NEW CHARACTER

3K 95 2
                                    

sorrrrrrryyyy mga kaibigan kong tunay if ngayon lang nakapagUD kasi naman bigla akong naging bc.
baka ka nga matagalan ulit ang next ud. Graduation kasi ng dalawa kong kapatid, wala kasi si Ina at si Ama kaya akong kuya ang magaasikaso.

hopeyouunderstand:))

ito na po..

------------


A VAMPIRES' GIRL by milmarcel

Chapter TwentySeven

3 days Later..

Luhan's POV

Malakas kong isinuntok ang aking kamao sa isang puno. Ibinunton ko lahat ng inis ko dito. Tatlong araw na ang nakakalipas buhat ng mawala si Dianara kasama si Dominiro.

Sobra na akong nagaalala, baka may ginawa ng masama ang walang kwentang hari na iyon kay Dianara. At pagnangyari 'yun ay hindi ko siya mapapatawad!

Muli kong sinuntok ang puno, dahilan para tumamba ito.

"Mukhang mabigat ang problema mo, ah?"

Lumingon ako sa nagsalita. Isang babaeng Bampira. Tss. Wala akong panahon para kumausap kung kanino.

Hahakbang na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Sa amoy mo, masasabi kong mataas na uri ka ng bampira"

Tss. Ano namang pakialam ko? Walang kwenta. Naglakad na ako ng tuluyan ng muli siyang magsalita.

Salitang nakapagpatigil sakin.

"Maari kitang matulungan na makita kung nasaan si...

Dianara" Mabilis akong lumapit sa kanya at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

"Anong alam mo!? Bakit kilala mo si Dianara!? Asan siya!?" galit at sunodsunod kong tanong sa kanya.

"Bitawan mo muna ako"

Binitawan ko siya at muli akong nagtanong.

"Paano mo nalaman ang tungkol kay Dianara? Tauhan ka ba ni Dominiro?"

"Hindi ako tauhan ng walang kwentang haring na 'yun. At para sa una mong katanungan...

Nakikita ko lang naman ang hinaharap" napatingin ako sa kanya ng matalim.

"Niloloko ma ba ko!?" sigaw ko.

"hindi at Totoo ang sinasabi ko, nakikita ko ang mangyayari, nangyayari at mga nangyari... At sa pamamagitan nun matutulungan kitang makita si DIANARA DAMIN..tama?"

Muli ko siyang hinawakan sa balikat.

"asan sila!? Ayos lang ba si Dianara!? Sabihin mo!?"

"Masyado kang sabik. Haha, sige Tutulungan kita,.. sa isang kondisyon" napalayo ko bigla sa kanya, hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Pero kung ito lang ang tanging paraan, gagawin ko.

"Anong kondisyon?" seryoso kong tanong.


" YOU. WILL. BE. MINE...

ALONE."

----------

Sa mansion ng VampirEXO

3rd Person's POV

"kailangang Parusahan ang VampirEXO!" sigaw ng isang namamahala sa Cuvanent mansion, mahigpit kasing ipinagbabawal ang pakikipagsalamuha sa isang Mortal.

"Hindi 'yan ang mahalag ngayon. Ang dapat nating gawin ay mabawi mula sa mga kamay ni Dominiro si Dianara." mahinahon na paliwanag ni Mrs. Xi, ang Ina ni Luhan.

"Pero paano po?" tanong ni kyungsoo na nakapagpatahimik sa lahat. Walang sino 'man ang may alam kung ano ang dapat isagot.


Biglang bumukas ang pinto kaya naman napatingin ang lahat sa pumasok. Si luhan na natulala.

Nagulat ang lahat ng bigla itong bumagsak sa sahig.

"Tao!!"

"Luhan!!"

Agad na lumapit ang lahat sa dalawa. Galit na galit na nakatingin si Tao kay luhan.

"Tao. Relax ka lang" sabi ni Kai habang mahigpit na hawak si Tao. Gaun rin sila Kris at Chanyeol.

"Dahil sa kanya!" turo ni Tao kay luhan "Nasa panganib ngayon ang buhay ni Dianara!" sigaw pa nito at pilit na kumakawala upang muling masuntok si Luhan.

Itinayo nila Xiumin si Luhan. parang wala lang dito ang ginawang suntok ni Tao.

"Tao alam ko kung ano ang nararamdaman mo, pero huminahon ka muna, hindi ito ang tamang oras para pairalin ang galit" paliwanag ni Mrs. Xi

Huminahon naman si Tao.

"Saan ka galing?" nagaalalang tanong ni Mrs. Xi sa kanyabg anak. Pero para itong walang narinig at dumiretso lang sa pagakyat.

Magulo ang isip nito, hindi niya alam kung dapat ba niyang tanggapin ng inaalok nito.

you will be mine .. Alone?

Bigla nalang natawa si luhan pero agad rin iyon napalitan ng lungkot at kaba. Ipinikit niya ang kanyang mata at marahan na binagsak ang sarili sa malambot na kama.

"anong gagawin ko?"

---------

Malakas na Naibagsak ni Haring Dominiro ang kanyang kamay sa ibabaw ng Lamesa.

"Sa susunod na kabilugan ng buwan!?" galit na tanong nito at muli nanamang inihampas ang kamay.


"Opo ...ng sa ganun ay tuluyang mapasa inyo ang dalisay na dugo ng babaeng yun."

"Ahhhgggggg!! hindi ko na kayang makapaghintay pa!!" sigaw nito at lumipad patungo sa kabilang dako ng silid kung saan nakagapos si Dianara.

Marahas na hiniwakan nito ang mukha ni Dianara. Wala na itong lakas. Bumagsak narin ang katawan nito dahil sa sobrang gutom at pagod dahil sa ginagawang pananakit ni Dominiro.

"Ma swerte ka at tatagal pa ang buhay mo!" sigaw nito at marahas na binitawan ang mukha nito.

" ma swerte?" biglang imik ni Dianara. " mula ng mapunta ako sa nakakatakot na lugar na ito. Nawala na lahat ng swerte ko sa katawan!" matapang na sabi pa ni Dianara. Kahit na hirap na siyang magsalita.

pero dahil sa ginawa niyang pagsagot isang suntok ng tumama sa tiyan niya. Namilipit ito sa sobrang sakit.

" 'yan ang napapala ng mga nagtatapangtapangan!"

Tumulo ang luha ni Dianara. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman niya kundi sa kaba at takot na..


hindi magtagal, ay mawala na siya ng tuluyan.

***** end of chapter 27

wussshhhu! Pasenya guys kung waley.. Babawi ako PROMISE!!

sorry for typos. Hope you like it.

Xoxo

milmarcel.

A Vampires' Girl (Editing)Onde histórias criam vida. Descubra agora