WATER GUN w/ GARLIC

4.8K 151 0
                                    

A VAMPIRES' GIRL
by milmarcel

Third Person's POV

Maliwanag na buwan sa kalangitan na siyang patuloy na nagbibigay liwanag sa madilim at malawak na kagubatan. Sapat na liwanag para sa mga bampirang naghihintay sa tamang oras ng pag-atake.

Ramdam na ramdam ang mainit na tensyon mula sa pagitan ng dalawang grupo ng mga Bampira. Ang Nuvo's sister at ang Vampirexo. Makikita sa mga mukha nila ang mga nakakatakot na aura na siya namang nagbibigay kaba para sa nag-iisang tao na.. si Dianara.

Ang puno't dulo ng lahat. Ang dahilan kung bakit mangyayari ang isang kaguluhan sa pagitan ng dalawang grupo.

Isa pa sa nakapagbibigay kaba sa dalaga ay ang mga mata nito na sobrang pula at mga pangil na sobrang matutulis.

Hindi na dapat siya kabahan pa sa mga oras na ito dahil pinalilibutan siya ng mga lalaking handang makipagpatayan para sa kanyang kaligtasan.

Ngunit hindi niya parin magawang maging kampante sapagkat hindi niya alam kung ano ba ang kayang gawin ng magkakapatid, lalo na kapag dumating pa si Nirvana, ang leader ng grupo.

Hindi nagtagal unti-unti ng gumalaw ang magkakapatid na bampira at biglaan nalang sumugod.

Sinabayan naman ng sampung miyembro ng Vampirexo ang bilis at galaw ng nuvo's sister.

Samantalang naiwan naman sa tabi ni Dianara si Luhan at Tao.

"Hindi nyo ba sila tutulungan?" Nag-aalang tanong ni Dianara sa dalawang binata. Tumingin sa kanya si Tao.

"Ilan ba sila Xiumin?" tanong nito sa dalaga.

"Sampu" sagot ni Dianara habang pinanonood sila Kyungsoo na makipaglaban.


"Ilan naman ang kalaban nila?" tanong muli ni Tao.

"Tatlo"

"Alam mo naman pala ee. kaya nandidito kami ni Luhan para kung sakaling may makalapit 'man sa tatlong 'yan dito. may magliligtas parin sayo." paliwanag ni Tao na pasimpleng tumingin kay luhan.

"Pero pwede namang AKO nalang" parinig nito. Hindi na sumagot si Dianara sapagkat nakatuon na ang kanyang atensyon sa mga Bampirang naglalaban. Hindi narin pinansin pa ni Luhan ang sinabi ni Tao.

"Oh" saglit na naman napatingin si Dianara at Luhan mula sa bagay na inaabot ni Tao.

"Bakit na sayo 'yan?" nagtatakang tanong ni Dianara.

"Proteksyon" tipid na sagot nito.

Aabutin na sana ni Dianara ang water gun mula sa kamay ni Tao ng mapansin niya ang mga sugat nito sa kamay. Mabilis na kinuha ng dalaga ang kamay ni Tao na lihim namang napapangiti at kinikilig sa nangyayari. Napasimangot tuloy si Luhan sa kalandiang taglay ng kaibigan.

"Napaano 'to?" tanong ni Dianara habang inilalapit sa kanyang mukha ang kamay ng binata.

"Nagdikdik kasi ako ng bawang para ilagay diyan sa watergun. Dahil diyan nagkasugat ang kamay ko" Nakangusong sambit ni tao.

Palaisipan naman para sa dalaga kung saan ito kumuha ng bawang pero iwinaksi na lamang niya sa kanyang isipan ang bagay na 'yun.

Dahan-dahang hinipan ni Dianara ang mga sugat sa kamay ni Tao. Ramdam ng binata ang maiinit nitong hininga kaya lalo itong napangiti at pasimple muling tumingin kay Luhan na sobrang talim ng mga tingin.

napansin naman iyon ni Dianara kaya agad itong nagtanong.

"bakit ganyan ka makatingin kay Tao? magkaaway ba kayo Luhan?"

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon