Chapter Thirty

2.8K 91 0
                                    

First of all... I want to say sorry kung waley ang mga nagigingUD ko. At sobrang igsi. Sorry talaga.

   ito na po ang chapter 30

    hope you like it mga kaibigan kong tunay!
  
--------------

      A VAMPIRES' GIRL by milmarcel

     Chapter Thirty

   a third Person's POV

       LUMANDAS ang napakaraming luha mula sa mga mata ni Dianara. Halos mahilam na ito. Hindi kasi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon si Luhan. Ang buong akala niya ay mabubulok na siya sa kanyang kinatatayuan. Kaya sa sobrang saya ng kanyang kalooban ginantihan niya ang mahigpit na yakap ni luhan. kahit pa hirap na hirap pa ang kanyang mga braso na itaas dahil sa mabigat ng kadena na nakagapos dito.

       "Akala ko hindi ka na--"

      Pinutol ni Luhan ang ano mang sasabihin pa ni Dianara. Halata sa boses nito ang sobrang pagod kaya pinigilan ito na magsalita. Matapos ng mahigpit na yakap ay hinarap niya ito at marahan na hinawakan sa magkabilang pisngi.

      "Wag ka ng umiyak. ilalabas kita sa lugar na ito" malambing na sabi ni Luhan bago marahan na binuhat si Dianara sa kanyang likuran.

     "P--pero p-p-aano mo n-alaman ang l-lugar na ito?"  takang tanong ni Dianara. Naalala kasi nito ang pagdaan nila sa isang lagusan na sabi ni Dominiro ay walang makakaalam.

      "Saka ko na sasabihin sayo, ang mahalaga ngayon ay mailayo kita sa lugar na ito. At please wag ka munang magsalita. Pagod ka na."  sabi pa nito bago tuluyang tumungo sa may pintuan ng silid. Pero hindi nila inaasahan ang tumambad sa kanilang harapan.

      Si Haring Dominiro.

     Parang nawala ang hangin at biglang bumigat ang aura sa paligid. Ramdam 'rin ang malakas na kabog ng puso ni Dianara. Sobra sobra ang kaba nito na nakapagpabahala kay Luhan. Kaya lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak kay Dianara.

     "Ang lakas ng loob mo na pumasok sa terotoryo ko at balak mo pang itakas ang babaeng 'yan!?" Nagngingitngit na sigaw ni Dominiro at walang sabi-sabi  na mabilis na sinugod sila luhan.

     kaya biglang napahawak si Dianara ng mahigpit sa balikat nito.

    Luhan natatakot ako! Mahinang bulong ni Dianara. Narinig ito ni luhan kaya gumawa siya ng paraan para makaiwas sa nagbabadyang pagatake ni Dominiro.

    Malaks na ipinadyak ni Luhan ang kanyang kanang paa sa sahig dahilan para yumanig ang buong paligid. Dahilan 'rin upang maudlot ang pagatake ni Domomiro at siyang nag pabagsak dito.

   

    kaya nagkaroon sila ng pagkakataon upang tumakas sa palasyong kulungan.

     "Wag ninyo silang hahayaang makatakas!!!!!!!!!!!!!!!" galit na galit na sigaw ni haring Dominiro. At Lumabas kung saan ang sampung kawal na bampira na mabilis nama'ng sinundan si Dianara at Luhan.

-----------

     MAHIGPIT na niyakap ni Nutella ang unan na ginagamit ni Luhan. Para itong asong ulol na paulit -ulit na pag amoy dito. Hindi na tuloy siya makapaghintay na mapasakanya ang binata.

      "Ang lalaking matagal ko ng minamahal! Mapapasakin na!" sabi nito at sobrang lakas na tawa ang kanyang ginawa. Hindi naman niya alintana na merong nakarinig sa kanyang malakas na tawa.

A Vampires' Girl (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon