CHAPTER 27

147 13 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

ISANG lalake ang bumuhos ng tubig sa ulo ni David na dahilan para magising siya "gago!" Sigaw ni David habang naghahabol pa din ng hininga habang ang babae namang katabi niya ay napaikot na lang ng Mata

"Ayan tatanga tanga kasi" bulong ng babae

"Kamusta ang tulog?" Tanong ng lalakeng nasa harapan ng dalawa

"Sige subukan mong matulog sa pamimigatan ng paghapas sayo ng bat, masasabi mo kayang mahimbing o masarap?" Sarkastikong saad ng babae na siyang ikinainis ng lalake

Nilapitan nito ang babae at sinampal ng malakas "kahit kailan talaga napakapilosopa mo pa din" dinuraan nito ang babae na ikinainis niya

"Fuck you!"

"Sam bunganga mo!" Sabat naman ni David na gulat na gulat sa inaasta ng babaeng nakilala niya bilang mabait at mahinhin

Sobrang layo niya sa mga kinekwento ng mga estudyante, hindi siya mahinhin, palamura na pilosopa, yan ang tunay na siya.

"Akala mo maloloko mo'ko?" Hinawakan ng lalake ang pisnge ni Samantha at hinamas himas iyon

"Hindi ka magaling magpanggap Sam, bakit di ka gumaya sa'kin?" Saad ng lalake

"Hinding hindi ako gagaya sa isang tulad mo!" Sigaw ni Sam

SAMANTHA'S POV

I glared at him.

Napakagago niya talaga

Noong nagising ako nagpanggap akong walang maalala para di na niya ako balikan pa at para makapagsabi ako sa mga pulis sa lahat ng nalalaman ko na hindi niya ako nahuhuli pero hindi umobra

Masyado siyang magaling.

"Anong Kailangan mo sa'min?" Tanong ni David

gago din to eh, sarap niya sipain, nagpadala pa naman sa pain tsk

"Simple, mga buhay niyo" simple yun?

I rolled my eyes and glared at him again
"Hinding hindi ako masasaktan sa pagtingin mo Sam kaya itigil mo yan" saad nito at natawa ganoon din ang mga kasama niya

"Fuck you! Ang sama sama mo! Deserve mong mapunta sa empyerno!" Gigil na gigil na saad ko

Natawa naman ito "mauna kayo Sam, kasi kayo naman talaga yung demonyo" biglang saad nito pero sa mahinang tono

I feel bad for him, pero napakademonyo niya, he deserves to rot in hell.

Nakamaskara siya kaya hindi ko makita ang reaksyon niya

"ikaw at ang mama mo kayo yung mga demonyo, isama mo na din ang papa mo!" Dinuro ako nito ng baril na ikinakaba ko

"wag!" Sigaw ni David

nilingon niya si David at nilipat kay David ang pagtutok ng baril
" ay ibalik mo na lang pala sa kanya" mahinang saad ni David

Gago talaga to

bumuntong hininga naman ako at hinarap siya "look kung ano man ang nagawa namin
patawarin mo na kami, I know naman na hindi yun sadya eh, please kuya let's start again. Maging masaya tayo as a family, forget the past let's start a new one" saad ko

"Papayag ka bang mapunta sa wala ang lahat ng sakripisyo ng mama mo?" biglang pagsulpot ng isang lalake na nasa 50's na

"Isipin mo lahat ng paghihirap ng mama mo ng dahil sa kanila, isipin mo kung ano ang naramdaman niya" Dugtong pa ng lalake

"Kuya don't listen to him, he's just manipulating you! Ano ba gumising ka na mula sa kahibangan mo! alam kong mabait ka kaya please stop this"

"Shut up bitch!" Sigaw niya " because of you my mom died, if only you weren't born!" Sigaw nito

"Kuya- ah!" Napasigaw ako sa sakit nang bigla nitong paputukan ng baril ang hita ko

"ahh" napapikit ako

"Kuyaa- ahh!" Nagpaputok ito ulit pero hindi na ako tinamaan niya kundi ang ceiling

"I said shut up!" Napaluha ako

naalala ko kung paano niya ako sinubukang patayin "papaano na lang kaya kung hindi nangyari ang lahat ng yun? Magiging masaya kaya kami? I used to play with him, I used to love him as my own kuya not knowing that we're related, I miss him, the old him"

"Gago ka!" Sigaw ni David habang sinusubakang kalagan ang mga nakatali sa kanya "shut up fool" saad niya

"Isa ka din eh, kung hindi sana kayo pakielamero at pakielamera ng kapatid mo edi sana hindi aabot sa ganito"tumawa siya

Hanggang ngayon parang ayaw ko paring maniwala na siya yun, na siya yung itinuring kong totoo kong kapatid

"Ah oo nga papa hahaha baka namimiss mo na yung kaibigan mo, pakielamero din kasi" itinaas nito ang kanang kamay niya at umalis naman ang dalawang lalake mula sa likuran niya at hinila ang kurtina na nasa gilid lang

DAVID'S POV

NANLAKI ang mata ko nang makita ang tao sa loob ng isang kulungan

marami itong pasa at sugat, puno ng dugo ang damit niya at nanghihinang tumingin sa akin.

"Kung hindi sana niya ako sinundan edi sana wala siya dito ngayon, sabi nga nila curiosity kills kaya ayan malapit nang mamatay dahil sa pagkacurious niya " napayuko ako

Ano to? Bakit nandito siya?

"Parehas lang kayo eh, mga curious kaya ayan damay" tumingin ako sa kaniya

Gustong gusto ko siyang suntukin, bugbugin, patayin.

"D-David" napalingon ako kanya

Nakasandal siya sa dingding habang nakahawak sa tiyan niya

"h-he's not a-a friend" nakita ko kung paano tumulo ang luha niya, kitang kita sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala

"Angelo.."

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now