CHAPTER 21

190 16 6
                                    

DAVID'S POV

"WE'RE HERE" agaran kong binuksan ang pintuan ng kotse nang magsabi ni Angelo na andito na kami

pagkalabas ko ay sinuri ko agad ang napakalaking bahay na nasa harapan namin

mabilis namang naglakad si Jeno papunta sa gilid ng gate kung saan may mga butlons at meron ding cctv camera.

lumapit kami doon ni Angelo at tinabihan si Jeno sa pag tayo

May pinindot si Jeno at agarang gumalaw ang cctv na nasa itaas
"May I know who's this" tinig ng isang babaeng AI ang narinig namin

"Jeno Estrada, son of Mr.Domenic Estrada" sagot ni Jeno habang ang cctv camera ay sinusuri ang kabuuan niya

"confirmed. You may now enter" pagkasabi nun ng AI ay agad na bumukas ang gate at bumungad saamin ang napakalaking mansion

"nice, may access sa mansion ah" tinapik ni Angelo ang balikat ni Jeno habang si Jeno ay nakangiti lang

"my dad is Mr.Santos's assistant" sagot ni Jeno at nauna nang pumasok sa gate

"ahh kaya pala, sanaol" sabat ni Angelo at pumasok na din, ganoon din ako

Nang makalapit kami sa malaking pintuan ay bumukas lamang ito mag-isa at bumungad saamin ang matandang babae at dalawang babae na sa tingin ko ay nasa mod 30's na

"goomorning, welcome to the Santos's mansion" sabay sabay silang yumuko at pagkatapos ay ngumiti silang tatlo saamin

"We're here to visit Sam's bedroom" magalang na saad ni Jeno na siyang tinanguan ng mga maids

"this way" naglahad ng kamay ang matanda at nauna nang naglakad ang dalawa pa nitong kasamahan pa akyat sa hagdan.

Habang naglalakad ay napansin ko ang mga nakadisenyo sa paligid at halatang halata na mamahalin ang mga iyon, may mga nakita din akong litrato ni sam noong bata pa siya na siyang ikinangiti ko.

napakaganda.

"Nandito na po tayo" saad ng dalawang maid at yumuko saamin bago tumalikod at umalis

Nasa harapan na kami ng kulay puting pintuan

"Ah oo nga pala, paano mo napapayag na pumasok tayo sa bedroom ni Sam?"tanong ni Angelo kay Jeno

ngumiti naman si Jeno "I told Mr.Santos na tutulong tayo for investigation and that's it pumayag na siya" napatango tango naman si Angelo

naunang binuksan ni Jeno ang pintuan at sumunod na rin kami ni Angelo.

napamangha ako sa disenyo ng kwarto ni Sam, napakaganda.

kulay mint green ang dingding at may mga book shelf sa gilid.

"ano nga palang hahanapin mo dito David?" Tanong ni Jeno

hindi ko sinagot ang tanong niya bagkos ay nagsimula na akong maghanap

lumapit ako sa maliit na kabinet malapit sa kama ni sam at binuksan iyon isa isa pero wala doon.

Pumasok ako sa walk in closet at naghanap pero wala pa din

may nailagay kaya siya dito?

Naukay ko na lahat ng mga pwedeng paglagyan nun pero wala pa din.

napa upo ako sa sahig sa pagod samantalang ang dalawa ay nakaupo lang sa sofa at nagtatakang nakatingin sa'kin.

I shrugged at humiga sa sahig

napakapeaceful dito

tinagilid ko ang ulo ko at pipikit na sana ng may napansing box sa ilalim ng kama.

mabilis akong dumapa at inabot iyon

"ano yan?" Tanong ni Angelo nang mailabas ko na ang box mula sa kama

"box malamang" sabat ni Jeno kaya nahampas siya ni Angelo

agaran kong binuksan ang box at bumungad saakin ang isang malaking libro

Sinuri ko iyon at may nakitang "photo album" na naka sulat sa itaas lang ng libro

napangiti ako.

Kabadong kabado ako habang dahang dahang binuksan ang photo album

ganun na lang ang gulat ko nang makita ang mga litrato doon, patuloy lang ako sa pagflip ng pages hanggang sa nakaabot ako sa pinakahulihan

nagsituluan ang mga luha ko nang makita ang nasa huli
"David?" Nagaalalang tanong ni Angelo

"kinuha ko ang nakasuksok na litrato doon sa maliit na bulsa ng huling pahina

tiningnan ko ang unang litrato at agad na napaluha sa nakita

Isang babaeng walang kalaban laban ang hinuhubaran

Humigpit ang hawak ko sa mga litrato.

kitang kita kung paano siya sumigaw at magpumiglaw, kitang kita din kung paano siya sampalin at sakalin.

nakuha iyon lahat sa litrato

nanlaki naman ang mata ko nang sa huling litrato ay may lalakeng nakaharap sa camera

si sam ba ang kumuha ng lahat ng 'to?

napaluha ako lalo.

Ang laman ng photo album ay ang mga litrato ni Sam kasama si Dayanna, halatang masaya ang dalawa pero yung huli..

agaran kong isinirado ang photo album at kasabay nun ay ang pagkahulog ng isang maliit na nakatuping papel.

binuksan ko iyon ng dahan dahan at nakitang may mga nakasulat doon


hindi ko sinasadyang malaman ang lahat.
wala akong nagawa.
hindi ko man lang siya natulungan.
ang gusto lang naman namin ay
mabuhay ng payapa, hindi namin gustong madamay sa gulong 'to.

Kuya.. patawad.


Nangunot ang noo ko

sinong kuya? Ang pagkakaalam ko nagiisang anak lang si Sam

agaran ko iyong tinupi at ipinasok sa bulsa ko.

sino yung mga taong yun? May mga takip sila sa mukha kaya di gaanong makita pero yung isa

yung sumampal sa kapatid ko.

pamilyar siya

That GHOST in Section HenryWhere stories live. Discover now