Ghost 7

740 46 0
                                    

SAMANTHA'S POV

"NO other clues yet"

napatingin ako kay David na ngayon ay nakayuko at hawak hawak ang nga papeles.

"it's okay, try natin ulit maghanap ng clues mamaya" tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa bintana

It's been three days since nung nakuha namin yung sulat sa itaas ng puno, which is yung first ever clue na nahanap namin.

Nandito kami ngayon sa room, at 5:13 na sa hapon kaya wala ng students na nags-stay pa sa loob.

"hmm what if magpatulong ako kina Angelo?" agad akong napalingon kay David at nangunot ang noo

"Maniniwala ba sila sayo?" tanong ko at sumandal sa dingding.

"well.. tatanungin ko pa lang sila kung may nakikilala ba silang gangs dito, don't worry 'di 'ko sasabihin na may tinutulungan akong multo" he chuckled

I don't know, but that chuckle made me smile- uh- just forget what I've said!

my smile faded when his phone rang.

I looked at him and signalled him to answer the call.

tumayo naman siya at lumabas ng section henry

".. At school-"

Habang siya ay nasa labas nasa bintana naman ako, pero kahit medyo malayo naririnig ko pa din ang boses niya

"uh- okay, uuwi na ako"

"Gago ka, walang multo dito " agaran akong napalingon sa kung nasaan si David at nangunot ang noo

wala ba talaga? eh kung takutin kaya kita?

Napailing iling na lang ako sa naisipbat dumungaw sa bintana

"tsk" agaran akong napalingon kay David na ngayon ay nakangiwi

"sino yun?"tanong ko at umupo sa desk na malapit sa'ken

"Si Jeno"simpleng sagot niya at pumasok sa loob ng classroom at kinuha ang bag niya mula sa seat niya

"I need to go. Kita na lang tayo bukas"saad nito at tumalikod na sa'ken.

"okay"

he waved his right hand backwards at lumabas na sa room.

at eto na naman

boring..

tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumunta sa desk niya, yumuko ako at nakita ang yellow notebook na nasa ilalim ng upuan niya, kinuha ko yun at bubuksan na sana ng may narinig akong mga tunog na parang may naglalakad

ibinalik ko ang notebook sa kinuhaan ko at tumayo

the notebook belongs to David btw

naglakad ako papalapit sa pinto at nang makarating sa pintuan ay nangunot ang noo ko

mayp nakita akong tatlong taong naglalakad papunta sa direksyon ko, sa section henry.

they're weird

so weird.

naka-all black sila at may suot na itim na mask

"Naniniwala kayo dun?"
rinig kong boses mula doon sa tatlo, pero di ako sigurado kung sino sa kanila ang nagsalita

lahat sila ay maingat sa paglalakad, at hindi malalaman kung babae ba o lalake dahil sa suot na sumbrero

"G-ago hindi ah" pag angal nung isa

nangunot ang noo ko at tinitigan sila ng maayos

"Manahimik kayo, haka may tao pa dito at marinig kayo" nangunot lalo ang noo ko, babae yung nagsalita panigurado

nakakatakot ang boses niya, parang nagbabanta.

"Wala na yan, 6:00 pm na oh" agaran akong napatingin sa orasan sa loob ng classroom

ay ambilis ata ng oras ngayon

"Tara na, bilisan niyo hinihintay na tayo ni boss" sabat nung babae at lumiko ng daanan

boss? sinong boss?

agad akong lumabas ng section henry at sinundan yung tatlo.

I'm not sure kung estudyante ba sila dito o hindi

"Bilisan niyo!" agad tumakbo ng mabilis yung tatlo kaya nawala sila sa paningin ko

masyadong mabilis, parang hindi ordinaryong tao

nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nagulat ng umabot na ako sa likod ng clinic ng school

anlayo naman ata ng inabot ko

tumingin ako sa harapan ko at nakita ang kakahuyan na sobrang dilim na.

psh ano naman ang gagawin nung mga lalaki dito eh gabi na tas wala pang tao dito

they're so mysterious, sino kaya sila?

umiling na lang ako at naglakad pabalik sa section Henry.

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now