He's David. The son of our partner in the company, Mr.Tuason" tumango tango naman si Sam sa sinabi ng papa niya

"Nagka-amnesia siya" bulong sa'kin ni Jeno

Sinuri ko ng tingin si Sam at nangunot ang noo ko

"Sana bumalik na ang mga ala-ala mo" ngumiti ako sa kaniya at umalis na agad ng kwarto niya







NAKAUPO ako sa bench ng school habang sinusuri ng tingin ang babaeng kakabalik pa lang sa paaralang to

"Don't you think she's weird?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko

Nilingon ko ito at mas lalong nagulat ng makita si Jackson or Ethan? Ano ba dapat itawag dito?

"Ethan" inilahad nito ang kamay niya

Umayos ako ng upo at nakipagkamay sa kanya "David"

Tumango tango ito at binitawan ang kamay ko, may nakita akong dumaang lungkot sa mata niya pero baka namamalikmata lang ako

"So back to my question, do you think she's weird?" he crossed his arms ang sat comfortably

"Sino?" Tanong ko at ibinalik ang tingin kay Sam na nakikipag-usap sa mga babaeng kaklase namin

"Her, Samantha." Napalingon ako dito at umiling

"She's dead when I found her, she's as cold as ice and pale, I still couldn't believe that she woke up" nabuntong hininga ako

"Miracle happens" he 'tsk'

"She's weird" huling narinig ko sa kanya

"I don't think-" napatigil ako sa pagsasalita nang paglingon ko ay wala na siya "he's the one who's weird, really weird"

Ibinalik ko ang tingin ko kay Sam at napatayo ng wala na siya sa pwesto niya kanina

Tumayo ako at nagsimulang hanapin siya.



NANGUNOT ang noo ko nang makitang bukas ang pintuan ng Music Room

Walang pagaalinlangan akong pumasok doon at nanlaki ang mata ng makita si Sam na nakatali sa upuan at may takip ang bunganga

"hmpp!" Nanlalaki ang mata nito at sinusubukan paring magsalita habang hindi mapakali sa upuan

"Anong nangyari sayo?" Agaran akong lumapit sa kaniya at Tinanggal ang tape sa bunganga niya

"Okay ka lang?"hinihingal ito

"Tumakbo ka na David" mahinang saad nito habang nakatitig sa mata ko

Agarang lumabas ang mga luha sa mata niya "Takbo!" Sigaw nito na siyang ikinataranta ko, agaran akong tumayo at lumingon sa pintuan pero ganoon na lang ang gulat ko nang may sumirado noon

Mga lalakeng nakaitim ang nakaharang sa harapan ko "sabi ko sayo takbo eh! Gago ka  talaga!" sigaw ni Sam mula sa likuran ko

Dahan dahan akong umatras habang ang mga nakaitim na lalake ay dahan dahan ding lumalapit.

"sleepwell" rinig kong may bumulong mula sa likuran ko bago ako nakaramdam na ng sakit sa batok ko, kasabay noon ay ang paglamon ng kadiliman sa'kin.



That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now